20

177 12 1
                                    


Alas syete na ng gabe kakatapos ko lang maligo at ngayon nag b-blower nako ng aking magandang buhok na kasing ganda ko haha.

Pagkatapos non ay agad akong lumapit sa study table ko at kinuha ko  ang bag ko na nasa ilalim ng study table ko tsaka ko nilabas ang notebook na  sasagutan ko.  

Rain pov

Umupo ako sa upuan at lumapit kaunti tsaka ko binuklat ang notebook ko. Kinuha ko ang ballpen ko sa lagayan ko ng ballpen sa gilid at pinagmasdan ko ang activity na aking sasagutan.

Napahinga ako ng malalim dahil tila ba hindi gumagana ang aking utak ngayon.. 

Inikot ko ang notebook ko patalikod at binuklat ito at nakita ko ang isang drawing ng babaeng nakatalikod.

Ako ang nagdrawing nito.. malamang notebook ko din ito eh.

Nang drinowing ko ito, ito ang araw ng unang pasok ko sa gen high. Nung unang araw na iyon ay hindi ko nasilayan ang mukha ng babaeng ito.

Parang hindi talaga pinapakita ng tadhana sakin ang kanyang mukha 

Kaya naisipan kong idrawing siya ng palihim habang nakatalikod nung araw na iyon.

Napabuntong hininga ako ng maalala ko ang nangyari kanina.. 
Akala ko pa naman..

FLASHBACK

(Labas ng bahay nila jas)

"Ahm.. gusto ko lang malaman na.. kung..  b-bakit mo ako hinalikan kanina?"  Kinakabahan kong tanong sa kanya.. dahil kanina pa nagtatanong ang isip ko.. bakit niya nga ba ako hinalikan?

Hindi kaya.. may gusto din siya saakin?

"W-wala lang" sabi niya na ikina-imik ko

"Aish ano kaba.. siguro nadala lang ako kase.."sabi niya habang di makatingin sa mata ko. 

"Ahh.." saad ko at napayuko..  akala ko pa naman gusto niya din ako

"Galit kaba? Sorry kung bigla kitang hinalikan.." saad niya

"N-nako a-ayos lang haha" sabi ko at ngumiti ng pilit

"Pero.. promisee w-wala lang yon" sabi niya na ikinatingin ko sa kanya

"Wala lang yung halik nayon?" Alanganin niyang sagot 

"Anong ibig mong sabihin?"tanong ko

Hinalikan niya ako para sa wala? Kinuha niya firstkiss ko tas sasabihin niyang wala?

"Pumasok kana don" walang ganang saad ko at yumuko at tinalikuran siya
Kaya humarap ako sa kanya

"Uy.."pagtawag niya saakin

"Bakit?" Walang gana kong tanong

"Bakit bigla kang nagkaganyan?" Tanong niya

"Wala.. sige na, pumasok kana don" walang gana kong sabe at tinalikuran ko na siya at nagsimula ng maglakad

"Rainahhh!~" pagtawag saakin ni kai ngunit naglakad lang ako at di siya nilingon

Rainahhh Teka.. teka..

Rainahhko!" Sigaw niya na ikinahinto ko  at ikinatingin sa kanya

"Rainah Jenn galit kaba?! Sorry na pleasee! Ouy!"pagtawag niya ulit sakin ngunit diko ulit siya nilingon

"Im sorry please! Di ako sanay na ganto tayo"saad niya at naglakad palapit saakin

Nakatingin lang ako sa kanya habang naglalakad siya palapit saakin

ulan at ulapWhere stories live. Discover now