CHAPTER 8

2 0 0
                                    

“Sylv,”

Naimulat ko ang mga mata nang marinig ang malambing na pag-tawag sa aking pangalan ng isang lalaki. I first saw a familiar ceiling and a surrounding so close to my heart but not in my mind. I feel a sense of tranquility as I roamed my eyes more on the room, I lifted my upper body to sat on the soft mattress I was laying.

Kinusot ko ang mga mata at tiningnan ang aking gilid, kung saan ko narinig ang boses ng lalaki. Wearing a black t-shirt, maong pants, leather jacket, and a cap, I creased my forehead because he looked like he's going somewhere, and is just here to say goodbye.

He chucked upod seeing my reaction. “Tita told me you're still sleeping but she said I can just go here.”

“Why are you here?” I asked sleepily.

“Aalis na kami,” nahimigan ko ang lungkot sa boses niya. “I just dropped off here to say goodbye personally. Baka pag balik ko hindi mo na ako pansinin.” He pouted.

“And why would I do that?”

He pouted more, “Ewan ko sa 'yo. Ugali mo pa naman ang hindi mamansin kapag nagtatampo ka. Ang hirap-hirap mo pang suyuin.”

I glared at him. Though, pahina ng pahina ang boses niya sa huling pangungusap na sinabi.

“Kita mo na,” itinuro niya ang mata kong masama ang tingin sa kaniya, “Hindi pa nga ako nakaka-alis galit kana. Wala na. Hindi na ako sasama sa kanila pauwi ng Manila.” Aniya at biglang tumayo.

Natampal ko ang aking noo lalo at lumabas na siya ng aking kuwarto at kung ano-ano ang sinasabi habang pababa ng hagdan.

“Tita! Tito! Itago niyo na po ako! Hindi na ako sasama kila Lola, galit na naman si Sylvanie.” Narinig ko pa ang parang bata niyang sigaw.

I heaved a sigh. Ang isip batang iyon talaga! Ang laki-laki na pero kung umasta ay parang bata! Nakakainis! Padarag akong tumayo mula sa aking kama at lumabas ng kuwarto, pababa pa lang ako ng hagdan ay naririnig ko na ang magiliw na boses ni Mama na kinukunsinti ang pagiging isip bata ng lalaking iyon.

“Rence, bilisan mo at maghanap ka ng mapagtataguan nitong si Cai.” Ani Mama habang naghahanda ng almusal namin.

Si Papa naman na nagkakape at may hawak na diyaryo ay ibinigay ang buong atensyon sa dalawa na magkasundong-magkasundo.

“Saan naman kaya kita itatago, Cai? Eh ang laki-laki mo na.” Natatawang sabi ni Papa.

Cai sat down on our dining table.

“Tito naman, eh. Sige, ah, pag sinundo na ako at hindi pa rin ako bati ni Sylv. Hindi kita papasalubungan.” Nahimigan ko ang pagbabanta sa boses niya.

“Good morning, po,” bati ko sa mga magulang, naglakad ako palapit sa kanila at hinalikan sa kanilang pisngi, nang magtama ang tingin namin ni Cai ay inirapan ko siya.

Pinalubo niya ang pisngi at tumingin kay Mama.

“Kita mo na, Tita? Ang sama na ng ugali ni Sylv.” Sumbong niya.

Tumawa si Mama at tiningnan ako, “Anak, huwag ka namang ganyan kay Cai. Kawawa naman oh,”

Tumango-tango naman ang lalaki, binatukan ko siya ng maka-upo sa tabi niya.

“Aray!” reklamo niya at hinimas ang parte ng kaniyang ulo na binatukan ko.

“Sylv,” saway ni Mama, nakita ang ginawa ko.

“Eh, ang arte-arte nito, Mama. Akala mo naman mawawala ng isang taon, eh isang linggo lang naman.” Ani ko, pinandilatan ng mata ang katabi kong naka-nguso na naman, “Mabuti nga at aalis siya, nakakasawa na din naman ang mukha niya, at isang linggo akong matatahimik.”

Begin Again (Countryside Series 1)Where stories live. Discover now