Chapter 3: Murder at the Cafe Pt. 2

24 21 0
                                    


Ashlyn

"H-hindi ako ang pumatay...." nanlaki ang mata niya nang makitang napalingon kaming lahat sa kaniya.

Dahan dahang nagsilayuan ang mga katabi niya at siya naman ay natataranta na.

"M-maniwala kayong lahat! Hindi ako ang pumatay sa kaniya!" sabi niya pero bakas sa mukha ng iba na hindi sila naniniwala.


"Confimed po, mas makapal po ang sa kaniya kumpara sa dalawang suspect." sabi ng isa sa mga kasamahan ni Uncle.

Naiyak na si Bea dahil sa nangyayari. "P-pero hindi ako ang pumatay....."

"Pero iha, ngayong lahat ng fingerprint mo ay nasa dalawang lipstick na ebidensya namin, ikaw na ang magiging primary suspect namin." umiling nang paulit ulit si Bea.


"She's not the killer." napalingon kami sa katabi ko nang marinig namin siyang magsalita.

"Ano?" tanong ni Uncle. Tinitigan siya ni Hunter.

"I said, she's not the real killer." inulit niya ang kaniyang sabihin na nakapag pakunot ng noo ni Uncle.

"Mas malaki ang posibilidad na siya ang suspect lalo na at malakas ang ebidensya sa kaniya iho—" pinutol siya ni Hunter.


"Because the real killer, will and already exposed itself right now." dagdag pa nito.

Nanlaki ang mata ni Uncle at maging ang tatlong suspect. "A-anong ibig mong sabihin?"

Ngumisi si Hunter at tumingin sa entrance ng Cafe. Kanina pa siya pasulyap sulyap diyan ah? May date ba siya?

Nang mapatingin ako rito ay nanlaki ang mata ko nang makita ko si Michael. Hingal na hingal na parang akala mo napatakbo ng marathon.


"Speaking of the Devil." sinamaan siya ng tingin ni Michael nang makalapit ito sa amin.

"Speaking of the Devil mo mukha mo! Ipasubo ko 'to sa'yo eh!" reklamo ni Michael sabay abot kay Hunter ang isang CD.

"No thanks. And thanks for the 'dramatic' entrance." sabi ni Hunter at inambahan siya ni Michael ngunit sa kasamaang palad ay pandak nga siya at hindi niya nabatukan ito.

May kinuha si Hunter mula sa bulsa niya. At pinakita ni Hunter ang portion cup sa mga suspect. Inobserbahan ko ang mga mukha nila hanggang sa ang 'taong iyon' ay mukhang nagulat at nagtaka.


Na para bang hindi niya inaasahan na makikita ni Michael iyon. Ngayon lang nag-click sa akin kung sino ang pumatay.

Napatingin ako sa tatlo at mukhang kanina pa nila ako pinapanood. Ngumisi silang tatlo at tumingin sa mga suspek.

"Now, let's talk about on how did the killer killed the victim, shall we?" tanong ni Hunter.

Nakatitig sa kaniya ang lahat ng mga naroon. Maging ako, inaasahang pareho kami ng hinala na 'siya' ang may gawa.


"First of all, this CD." pinakita ni Hunter ang CD na binigay sa kaniya ni Michael.

"Ano naman ang laman niyan?" tanong ni Uncle.

"This contains the CCTV from the department store where everyone can get the same brand of the pink lipstick." paliwanag niya.

"But that's not all. It's because......it's the suspect's own department store."

'Huh?? Edi ibig sabihin....'


"That's right. Our suspect own a lipstick company. And it's a big benefit for the suspect since she can just make her own lipstick from several waxes such as beeswax, ozokerite, and candelilla wax." napatingin ang lahat ng mga tao sa 'killer' at halata sa mukha niya ang pagkagulat.

𝐅𝐚𝐥𝐬𝐞 𝐉𝐮𝐬𝐭𝐢𝐜𝐞 (Detective Series #1)Where stories live. Discover now