PROLOGUE
"Hu! Walang poreber!" sigaw ni Jeremy sabay tawa nang malakas sa mag boypren na naglalakad sa kanto ng DM Rivera habang sakay kami ng jeep na biyaheng Taft.
Nakakasabay ko siya sa pag-uwi dahil maliban sa magkapitbahay kami sa Sta. Ana sa Maynila ay magkaklase kami noon sa ikalimang baitang sa F. Ma. Guerrero Elementary School. Magkaibigan si nanay at si Aling Ester, ang nanay ni Jeremy, sa dati naming tirahan sa Tondo, kaya nang nagkasunog noong taong 1990 at sapilitang pinaalis ang mga nakatira doon, ay nagkasundo silang sabay na maghahanap ng malilipatang bahay para daw maging magkapitbahay pa rin sila.
Nakakapagtaka lang , hindi naman siya dating ganyan, mabait at tahimik na bata si Jeremy, katunayan, sya ang most behave at most polite noong magtapos kami sa elementary maliban pa sa pagiging top 5 niya sa aming klase. Dahil magkaibigan ang aming mga nanay, naging magkalaro at magkaibigan din kami. Siya ang tagapag tanggol ko sa mga bully naming kaklase at tagapag paalala kapag may proyektong dapat nang ipasa.
Hanggang nitong huling taon namin sa haiskul, bigla na lamang siyang nagbago ng ugali at pakikitungo sa akin, di na niya ako kinikibo at di na rin niya ako pinupuntahan kapag recess. Nakaka miss ang mga paglalambing nya kapag naiinis ako sa kanya, ang pagdadala niya ng biskuwit kapag nalilimutan kong bumaba sa canteen para kumain.
CHAPTER I
"HUMANAAAAYYYYY!!!!", umaalingawngaw na naman sa buong campus grounds ang boses ng core commander ng CAT (Citizen's Army Training) na si Marquez, di magkamayaw ang mga COCC (CAT Officers Candidate Course), sa pagtakbo at pagpila kahit na tirik na tirik ang araw, si Roman Marquez ay isa sa mga pinaka guwapo at matikas sa ikaapat na taon sa Mataas na Paaralan ng Makati.
Naalala ko pa noong una ko siyang makita, unang araw ko sa unang taon bilang high school, takot na takot ako kasi wala akong kilalang nag-enroll sa paaralang ito maliban kay Jeremy, kaya lang hindi kami naging magkaklase, napabilang ako sa section 1 kaya pang-umaga ako, si Jeremy ay napunta sa section 11, pang hapon, hindi naman dahil sa mapurol ang utak niya, nahuli lamang siya sa pag exam at pagpapa enroll dahil umuwi sila ng pamilya niya sa Bicol, namatay kasi ang lola niya.
"Mag-iingat ka sa pagsakay ng jeep ha, tandaan mo, sa Escuela ka bababa", mahigpit ang bilin ni nanay sa akin nung araw na iyon. Dahil ayaw kong mahuli sa klase, inagahan ko ang pagpasok, medyo malayo din ang lalakarin ko pagbaba ng jeep patungo sa paaralan.
"Miss, miss, nahulog mo.", narinig kong sigaw ng isang bata, boses lalaki, alam kong ako ang tinatawag niya pero hindi ako lumingon, binilisan ko pa ang paglakad dahil sa takot ko. Hindi ko rin kasi ugaling lumingon sa mga sumisitsit at sumisigaw hanggat di tinatawag ang pangalan ko.
Nakahinga lamang ako ng maluwag nang makapasok na ako sa loob ng paaralan. Agad akong humalo sa mga kagaya kong mag-aaral para makaiwas dun sa batang humahabol sa akin. Naki usyoso ako sa bulletin board kung saan nakalagay ang listahan ng mga section at kung ano ang room number."Room 201 pala ako," bulong ko sa aking sarili.
Parang napakabilis ng oras dahil di ko namalayang recess na pala. Pinabababa ang lahat ng mag-aaral upang kumain sa canteen, excited ako dahil gusto kong libutin ang bago kong paaralan. Mabuti na lang may mga bagong kaibigan na ako, at ang nakakatuwa, dalawa sila at kambal pa! "Tara Pia, kain tayo sa canteen", sabay hila sa kamay ko nina Shiela May at Shiela Joy.
Hindi naman ako nahirapang kilalanin kung sino sa kanila si Shiela Joy o si si Shiela May, bukod sa di naman kasi sila magkamukhang magkamukha o yung tinatawag nilang identical twin, sabi nila praternal twin daw sila, at kahit di ko maintindihan ang ibig sabihin nun, tumango na lang ako. Si May ay medyo bilugan ang mata samantalang si Joy ay singkit, at may nunal si May sa may bandang kanang tainga, si Joy wala.
BINABASA MO ANG
3P (Pag-ibig, Pag-asa, Poreber?)
RomanceIsang mahabang paglalakbay patungo sa paghahanap ng forever, umaasa at naghihintay sa pagdating ng kanyang tunay na mahal. Pakikipagsapalaran at pakikibaka sa buhay ng isang ordinaryong kabataan na patuloy na naghihintay na pansinin siya ng k...