/ Chapter one /
Magmula ng maging bampira siya ay hindi na muli siya nakaranas nang mga bagay na ginagawa niya nuong tao pa siya,kaya naman nang bigyan siya ng kalayaan ng kaibigang si Sandra ay talaga namang nilubos lubos na niya,nang matapos ang gulong sinuong nito laban sa mga aswang ay nagpaalam muna siyang magbabakasyon sa mundo nang mga tao na dati rin niyang naging mundo.
Maganda rin pala na nabubuhay ng ilang taon dahil kung nagkataon na hindi siya naging bampira baka hindi niya mararanasan ang mga ito bagong henerasyon at puno ng mga kaalaman sa sensya ang mundo.
Puro high-tech na ang mga gamit,mga naglalakihang gusali ang mga modernong mga bagay na ngayon niya lang naranasan.
Nasa loob siya ng Condo unit kung saan siya pansamantalang nakatira roon,lumabas siya ng unit nang sa kaharap niyang unit rin ay may lumabas ding lalaki roon na mestiso matangkad at ubod nang gwapo.
Napapikit siya ng mariin nang makita ang lalaki,tapos nang mapagawi sa kanya ang mga mata nito ay kulang nalang talaga ay maglupasay siya sa sahig dahil sa subrang kilig.
Bampira siya pero kinikilig naman siya ano ba yan'
"Hi pogi bago lang ako dito,ako nga pala si Sofia"ang nakangiti niyang pagpapakilala sa lalaki.
Tiningnan lang siya ng mariin ng lalaki,na para bang na wewerduhan sa kanya.
"Hindi ako nakikipag kilala sa taong hindi ko gustong makilala"ang masungit nitong
Sabi.
Tinalikuran siya ng lalaki at hindi manlang inabot ang kamay niyang makikipag hand shake lang naman."Ang sungit mo ha,oo na kaya nga nakikipag kilala kasi kapitbahay naman tayo!"ang sabi niya pa na nilakasan ang boses.
"Hindi ako interesado!"sagot nito bago sumakay ng elevator."Ang sungit ha,dinaig pa ang babaeng may regla,maka alis na nga rin"tinungo na rin niya ang elevator,
Pagbaba niya sa basement parking ay sumakay na siya sa kanyang kotse.Nagtungo siya sa isang mall,at duon ay nagulat pa siya na maraming mga tao,nagtanong pa siya sa guard anong meron,
"Ahh nandyan po kasi ang singer na si Nicolo Tayler,"sagot ng Lalaki,napakunot noo naman siya hindi yata siya updated dahil hindi niya kilala ang sikat na mang aawit.Nakipag siksikan naman siya sa maraming tao,para lang makita ang singer na sinasabi nila.
Namangha siya sa magandang boses nang lalaking nasa gitna nang stage nakaupo ito at umaawit nang isang kanta na siyang nakakahalina at maganda sa pandinig at namukhaan niya ang antipatiko at supladong lalaki na kapitbahay lang niya sa building kung saan siya nakatira.
"Akalain mo nga naman sikat palang singer ang lalaking iyon,"nakangiti niyang sabi sa sarili habang kasama na siya sa mga babaeng nanunuod..
Pagkatapos nang mall tour ni nicolo tayler ay inis na itong nag punta sa sariling sasakyan at pina cancel niya sa kanyang PA ang iba pang schedules niya ngayong araw dahil sumasakit ang ulo niya gusto na niyang magpahinga,may sarili at private place siya kung saan ay naroon ang bagong patayo niyang bahay ngunit mayroon siyang condo unit kaya duon muna siya umuuwi pansamantala para makapagpahinga.
Pagbaba niya ng sasakyan ay nakasalubong na naman niya ang babaeng nagpapansin na ang sabi ay neighbor niya. Hindi naman siya intresadong makipag kaibigan sa mga kapitbahay niya.
"Hi nicolo...ang galing mong kumanta ang ganda nang boses mo,pwede pa autograph mula ngayon ay fan mo na rin ako"ang wika ng babae habang inaabot sa kanya ang isang notebook at ballpen,alam niyang nag papansin lang ito.
Tinangap na lamang niya at pinirmahan pagkatapos ay tinalikuran na niya ang babae na narinig niya pang tumili ito nang matinis,hindi niya alam kong bakit bigla siyang napangiti.
BINABASA MO ANG
•SOFIA• ANG BABAENG BAMPIRA
VampirosIsang ordinaryong tao nuon ang babaeng si Sofia ,isang tipikal na babaeng taga maynila,may magandang mukha na talaga namang mapapansin nang kahit na sinong lalaki. Ngunit ang buhay niya ay hindi katulad nang isang dalaga na may magandang buhay,may a...