Kabanata II

4 4 0
                                    

A HORROR NOVEL
The Mysterious Map (Part 1)

"TAYONG tatlo nalang pala ang hinihintay nila," pabulong na sabi ni Dahlia bago siya lumingon sa akin. "Balita ko, kasama 'yong lalaking may crush sayo." Nakangising sabi niya na ikinakunot ng noo ko.

"Sino?" Si Deither ang nagtanong.

"Hindi ko kilala, lagi kasi itong umaalis kapag lumalapit na ako kay Aderein." Sagot nito na ikinakamot ng ulo ko. Sino naman ang sinasabi niyang may crush sa akin? Wala akong matandaan.

"Nagpakilala ba sayo?"

"Ha?"

"Iyong lalaking sinasabi ni Dahlia, nagpakilala ba siya sayo?" Hindi, hindi ko naman kilala kung sino 'yong sinasabi ni Dahlia na lalaking may gusto sa akin.

"Sino Dahlia? Wala akong matandaan na may lalaking may lumalapit sa akin," nakakunot ang noo ko na sabi sa kanya.

Nawala naman ang ngiti ni Dahlia sa sinabi ko, "parang imposible naman 'yon. Kausap mo palang siya kahapon 'di ba?" Nagtataka ko siyang tiningnan. "Ano ka ba naman! Iyong lalaking nasa library, 'di ba. Naalala mo na?"

Natawa naman ako ng mapagtanto kung sino ang sinasabi niya. "Pinapatawa mo naman ako e, iniisip tuloy ni Deither na may nagkakagusto na sa akin."

"Hindi 'yon imposible." Napanguso naman ako sa sinabi ni Deither.

"Pero totoo nga?"

"Na alin? 'yong lalaking 'yon ay may gusto sa akin?" Tumango siya, umiling naman ako.

"Hindi, nagkataon lang 'yon kasi nalaglag 'yong mga libro."

"Gano'n, walang nangyari pagkatapos no'n?"

"Ano bang pinagsasabi mo d'yan kay Aderein, Dahlia. Magkaiba naman kasi kayo, sigurado ako kung ikaw 'yon makukuha mo 'yong name ng lalaki at mahahanap mo agad 'yon sa school."

Tumango naman ako, tama si Deither kung si Dahlia nga 'yon ay makikilala niya ang lalaki o 'di kaya ay malalaman niya ang name ng guy pero dahil hindi naman ako si Dahlia ay hindi ko pinapansin ang mga bagay na gano'n.

"Ang hina mo naman," puna niya bago inayos ang pagkakaupo dahil sa nakarating na ang sasakyan namin sa bahay.

Nauna akong bumaba ng sasakyan, "bakit ang tagal ninyo?" nagulat naman akong tumingin kay Danico na nasa tabi ko na. "Nakuha ko na sa loob ng bahay 'yong gamit mo." Ngumiti naman ako sa kanya at tumango nalang.

Binalingan ko naman si Cally na kausap sina Dahlia at Deither bago ako nito sinulyapan.

"Nasa bahay kami ng ate ni Dahlia," sagot ko sa kanya.

"Oo, alam namin 'yan. Ang ipinagtataka ko lang kung bakit ang tagal ninyong dumating." Nakakunot ang noo niyang tanong.

"Malayo ang bahay ng ate ni Dahlia sa bahay,"

"Malapit lang Aderein, alam ni Deither ang daan kung saan alam niyang makakarating kayo agad dito."

Tiningnan ko si Deither bago binaling ang paningin kay Dahlia. "Si Dahlia actually ang nagsabi kung saan mabilis kaming makarating dito, madalas din naming daanan 'yon."

Tumango-tango si Cally, "Ano bang nangyari?" Nagkatinginan kaming dalawa ni Deither dahil sa tanong ni Danico.

"Inaayos 'yong kalsada, humanap kami ng ibang daan pero may na-aksedente naman kaya no choice kami kundi dumaan sa matatagalan kaming dumating." Napatango-tango naman ako sa paliwanag ni Deither.

"Kaya naman pala sila natagalan," kumunot ang noo ko ng pasimpleng tiningnan ni Danico si Cally.

"Bakit?" Baling ko kay Danico, ngumiti lang siya sa akin at umiling-iling.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 3 days ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Green InfernoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon