(FASTFORWARD)
Araw ng lunes..
Matamlay na bumaba si rain sa bus at napahinto saglit. Kasabay non ang pag alis ng bus..
Kinuha niya ang cellphone niya at tinawagan niya si herley
After a few sec. Sinagot na ito ni herley
"Hello, rain?.. napatawag ka?" Tanong ni herley sa kabilang linya
"Namiss lang kita, asan ka ngayon?" Tanong ni rain
"Namiss din kita hehe, ahm.. nasa bus pa ako ngayon, malapit na ako" sabi ni herley sa kabilang linya"Sige aantayin kita dito sa waiting shed. Ingat" sabi ni rain at binaba na kaagad ang tawag.
Napabuntong hininga siya at inisip kung paano niya haharapin si kai lalo na't napaamin siya ng nararamdaman niya kay kai dahil hindi pa don ang takdang panahon na aamin siya.
"Galit kaya siya sakin?" Tanong ni rain sa sarili niya at umupo muna sa waiting shed habang inaantay si herley
Pagkalipas ng ilang minuto. May humintong bus sa harapan niya kaya tumayo siya at nakita niya si herley na kakababa lang ng may ngiti sa labi kaya napangiti din si rain
Nang makalapit si herley kay rain ay agad niya itong niyakap, medyo nabigla si rain ngunit niyakap niya nalang din ito pabalik..Pagkatapos ng yakapan, ay pinalupot ni herley ang kamay niya sa braso ni rain at inaya na niya itong maglakad.
Habang naglalakad..
"Ilang araw din tayong hindi nagkita"sabi ni herley at sinandal niya ang ulo niya sa balikat ni rain
"Yeah, sorry talaga. Sila kollet kase eh, kaya hindi ko din nasasagot tawag mo kase.. nasa kanila cp ko" sabi ni rain
Pumasok na sila sa gen high at ang ibang taong naroroon ay nakatingin sa kanilang dalawa.
"San ang room mo?, ako naman ang maghahatid sayo" nakangiting saad ni rain
"Oo nga seryoso" natatawang sabi ni rain
"Pfft.. talaga lang ha?" Sabi ni herley
"Osige.. sundan mo nalang ako"sabi ni herley at agad hinatak si rain
Huminto sila sa harap ng room ni herley
"Dito ang room ko rain, salamat sa pag hatid" nakangiting sabi ni herley
Ngumiti naman ng pilit si rain at tumango-tango..
"P-pasok nako ah, sabay tayo mamayang recess ah!" Pamamaalam ni herley at agad ng pumasok sa loob ng room nila.
Rain pov
Pagkatapos kong maihatid si herley ay agad nakong nagtungo sa room ko, bawa't dadaanan ko maraming istudyanteng nakatambay, nag uusap usap ang iba ngay naghahabulan pa.
Ganito ang mga ganap bawat papasok ka at dadaan dito.
Malapit nako sa room at inayos ko na ang sarili ko. Pleaseeeee, sana wala pa si kai dun nakuuuuuu hiyang-hiya na meeee..
Ng nasa tapat nako ng pinto. napahinto ako dahil.. wala ang iba kong kaklase, wala sila
Ngunit.. may iisang tao ang naririto.Nakatingin siya ng seryoso saakin at para na siyang mangangain ng buhay..
Lord..
Kakasabi ko lang kanina na sana.. sana wala siya ditoooo bat di niyo po ako pinag bigyan.
Napapikit ako at tumalikod at aalis na sana ng magsalita siya
Nakatingin siya ng seryoso saakin at para na siyang mangangain ng buhay..
Lord
"Pumasok kana at mag usap tayo" seryoso niyang sabi