Kabanata I

4 4 0
                                    

A HORROR NOVEL
The Trip Begins

"SA tingin mo anong magandang gawin ngayong weekend?" Bakas sa boses ng kaibigan kong si Dahlia ang tuwa dahil sa hindi makapaghintay na sumapit ang weekend.

Samantalang nakasimangot naman akong bumalik sa pagkakaupo ng hindi sumagot sa tawag ko si mama para sana kausapin siya na sana ay payagan ako na pumunta ako kay kuya sa weekend.

"Oh bakit? Anong nangyari?" Umupo siya sa tabi ko.

Pinakita ko sa kanya ang cellphone, "hindi pa rin sinasagot ni mama ang tawag ko." Naipatong ko naman ang ulo sa mesa ng upuan ko.

"Ano bang gusto mong sabihin kay tita?" Naitagilid ko ang ulo para tingnan siya.

Ngumuso naman ako, "gusto ko sanang magpaalam sa kanya na kung pwede payagan niya ako kay kuya mag-weekend." Kuminang naman ang mata niya bago umayos siya sa pagkakaupo niya.

"What if sabihin mo kay tita na kasama ako?" Suhestyon niya na ikinangiti ko naman.

Sumimangot naman ulit ako na maalalang 'di ni mama sinasagot ang tawag ko. "Paano nga? 'Di naman niya sinasagot ang tawag ko." Napakamot ako ng ulo, napatingin naman kaming dalawa ni Dahlia ng tawagin ang pangalan namin.

"Dito kayo, dali." Sininyasan naman ni Dahlia ang tatlong lalaki na nasa pintuan ng classroom namin.

At tulad ng inaasan ko ang iba't ibang bulungan ng mga kaklase namin na hindi makapaniwalang makita ang tatlong lalaking nasa harapan naming dalawa na ni Dahlia.

Kung hindi ko lang sila kilala, sigurado ako na tulad din ako ng mga kaklase ko na hangang-hanga sa kagandahang taglay ng mukha ng tatlong lalaking 'to.

Napailing-iling nalang ako at isa-isa silang tiningnang tatlo.

"Anong nangyari sa ilong mo?" Tanong ko kay Danico, may nakapasak sa ilong niya na tissue. Nakipag-away na naman siya?

"Nakipag-away ka? Ang aga-aga pa ah," nakakunot ang noo ni Dahlia ng tingnan ko siya.

"Dumugo ang ilong niyan dahil sa math," si Deither ang sumagot sa tanong ng katabi ko. Nakangiti ang lalaking nakaupo sa mesa ng upuan na kaklase namin habang nakahalukipkip ang mga braso niya.

"Bakit hanggang ngayon nahihirapan ka pa rin?"

Sumimangot si Danico na tinuro ang katabi nitong tahimik na nakikinig lang.

Nag-angat ng tingin si Cally, tinuro niya ang sarili niya. "Bakit ako?" Nakakunot ang noo nitong tanong sa kaibigan.

"Iniwan niya ako, hindi manlang ako hinintay niyan." Ibinalik ko ang paningin kay Cally.

"Nakalimutan ko na siya, dumating si Deither ng mga oras na hinihintay ko siya sa labas ng room. Nagutom din ako, hanggang sa nakalimutan ko na siya." Lumaki naman ang mata ni Danico at hindi makapaniwalang tumingin kay Cally.

"Grabe ka, hindi mo manlang ako naalala?"

"Nakalimutan ko na nga, siguro dahil sa gutom na rin."

Napatingin naman kaming dalawa ni Dahlia at napangiwi na binalik ang paningin sa dalawang lalaki.

"Bakit ba kayo nandito?" Pag-iiba ko ng usapan, na kay Danico ang paningin ko.

"Ang boring sa room, puro nalang aral ang mga tao do'n." Kakamot-kamot na sabi niya.

Nakakunot naman ang noo ko na tiningnan si Deither, natawa naman siya. "Hindi ba pwedeng namiss ko lang kayong dalawa ni Dahlia?"

"Nako, 'wag ako. Alam ko namang si Dahlia lang ang pinunta mo dito," sinulyapan ko naman ang kaibigan kong namumula na.

The Green InfernoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon