July 18, 2015 Saturday 10:37 pm
Ang tagal na din pala simula nung huli kong binuksan yung account ko sa wattpad. Actually, wala talaga akong official account, connected lang sa facebook. Ano naman? Atleast meron diba? Bakit ko nga ba naisip pa na buksan to? Teka may sinulat pala akong isang story before. Hmmmm last October 2013? Medyo matagal na to, ano naman kaya mga kalokohan ang pinaglalagay ko dito? Let me check...
Parang makata ang nagsulat, daig pa ang lalim ng dagat sa mga katagang ginamit. Just wow. Pero hindi ito ang dahilan kung bakit ko binuksan ulit ang account na ito. May gusto akong gawin at alam ko ito lang ang makakatulong sakin para gumaan ang nararamdaman ko.Kelan kayo nakaramdam na parang may gustong sumigaw sa dibdib niyo? Yung parang kahit anong gawin mo hindi ka makawala sa bigat ng nararamdaman mo? Yung iniisip mo na putang ina bukas ganito nanaman ako! Wala nanaman akong magagawa para saluhin ang sarili ko sa pagkakahulog at muli nanaman akong masaktan sa sarili kong kagagawan. Yung keme lang na ganun na parang sobrang bigat na, to the point that you want to commit suicide? You want to die right now in a place where you are. Eh kaso natatakot ka, hello?! Mas nakakatakot kaya na mamatay na hindi mo nasasagip yung sarili mo sa kalungkutan na meron ka ngayon. At some point para kang out of nowhere, pero umaasa ka na meron pang ibang paraan. Bakit ko to natatanong? Dahil yun ang nararamdaman ko ngayon, I won't give you any advices dahil hindi naman ako si Marcelo Santos the third. Lalong lalo na hindi ako si bob ong, but those to writers are belong to the great Filipino writers. Segue konti, pero andito ako para magkwento ng masasaya, excited at parang dingdong na kwento ng buhay pag-ibig ko. Mixed- in kasi :)