Ikatlong kabanata

7 0 0
                                    

natural na atang sabihin ang mga katagang,

"i miss you balik ka na"

o 'di kaya nama'y itanong sa itaas kung,

"jusko, wala na ba talaga?"

kasi minsan na ring lumabas sa bibig ko ang mga 'yan.

kahit pa hindi ko naman talaga ibig na sabihin, minsan.

 
ang layo kasi ng mga salitang 'yan sa hiniling ko sa 'yo.

alam kong kapag narinig mo 'yan mula sa 'kin, iisipin mong isa 'kong hipokrito.

nung gabing pumiglas ako sa pagkakahawak mo,

parehas naman tayong nahirapan ng husto.

kahit pa nauwi sa gan'to, 

'di ba 'di naman natin 'to ginusto?

alam mo kung may chance lang ako,

makikiusap ako sa magulong mundo.

sasabihin kong ngayon ko lang naramdaman 'to.

kaya kung pwede lang sana,

'wag nang ipagkait 'yung taong mahal ko.

pero bakit naman kasi gano'n?

ang luwag ng pagkakakapit mo.

hindi mo lang ba talaga sinasadya?

o bumitaw ka na lang din para sa presensya ko'y makalaya?

hilig kong mag padala ng pagka haba-habang mensahe para sa 'yo.

lahat kasi ng bagay at nakaka excite lalo na pag alam kong para sa 'yo.

pero 'di ko inakalang susulat ako ng mensahe kung saan nagmamakaawa ako.

nagmamakaawa hindi para sa pagbabalik mo,

kun' 'di para sa isang kondisyon na kakailangan ko pag alis mo.

"baka pwedeng pagkatapos ng gabing 'to, huwag na huwag ka nang babalik"

'yung tipong kahit sobra mo na 'kong miss,

maaalala mo pa rin 'yung hiling ko nang walang mintis.

kahit sobra na 'yung tama ng gin sa katawan mo,

maiisip mong ayoko nang makatanggap ng gulo gulong letra mula sa account mo.

o 'di kaya nama'y kung mapag tripan ka ng mga kaibigan mo sa larong truth or dare.

pipiliin mo na lang na umayaw sa laro kasi,

you know this is where i'm never prepare.

lagi ko kasing sinasabi na,

once i'm done, i'm done.

pero kapag ikaw na kasi 'yung pinag uusapan,

'yung taas ng pride ko kaya kong ibaba at hindi ko alam kung hanggan saan.

kung 'yung pag unfriend ko ba sa 'yo sa facebook, hanggang kailan?

kung hindi ko ba talaga papansinin ang mga mensahe mo,

kahit sinasampal na sa 'king harapan.

in conclusion, hindi ko sinabi 'yon dahil 'yun ang gusto kong mangyari.

nakakahiya man aminin pero mensahe mo ang inaabangan ko parati.

kaya kahit pa hirap na hirap na 'ko sa sitwasyon kung saan ako naman ang nag lagay sa sarili ko,

alam kong kailangan lang ng ulo ko ng k'onting tapik.

tapos kahit ayaw ng boses,

bibigkasin na lang ulit.

kung pwede lang,

"huwag na huwag ka nang babalik"









Mga Katha ni JulianaWhere stories live. Discover now