CHAPTER 3
Mabilis talagang lumipas ang araw kapag busy ka sa pag-aaral, Oktubre na pala, malapit na naman ang pasko. Darating na ulit ang tatay Rodel ni Jeremy, hindi kasi nakakalimutan ni tatay Rodel ang pasalubong sa akin kapag dumarating siya. Chocolate, blouse o kaya pabango. Kaya pati ako excited kapag uuwi ang tatay ni Jeremy. Napakabait talaga ng pamilya nila.
Nasa ganon akong pagmumuni muni nang may humatak sa kamay ko, ano to? kailan pa nauso ang basta na lang manghila ng kamay ng may kamay? Babawiin ko na sana ang kamay ko nang mapansin kong naka putting t-shirt at camouflage na pantalon yung may hila sa akin. Hinihingal pa ako nang huminto kami sa harap ng naka uniporme ng katulad sa sundalo. Saka lamang binitiwan ng kung sino mang may hila sa akin ang kamay ko nang sumaludo ito sa nakatayong animo sundalo sa harap namin. "Sir Lizarondo sir, Private Marquez reporting". Ibinaba lamang niya ang kamay niya nang saluduhan din siya ng tinawag niyang Sir Lizarondo. Teka lang, James? Marquez ang apelyido ni James di ba? Di pa rin ako makapag salita dahil sa hingal nang magulat ako sa sinabi nung humila sa akin.
"Sir meet my girlfriend, Pia Santiago, 2nd year section 1." "Ano daw? Girlfriend?", teka lang, may boyfriend na ako? "Well done private Marquez, you may leave." sagot nung naka pang sundalong uniporme at may nakasulat na Lizarondo sa dibdib. "Teka lang, may nakalimutan ako", paalis na sana kami nang tawagin siya ulit, "You have to prove na girlfriend mo nga siya." "Whaaaattttt", sigaw ng utak ko, pero dahil naguguluhan ako sa mga nangyayari, di ako makaimik. Lalo na nang humarap sa akin ang herodes na humila ng kamay ko. Pag harap nya, hindi pala herodes kundi ang prince charming ko, si James. Ibubuka ko pa lang ang bibig ko para itanong kung ano ang nangyayari nang biglang lumapat ang labi nya sa labi ko.
Parang huminto sa pag-ikot ang mundo. Ganito pala ang kiss. Nakakahilo, umiikot ang paligid, para akong nakasakay sa roller coaster sa peryahan sa barangay pag piyesta, ang lakas ng kaba ng dibdib ko.
Nakanganga pa ata ako nang marinig ko ulit ang boses nung sir Lizarondo, "Ok you may leave private Marquez".
Bago pa ko nakatutol at nakabigkas ng anumang salita ay hinatak na ako ulit ni James. Aba namimihasa na ito sa kahihila sa akin ah...babatukan ko na to. Sapakin ko na kaya? Hihilahin ako at kakaladkarin kung saan tapos ipakikilalang girlfriend ng di nililigawan? Tapos basta na lang manghahalik,ni hindi magpapaalam? How dare him!
"Teka nga Mr. Marquez!" sabay hatak ko sa kamay ko. "Wait lang Pia, bago ka magalit pakinggan mo muna ang paliwanag ko." "Sorry,"
"Pia! Andiyan ka lang pala, kanina ka pa hinahanap ni Jeremy, uwi na daw kayo", si Joy, kahit kailan talaga wrong timing ang mga kaibigan kong ito!
Bago pa may masabing iba si James at baka may marinig pa si Joy ay hinila ko na siya palayo. Uso na ata ang paghihilahan. Nakita kong nakasunod ang tingin ni James sa amin ni Joy habang papalapit sa amin si Jeremy. Kinuha nito ang bag ko at inakbayan pa ako palabas ng school. Nung lingunin ko ulit si James ay wala na ito sa dati nitong kinatatayuan.
Hmpp bakit ko ba iisipin ung mokong na yun, baka pinaglaruan lang ako nun kanina. Kahit anong puwestong gawin ko sa pagtulog ay di ako dalawin ng antok. Lintik na halik yan, hanggang ngayon pakiramdam ko magka dampi pa rin ang labi namin ni James. Paulit ulit kong binabalikan sa isip ko yung mga nangyari kanina sa school, at kahit anong pilit ko sa sariling magalit sa ginawa ni James ay di ako nakaramdam ng gayon, bagkus lalo akong kinikilig.
Excited akong pumasok kinabukasan sa pagbabakasakaling makita ko si James at magpaliwanag siya sa nangyari kahapon. Kaso lumipas na ang maghapon, uwian na naman, ni anino ni James ay di ko nakita. Pero ok lang, Friday pa lang naman bukas, malay mo, bukas magpakita na siya sa akin. Ganun naman siya di ba? Bigla na lang sumusulpot?
Kung anu ano nang dahilan ang iniimbento ko para lang huwag magalit kay James. Isang lingo na mula nung ipakilala nya akong girlfriend at nakawan ng halik, ni ha ni ho wala akong narinig sa kanya. Nakita ko siya sa gate ng school kahapon pero parang hangin lang ako na dumaan sa harap niya. Ni hindi niya ako tiningnan. Ang sakit naman, bakit ako pa ang napili niyang paglaruan. Pero bakit ganun? Sa kabila ng pambabalewala niya sa akin, nami miss ko pa rin siya. Hindi pa rin ako makaramdam kahit kaunting pagtatampo sa kanya.
"Pia samahan mo naman ako sa library, absent kasi si Joy, tayo na lang ang magka partner sa report natin sa English." sabay pa beautiful eyes ni Jeremy sa harap ko. Para hindi na lang siya maghinala na maysakit ako, sakit sa puso, sumama ako sa kanya sa library. Hindi naman ako nagsisi na sumama ako kay Jeremy dahil kahit paano ay nalibang naman ako. Nakalimutan ko si James pero pansamantala lang pala iyon dahil paghiga ko sa gabi, siya pa rin ang naiisip ko.
Focus ka na nga lang sa pag-aaral Pia, kalimutan mo na si James, wala ka naman nang magagawa e, nakuha na niya ang first kiss mo, alangan namang pahalik ka ulit sa kanya para mabawi yun, ano ka timang? hayyy, nababaliw na ata ako kasi kinakausap ko ang sarili ko sa harap ng salamin habang nagsusuklay ako, papasok na naman kasi ako at ayaw ko nang umasa na magpapakita pa sa akin ang mokong na James na iyon, pero ang guwapo ng mokong nun ha. Napangiti na lang ako sa mga niisip ko.
"Pia, tanghali na, male late ka na nyan, kanina ka pa hinihintay ni Jeremy, may itatanong daw siya sa iyo tungkol sa report niyo kaya dinaanan ka niya. Buti naman at may kasabay ka sa pagpasok", mahabang litanya ni nanay.
"Opo 'nay, bababa na po", sagot ko.
Dinatnan ko si Jeremy sa labas ng bahay, "O, bakit di ka na lang sa loob naghintay? Para ka namang others," biniro ko sya paglabas ko dahil alam kong naiinip na siya, mainipin talaga tong kaibigan kong ito, aayaw na pinaghihintay siya, aba e sino ba kasing maysabi na antayin nya ako di ba? Tapos sisimasimangot, bahala ka nga sa buhay mo.
Nauna na akong lumakad papunta sa sakayan ng Jeep. Hahayaan ko na lang, baka may topak.
Pagsulyap ko ulit sa labas, nakita kong nakatayo si James sa harap ng mga bagong COCC, sa school grounds, nka type A uniform, parang totoong sundalo. Napakakisig at napaka tikas niyang tingnan. Hindi nakakapagtakang maraming estudyante ang nagpapa cute sa kanya.
Kung guwapo na siya noong COCC pa lamang siya, (pero ako lang ata ang nakakapansin sa ka guwapuhang iyon), ngayon na nasa ikaapat na baitang na siya maaari mo na siyang ihanay kina Jestoni Alarcon, Aga Muhlach at sa mga celebrity na sumisikat ngayon, puwede na nga rin siyang pumasang miyembro ng boyband.
Lalo na siguro akong di maaalala niyan ngayon. Ang isang kagaya kong simpleng mag-aaral na minsan niyang ipinakilalang girlfriend niya at hinalikan sa harap ng ibang tao. Malamang, itanong mo pa sa alamang, limot na ako niyan! Kahit isang taon na ang nakakalipas, para sa akin, parang kahapon lang nangyari yun.
"Hoy! Mahipan ka ng hangin sige ka." sabay siko sa akin ni Ella. Bago kong classmate, transferee siya galing sa Mandaluyong High School. "Panay ang ngiti mo tapos ang lagkit ng tingin mo dun sa nasa labas! Crush mo yun no?" "Hindi ah, napalingon lang crush na agad? Di ba puwedeng simpleng lingon lang?" sagot ko.
"O sige, sabi mo e, ayy alam mo officer ng CAT ang Kuya Arthur ko, Sali tayo! Mukhang masaya oh." Kunwari di ko siya narinig at ipinagpatuloy ko ang pagkopya sa Mga Bahagi ng Pananalita sa Filipino. "Pangalan, tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, pook o pangyayari. Panghalip, panghalili sa pangalan...." "Hala deadma ang lola ko, Pia, sabi ko sali tayo sa COCC, andun naman kuya ko, siguradong di tayo masyadong pahihirapan ng mga yun." Deadma pa rin ako, "pandiwa, mga salitang kilos..." "Hmp e di huwag kung ayaw mo," "Ay matampuhin, ano nga ulit yun?" pinansin ko na baka totohanin ngang di ako isama sa pagsali sa COCC, pakipot lang naman ako, nagpapapilit kunwari,haha, pagkakataon ko na kaya para makaganti sa James Marquez na yun!
"Kailan tayo sasali? Huy wag ka na magtampo diyan, sige sasamahan na kita, para naman hindi ka malungkot sa pagsali mo dun (chos)." paglalambing ko.
Ngumiti na ulit si Ella at sinabing mamayang uwian aatend kami ng training. Hindi ko pinahalatang sobrang kinakabahan ako sa gagawin namin, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag nakaharap ko ulit si James, ano kaya ang magiging reaksiyon niya?
BINABASA MO ANG
3P (Pag-ibig, Pag-asa, Poreber?)
RomanceIsang mahabang paglalakbay patungo sa paghahanap ng forever, umaasa at naghihintay sa pagdating ng kanyang tunay na mahal. Pakikipagsapalaran at pakikibaka sa buhay ng isang ordinaryong kabataan na patuloy na naghihintay na pansinin siya ng k...