CHAPTER 5
Akalain mo yun? Wala akong kamalay-malay na niligawan pala ni Jeremy si Ella, at sila na. Agad agad, ang shunga ko naman na wala akong napansing kakaiba sa pagtitinginan ng dalawang to.
"Psst Ella, bakit di mo man lang nabanggit sa akin na kayo na pala ni Jeremy." binulungan ko si Ella habang busy si Mam Enriquez, ang aming English teacher sa pagsusulat sa pisara. "Huwag kang maingay baka may makarinig sa iyo, secret lang kasi yun." sagot niya.
"Hmp basta nagtatampo ako sa iyo, akala ko pa naman kaibigan kita, tapos pa secret secret ka pa". "Mamayang recess ikukwento ko sa iyo, promise, huwag ka nang magtampo."
Recess, hindi ako pumayag na hindi magkwento si Ella ng love story nila ni Jeremy. At ayon sa kanyang kuwento, nagsimula ang lahat nung umabsent ako dahil sa lagnat. May activity daw sa English na kailangan maipakilala mo ag iyong partner sa harapan ng klase. Partner dapat kami ni Jeremy pero dahil absent ako, sila ni Ella ang naging mag partner. Nag-usap, nagtanungan, nag kwentuhan para magkakilala nang lubusan. Sa madaling salita, nagsimula nilang magustuhan ang katangian ng isa't isa dahil sa gawaing iyon.
"Pero bakit wala akong nahalata? I mean, bakit di ko napansin na may something na sa inyo?" putol ko sa pagku kwento niya. "Hindi naman kasi siya ang nanligaw, ako ang nanligaw sa kanya." Tila kinikilig pa niyang dagdag. "What? Ikaw ang nanligaw?"
"Oo nga, bingi lang? Kasi napansin kong mukhang maghihintay ako nang matagal kapag inantay ko siyang manligaw sa akin. Mukha namang gusto niya rin ako kaya ako na ang gumawa ng first move."
"Anong first move?" nanlalaki ang matang tanong ko sa kanya. "Alam mo na," sabi niyang nakangiti. "Anong alam ko na? Hindi ko nga alam, ano ba! Huwag mo nga akong binibitin."
"Grabe ka naman maka-react, para namang gumawa ako ng krimen sa itsura mo oh, anlaki ng mata mo at parang gusto mo na akong sakalin! First move, nag-ipit ako ng love letter sa notebook nya."
Medyo nakahinga ako dun, akala ko naman kung anong klaseng move ang ginawa ng luka-lukang to. "Ano naman ang nakalagay sa love letter mo?" tanong ko ulit. "Teka nga huwag kang atat, nagkukwento na nga di ba? Bukod kasi sa talaga namang guwapo si Jeremy e sweet din pala siya, napaka gentleman, mag partner kami sa P.E. di ba? Ramdam na ramdam ko ang pag-aalala niya na baka hindi ko kayanin ang pagtakbo sa school grounds, limang ikot ba naman ang ipagawa sa atin ni Ms. Santos, warm up pa lang yun, hay naku."
"Pagkatapos ng activity natin bigla siyang nawala, yun pala bumili siya ng tubig para may mainom ako, hayyy." "Batukan ko kaya to? ang alam ko pati ako binigyan ni Jeremy ng tubig nun, anong espesyal dun? Iniutos ko kaya iyon!" "May sinasabi ka ba?", ay muntik na akong marinig, "Wala, sabi ko ituloy mo yung kuwento mo."
"Naalala mo nung naging partner kami sa report sa science? Lagi kaming nasa library, palagi siyang may dalang meryenda, para daw di ako gutumin, hindi rin siya pumapayag na ako lang ang maghahanap ng mga librong kailangan naming basahin, sinasamahan niya ako sa paghahanap, ang dami kasing libro dun." "Malamang, nasa library kayo di ba?" buti na lang di niya narinig, parang nasa alapaap kasi at tumitirik pa ang mata, hala kinikilig sa sarili niyang kuwento si Ella.
"Tapos, minsang inabot kami ng six ng gabi sa pagre research, hindi siya pumayag na hindi ako ihatid kasi delikado raw sa pagtawid sa tulay. Hanggang five lang kasi ang bangka nun, may importante atang pagdiriwang na pupuntahan iyong bangkero. Laking pasasalamat ko talaga kay mamang bangkero dahil nagkaroon kami ni Jeremy ng pagkakataong makapag kwentuhan kasi sinamahan niya ako sa pagtawid sa tulay".
BINABASA MO ANG
3P (Pag-ibig, Pag-asa, Poreber?)
RomanceIsang mahabang paglalakbay patungo sa paghahanap ng forever, umaasa at naghihintay sa pagdating ng kanyang tunay na mahal. Pakikipagsapalaran at pakikibaka sa buhay ng isang ordinaryong kabataan na patuloy na naghihintay na pansinin siya ng k...