CHAPTER 8

52 2 1
                                    

“Ito na po ang mga crochets, Kuya Kyler,” ani ko, malawak ang ngiti habang inaabot iyon. 

I made the crochets myself, each piece a labor of love. Natutunan ko iyon mula sa Mamu ni Allyanna makaraang sundan namin sila sa plaza, kung saan napasama na rin kami sa bonding nila. 

It had started as a simple gathering—a bonding moment for the three mothers—Allyanna's, my own, and Fritz's, where laughter and creativity intertwined. Their plan to open a crochet shop alongside Mrs. De Veira's yarn store felt brilliant, a fresh venture filled with warmth.

Pati ako ay may natutunan.

Tinanguan at nginitian ako ni Kuya Kyler. “Maraming salamat dito, Aeshan. For sure mas marami kaming mahahakot na manonood ng miting de avance bukas dahil dito. Ang gaganda ng designs mo.”

Naramdaman ko ang init sa aking dibdib sa papuri niya. I just discovered my love for crocheting. Nakakasaya ng loob na makakatulong pa ako dahil dito. “No worries, Kuya Kyler. Sa susunod, may bayad na po 'yan,” pabiro kong sagot, sabay ngiti.

Tomorrow will be a big day—the miting de avance for the City College of Muntinlupa. Senior High students are invited, even though we will not be voting yet. I guess, magandang bagay iyon. Lalo na't noong makaraang magpa-survey kami, marami ang nagsabi na wala silang alam o pakialam man lang sa pagboto sa campus. I hope that this event would spark their interest.

Halos patapos na rin ang mga ginagawa naming preparasyon. Ngayon ko pa lang nararamdaman ang depinisyon ng salitang hectic.

Buti na lang talaga at maging ang faculty ay imbitado sa gaganaping miting. Dahil kung hindi, baka hindi ko na alam kung paano pa ako magpapaalam sa kanila na magpapa-excuse ako.

“You fine?” tanong ni Claire, nakatingin sa akin na may pag-aalala.

I nodded. “Medyo matrabaho pala talaga 'to. Pero kaya naman...” sagot ko, sinubukang magpaka-masigla.

Tinapik niya ang balikat ko, kita ko ang paggalaw ng DSLR Camera na nakasabit sa may leeg niya. “Sunod ka na lang, hahanap muna ako ng pogi.”

I rolled my eyes, laughing. “Huwag ang Kuya ko ah!”

Claire knew all too well that Kuya Walter is my brother. It was impossible to keep that a secret, especially with Allyanna's vibrant personality and temper spilling all our details. 

Nang ikwento ko sa kanya na nakita ko ang larawan ni Kuya sa cam ni Claire, isinumpa niyang kapag nakaharap niya ang partner ko para sa miting de avance, pagsasabihan niya.

She really hold onto that, and successfully made it into reality. Nang mapadaan siya sa conference room namin para sunduin ako ay agad niyang hinanap si Claire. I know they talked but for all secrecy, I don't know what they actually talked about.

“Hindi na sa Kuya mo, Aeshan, please tell Allyanna that.”

We both burst into laughter, knowing how seriously Allyanna had warned her. Deep down, I sensed Claire's playful admiration beneath it all. Sinabi niya na rin naman na paghanga lang talaga sa angking mukha at kisig ang naramdaman niya kay Kuya.

Nothing more, nothing less.

Iniwan ako nang tuluyan ni Claire para makapag-ensayo pa raw siya sa huling araw bago ang MDA. She's good at capturing images and she needed little to no practices but I know she wants the best. 

Habang tumutulong naman ako sa pag-seset up ng mga upuan at lamesa ay biglang sumulpot si Fritz na parang kabute. I can feel that he is eyeing me.

Ipinagpatuloy ko na lang ang ginagawa. Hindi alintana ang kaba at pagpapawis ng kamay ko. Tuwing naaalala ko ang pag-uusap namin noong nakaraang araw ay pinagpapawisan ako.

Bedingfield's NoteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon