CHAPTER 7

72 2 0
                                    


Nakaharap ako sa aking mesa, pinipilit na mawala sa ulirat ang mga problema na parang isang mabigat na ulap sa isipan ko. 

Para mawala sa pag-iisip ang mga problema at komprontasyon na hinarap ko, napagdesisyunan kong libangin ang sarili sa pag-aayos ng mga printed copy ng mga kuha kong litrato noong nag-ensayo kami ni Claire. 

Ang bawat larawan ay may kwento, at ang pag-aayos nito ay nagbigay sa akin ng munting kaluwagan sa dibdib.

Kinakailangan ko ring gawan ng kaunting deskripsyon ang mga iyon para hindi ko malimutan ang pagsulat. Hindi naman kasi gaanong nakapokus ang kakayahan ko sa pagkuha ng litrato, I am much more into writing than photography.

I am doing this to gain all-around skills. Marami-rami pa akong pagdadaanan at pag-aaralan.

Habang inilalagay ko ang mga kopya ng mga larawang nai-print ko ay nakarinig ako ng yabag ng mga paa sa labas ng kwarto ko. 

If it is Kuya Wi again asking about Fritz, I won't entertain it!

Wala akong narinig na boses mula sa labas pero alam kong may tao roon. Or maybe a ghost? Sabi na nga ba at haunted ang bahay na 'to! Dapat hindi na kami lumipat eh.

I prefer our old house!

May kumatok sa pinto, pero hindi pa rin nagsasalita.

Itinabi ko nang maayos ang mga gamit ko saka bumaling sa pinto. "Kuya, kung sinusubukan mo akong inisin at takutin, medyo effective ka!" Nagawa ko pa talagang magbiro kahit kinakabahan na!

"Anak, Aeshan..." si Mama.

Nang mapagtantong siya pala iyon ay agad ko siyang pinagbuksan ng pinto at inanyayahan papasok sa kwarto ko. Kitang-kita ang pamumula ng ilong at pamamaga ng mata niya mula sa pag-iyak.

Umupo siya sa dulo ng kama ko at tumabi ako sa gilid niya. 

"Ayos ka lang ba, Ma? Gusto mo manood tayo ng movie? Or gusto mo ipabasa ko ulit sayo 'yung mga article na gawa ko? You can proofread it for me!"

Mama is a writer and an editor too before he met my father. She even worked on some scripts for a television drama and blockbuster movies. Sa kanya ko nakuha ang pagmamahal sa mga salita, parirala at pangungusap. Tumigil siya noong iwanan kami ni Papa.

I guess words were not enough to describe her devastation. 

Hinaplos niya ang kamay ko at pagtapos doon ay ang buhok ko naman. I love those touch!

Tinignan niya ako at nginitian. "Makikinig na ako sa inyo ng Kuya Walter mo. I will move on from this pain," she composed, assuring me. "We will, anak."

That, comforted me to the core. Dahan-dahan akong yumakap sa kanya. Pinadausdos ko ang kamay ko sa likuran niya upang magsilbing pampalubag. 

"Nandito lang kami ni Kuya, Ma. Hinding-hindi ka namin iiwan. Sabay-sabay nating haharapin 'to."

If I am being my old self, I will just shrug off the idea of moving on. Iiyakan at iiyakan ko ang pag-iwan sa amin. But I realized, that could never make any better in our lives.

Ayaw kong bitbitin ng paulit-ulit ang mga bagay na dapat kong bitawan na. Kung hindi na kami inaalala ni Papa, mas mabuting huwag na rin namin siyang alalahanin. 

Matagal na akong nagmamakaawa sa kanya. Ni hindi alam ni Kuya Walter at ni Mama na palihim ko ring tinatawagan noon ang bagong pamilya ni Papa. 

That was long gone. 

She smiled as we separate from the warm embrace. "Gusto mo magluto ako ng paborito mong kaldereta ngayong kagabi?"

That kaldereta! Ayaw ko nang makakita ng kapatid ng menudo at mechado!

Bedingfield's NoteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon