Rain pov
Nasa harapan ako ng gate ng genNational Highschool na pag aaralan ko ngayon at marami naring istudyante na pumapasok rito
Ako si rainah jenn celmar 16 years old at grade 11 this year, ka ka-transfer ko lang dito kahapon galing akong cebu at sa pagkakaalam ko.. nung nakaraang linggo pa nagsimula ang klase dito. Lumipat lang kami rito sa manila dahil sa kadahilanang.. namiss ni mama ang lugar dito at mas masaya raw dito kase andito rin ang mga kaibigan niya na 9years na niyang di nakikita.
Pumasok nako sa loob at nag lakad ng mapayapa kahit ang ingay ng paligid ay diko nalamang pinansin bagkos inilagay ko nalang ang earphone ko sa aking tenga at nag patugtog ng paborito kong kanta sa cellphone ko (first love by utada hikaru)
Habang naglalakad ako patungo sa room na pupuntahan ko
May biglang umakbay saakin na ikinagulat ko
Napatingin ako rito at kita ko ang kasingtangkad kong babae na nakatingin saakin habang nakangiti
Tinanggal ko ang isa kong earphone bago magsalita
"M-may problema ka?"tanong ko na ikinatawa niya
"Wala naman, gusto lang kitang akbayan. Feeling ko kase parehas tayo ng room at seksyon na papasukan" sabi ng babae at ngumiti
Feeling close ampoopoo
"A-ahh.. ganon ba?, ano bang room mo at seksyon?" tanong ko
"Room 2-3 section mapagmahal" sabi niya na ikinalaki ng mata ko at ikinangiti ko"Parehas nga tayo" sabi ko
"Oh diba!, ang lakas ko talagang makaramdam. Tara" sambit niya sabay hatak saakin
"Ouy! T-teka----"
Fastforward...
Huminto kami sa harapan ng room at bumungad saamin ang magulong upuan at mga nag iingayan na mga estudyante at ang iba ay nagtatakbuhan
"Welkam sa magulong seksyon!" sigaw ng katabi ko na ikinagulat ko, agad itong tumakbo papasok sa loob at nakipag habulan sa mga babaeng naglalaro sa loob
Nag kibit balikat nalang ako at pumasok na sa loob
Tahimik lang akong pumasok habang sobrang ingay ng paligid
Bigla akong napayuko at napatago sa lamesa ng guro ng may lumipad na bag papunta saakin, buti nalang di ako natamaan.
Nag taka naman ako ng biglang tumahimik ang silid kaya tumayo ako at tinignan ang mga kapwa kong istudyante na nakatingin saakin.
"H-hi?" sambit ko
Nakatingin lang sila saakin kahit yung matangkad na babaeng umakbay saakin nakatingin lang..
May isa namang medyo kaliitang babaeng lumapit saakin"Bago kalang?" tanong nito saakin
"Ahm.. o-oo" sabi ko
"Welkam sa seksyon Namin! Isa kana sa pamilyang TARANTADOOOO!! Pero MAPAGMAHAL!" biglang sabi nito na biglang ikinahiyaw nila
"WOOOO!!!"
"RRRRR!"
"ARIBA! ARIBA!"
ang ingay nila kaya napatakip ako sa tenga ko
Mali ata ako ng napasukan.
"A-ahh n-nag kamali lang ako ng pinasukan ehehe..sige alis na ako ah byebye" sabi ko at lalabas na sana ng room ng bumungad saakin ang isang guro
"Sinong nagsabeng lumabas ka?" tanong nito saakin
Napatingin naman ako sa mga magiging classmates ko na nagmadaling inayos ang kanya kanyang upuan at umupo ng matiwasay