Prologue
Marahang inalis ni Kendrick ang bra ni Estelle at mula sa pagkakatayo ito'y kanyang binuhat at ipinatong sa lamesa. At doon nila itinuloy ang kanilang ginagawa, na para bang walang pakialam sa paligid. Pareho nilang masayang pinagsasaluhan ang init at halik ng bawat isa, kahit mahulog pa man ang mga papeles na nakalagay sa lamesa ng office ni Kendrick.
“Ugh f*ck Kendrick, lick it faster. Like the way you did to your husband.”mga ungol ng dilag habang napapadabunot pa sa ulo ng Kendrick at buong ginagalingan sa pagsipsip ng maumbok na pang harap nito.
- - - - - - -
Mabilis na pinapatakbo ni Pierre ang kaniyang sasakyan. Mabigat ang kaniyang emosyon, dahil sa kaniyang nalaman mula sa kaniyang kaibigan. Halos madaling araw na at wala pa din ang kaniyang asawa na si Kendrick, wala man lang itong pasabi na gagabihin ito ng uwi.
Madalas ng ganito ang nangyayari, pero hindi ito pinapansin ni Pierre gayong may tiwala siya sa kaniyang asawa. Bagkus, dahil sa kaniyang nalaman hindi na siya nagdalawang isip na kumpirmahin kung totoo ba ang sinabi ng kaniyang kaibigan sa kaniya. Pakarating niya sa kanilang kompanya ay taimtim siyang naglakad patungo sa opisina nito.
Hangga’t maaari ay iniiwasan niyang gumawa ng ingay. Wala na ding tao sa loob ng kompanya at tanging mga bakanteng upuan at mesa, pati mga computer's na lamang ang mga nandito. Nagtaka siya gayong wala ang kanyang asawa sa opisina nito. Napahinto siya at napaisip. Biglang pumasok sa kanyang isipan na baka umuwi na ito at hindi lang sila nagkasalubong.
Pero bago siya umalis ay tinawag ang kaniyang pansin ng folder na nakalagay sa mesa nito. Galing ito sa anak ng business partner nila, wala siyang kaalam alam na nagtatrabaho na din pala ito sa kompanya nila.
Agad niyang linapitan ang folder at taimtim itong binasa. Batid niyang kalalagay palang nito gayong wala pa itong signature ni Kendrick, dinala niya ito at lumabas ng opisina ni Kendrick. Natulala siya pakalabas niya, malakas ang kutob niyang nagsasabi ng totoo ang kaniyang kaibigan.Mula sa gawing kanan ay bigla na lamang may tumunog na para bang may bagay na nahulog. Narinig iyon ni Pierre at nagmamadaling tinungo iyon. Pakabukas niya ng pinto, isang sampal ng katotohanan ang tumambad sa kaniya.
Nambabae nga ang kaniyang asawa.
Nakita niya na naglalampungan si Kendrick at Stelle na anak ng business partner nila, napatakip ng bibig si Pierre matapos makita ang kanilang sitwasyon. 7 buwan palang silang kasal, pero nagawa na nito kaagad mangaliwa.
Wala ng damit pang itaas si Estelle habang nakabukas naman ang long sleeves na suot ni Kendrick. Halata sa mga mukha ng dalawa ang pagkabigla at nahihiya pa ngang humarap sa kanya ang babae. Napailing na lamang si Pierre gayong hindi niya na ito kayang palagpasin.
Hindi siya bulag, at lalong lalo na hindi siya tanga. Matagal na siyang sinasabihan ng kanyang mga kaibigan na nambabae ang kaniyang asawa, pero mas pinili niyang ipaglaban ito paikotin siya ni Kendrick gayong naniniwala siya na mahal siya nito gaya ng pagmamahal niya.
Pero ngayon, na nahuli niya na ito ng harap harapan batid ni Pierre na hindi na ito isang kwento o pagkakamali, nauubos din ang pagbibigay ng chances. Lalo na kung ang taong binibigyan mo ay hindi din naman nagbabago.
Ito na ang huling araw na kasal sila, gayong hindi na nagdalawang isip si Pierre na tanggalin ang suot niyang singsing at itapon ito sa harap ng dalawa. At pagkatapos ay hindi na siya nagdalawang isip na umalis, ayaw niya ng magsalita gayong ayaw niya din makapagsalita ng masama. Mas mabuti na yung alam niyang tapos na at wala na sila.
Napatigil siya sa kaniyang paglalakad sabay punas ng luha sa kanyang mata at napatingin sa salamin na nasa kanan niya. Bigla niyang na tanong ang kanyang sarili, “Dahil ba lalaki ako at may mga bagay ako na hindi ko maibigay sa kaniya? Saan ba ako nagkulang? Minahal ko siya ng totoo, wagas at buong puso, pero bakit ganun?”mga tanong na naitanong niya sa kanyang sarili.
Matapos marinig na may mga yapak papunta sa direksyon niya ay nagmamadali na siyang bumaba ng building ng sa ganun ay hindi niya na marinig ang mga kasinungalingan at pagpapaliwanag nito. Ayaw niya ng magpaloko at paikotin pa siya ng lalaking binihisan at tinulungan niya.
Naririnig niya ang mga sigaw ni Kendrick na tinatawag ang kanyang pangalan, gusto niya ito lingunin pero pinipigilan niya gayong ayaw niya ng ayusin pa kung anong meron sila. Pakalabas niya ng building ay hindi niya napansin na may mabilis na dumaan na sasakyan na naging dahilan ng pag ka aksidente niya.
Dahil na din sa bigat ng kanyang damdamin at emosyon wala na siyang pakialam kung ano man ang mangyari sa kaniya, kaya hindi niya na napansin na may dumaan na sasakyan. Basta ang tanging nasa isip niya ay makatakas na sa mga pangloloko ni Kendrick.
“F*ck Arvid! Anong nagawa mo!? I hope he's still alive.”nag aalalang sabi ng lalaki matapos bumaba sa kaniyang sasakyan at tinignan si Pierre na nakahandusay.
Lingid sa kaalaman ni Pierre na yung aksidente na iyon ang magiging dahilan sa isang panibagong yugto ng kaniyang buhay at magbabago sa kanyang kapalaran.
Huli na si Kendrick ng siya ay makalabas ng building ng kompanya, gayong wala na dito si Pierre at bakas na lamang ng mga kalat ng dugo ang kaniyang nasilayan. Kahit papaano ay nakaramdam siya ng konsensya at panghihinayang. Napaupo siya at napaiyak.
ITUTULOY...
![](https://img.wattpad.com/cover/381111661-288-k360442.jpg)
BINABASA MO ANG
A Rebirth of Revenge (ON GOING)
RomanceIsang aksidente ang nabago ng kapalaran ni Pierre. It becomes his way para balikan ang kaniyang mapait na nakaraan, na nagparamdam sa kanya ng labis na panggagamit, pananakit at pang-aabuso. Pinilit niyang baguhin kung ano at sino siya para makuha a...