first conversation

10 0 0
                                    

Tanong ko lang, talaga ba na sa first hi and hello nagsisimula ang pagkakakilanlan ng dalawang couple? Sa panahon ngayon? Hahahaha! Awkward na yun. Yun ang alam ko dahil wala na akong naiencounter na ganun ngayon kasi masyado na tayong napapaligiran ng technology, isang click mo lang message sent na! Yung iba nga sa skype na lang nagkakakilala o sa line, o sa we chat tapos meet up na lang diba? Pero meron pa din naman na in person na talaga nagkakilala, parang kami ni Ms. Aeigis ...

2nd day na naencounter ko si Ms. Aeigis, para nanaman siyang pagod at habol sa paghinga. Same routine lang, pipirma, papasok sa loob at magrereview pero this time ang tagal niya sa harapan ko. Ganito yung nangyari:

Papalapit siya sakin, supposedly nasa second page pa yung pangalan niya, siyempre ako pasikat ako, bigla kong nasabi yung surname niya, Espinosa? Damn! She smiled at me and said, alam na alam mo ah. Siyempre ngumiti na lang din ako. Ang tagal pa niya sa harap ko so tinanong ko siya, ano pa po hinahanap niyo mam? Nakapirma na kayo diba? Mukhang mataray yata ang pagkakasabi ko.. sumagot naman siya, No I am just checking kung nandito na ba yung pinsan ko sa loob... Ah so may pinsan pala siya hmmmm...
Di na siya nagsalita pa at pumasok na siya sa loob.
Ganun lang, walang excitement na naganap, walang Hi and Hello. Paano mo nga naman aakalain na sa ganun paraan magkakausap kami? Sa ganun paraan lalalim pa yung kwento nito? Paano kung wala na tong kasunod? Siyempre magcocomment ka agad ng ano ba yan! Wala naman kalaman laman itong kwento na to, nilagay ko pa sa reading list ko! Kalma ka lang. Yung mga susunod na kwento nito di ko din inaasahang mangyayari pala sa buhay ko.

Last December 2013 that was Nino inocentes month. Kung saan ka pwede mang- troll ng ibang tao, puro kalokohan at walang katotohanan, one day lang yun kaso di ko na tanda yung date, I posted something troll on my fb wall: salamat sa lahat ng bumati sakin! Especially sa papa ko, salamat po sa gift :)
Simula nung pumunta ako ng manila para magaral at magtrabaho, wala pa ni isa sa mga bago kong nakilala dito ang nakakaalam ng real date ng birthday ko, bakit? Wala lang, I have this kind of feeling na walang magandang nangyayari sa birthday ko kemerluut lang! Hehehe!

December 28, 2013 nasa 4th floor na ako, kasi dito na nilipat ng room assignment sila Ms.Aegis, wala silang permanent room kasi it depends upon the availability ng room ang pagamit nito. Medyo may konting psnsinan na din kami konting ngitian with her cousin, pero di ko pa alam real name nila pareho.
Break time nila, nandun sila sa labas ng room, mahilig din pala mag sight seeing yung dalawa, pero guy ang hanap nila, sure ako. Straight itong dalawang to. Meron silang minamasid- masid na lalaki. Di kataka- taka.. Pogi eh! Kamukha ni Isko moreno :) biniro ko sila, type niyo no? Gusto niyo kunin ko number niyan? Masyadong alisto ang pinsan niya, sagot agad, weeh? Paano? Hahahaha! Hinahamon ako? Hahaha hello ateng! Staff ako dito, lahat ng profile niyan alam ko kahit cellphone number. Tumakbo ako papasok sa loob ng office namin, E for effort at hinanap ko ang registration form copy nung lalaking minamatic nila. I already got his number, I wrote it in a peice of paper and gave it to them. Siguro trip niyo yan guy na yan no? Pogi kasi. Sagot naman nung pinsan ni Ms. Aeigis nakuu! Si ate? (Referring to Ms.Ageis) iba trip niyan, mas gusto niyang ba--
I saw Ms.Aegis tapping her cousin slightly on her lap. Parang sinyales na patahimikin ang pinsan niya sa kadaldalan nito. Tinaas ko kilay ko. Kunwari di ko narinig at nagets kung ano ang ibig sabihin nung pinsan niya. So I asked anong sabi mo ulit? Sagot naman ng pinsan niya, wala, mailap si ate sa lalake.

I smell something fishy nanaman. Ramdam na kita Ms.Ageis.

Uso pa noon yung palabas na Star 45 sa showtime, pumasok ako sa loob ng office para magpa-aircon sobrang init kasi, akala mo nasa oven ka. Nandun din sila Ms. Aegis at yung pinsan niya, mukhang nagsesettle na sila ng balance nila sa review. Nanonood ako nun pero wala sakanila ang atensyon ko kundi sa panonood lang, bigla akong napakanta kasabay nung sa TV. Sa kadaldalan talaga ng pinsan niya, sabi niya ooh! Duet kayo ni ate oh! Magaling din kumanta yan. Syempre mataray ako, tumingin lang ako sakanila tapos lumabas na ko ng office, pero sa isip isip ko naknang tocha! Ms. Aeigis nga! Teka di ko pa alam name niya, so right after ng session hinanap ko name niya sa list ng registration form, same with her cousin. Jem Espinosa ang name ni Ms.Aeigis at Bernadette Pendon naman yung pinsan niya, their name sounds good naman.

Natapos nanaman ang isang araw, parang nakakaramdam ako ng panibagong pakiramdam, hindi ko kinalimutan yung pangalan niya, binuksan ko kaagad yung facebook ko tapos hinanap ko kaagad yung pangalan ni Ms. Aeigis, pagclick yun agad ang lumabas! Wow. Edi add agad para tapos ang usap.
Di na ako umasang magaaccept agad siya, besides busy din ako sa school, I'm a Radtech student, yung nagkukumpuni ng radio? Yun ang trabaho ko! :) hehehe! Syempre hindi, it's a pre-med course :) basta yun. Medyo matagal tagal din na paghihintay bago ko ulit nakita si Ms.Ageis a.k.a Jem, I'm not that kind of excited kasi wala pa naman dun ang atensyon ko, sabi ko nga, may imaginary girlfriend ako that time. At medyo may struggle din between me and her.

what love isTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon