Ashlyn
Nagising ako kinaumagahan dahil na rin sa naalimpungatan ako. Hindi ko alam kung ano ang dahilan dahil blanko lang naman anh naging panaginip ko.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bedside ng kama at tiningnan ang oras. 7:34 AM.
Napabuntong hininga ako bago tumayo at nag-unat. At saka ako lumabas ng kwarto at dumeretso sa kusina para magtimpla ng kape.
Matapos kong magtimpla ay pumunta ako sa sala at umupo sa sofa. Saglit ko lang ipinikit ang mga mata ko.
Grabe. Pagod na pagod ako sa pag aayos ng mga activities at mga reports ko nung isang gabi na ipinasa kahapon. Parang di'ko ramdam na masaya pa ang highschool.
Kukunin ko na sana ang kape ko nang may napansin ako na bumuntong hininga sa tabi ko.
Napatingin ako sa gilid ko at nanlaki ang mata nang makitang katabi ko na si Hunter, na mukhang kakagising lang.
Napalayo ako bigla at napahawak sa dibdib.
"Pusang gala! Kanina ka pa diyan, Hunter?!" Sigaw ko. At napatakip naman siya ng tenga niya.
"Tsk. Don't shout. As if I'm not beside you." Tinarayan niya ako.
'Aba. Kapal ng mukha magsungit ah?'
"Pucha ka kase! Paano ka napunta diyan? Bakit hindi kita napansin? Nag-teleport ka ba? Bampira ka?"
Nakakunot ang noo niya nang takpan niya ang bibig ko.
"OA lang? Mukha ba akong bampira sa'yo?" Tanong niya.
Hinawakan ko ang kamay niya at tinanggal ito mula sa bibig ko. "Takte ka. Eh paano ka napunta dyan nang hindi ko napapansin?"
"Malamang naglakad ako at umupo rito." Sabi niya at ininom ang kape niya na katabi ng baso ko.
"Paano ngang hindi ko napansin?!"
Tiningnan niya ako. "Manhid ka kase."
Batukan ko to eh. Pinaikot ko ang mata ko at ininom ang kape ko.
"Kalalaking tao apaka tsismoso." Sabi ko. Tinaasan naman niya ako ng kilay.
"Not my fault. I am seriously right here since earlier, but you didn't move so, I sat down." Sabi naman niya pabalik.
"Oh tapos? Bakit hindi ka nagsalita?"
"I kept calling your name, dimwit. Ini-imagine mo ba ang boyfriend mo at sobra naman ata yung kilig mo?"
"Hoy wala akong boyfriend!"
Ngumisi siya. "Yeah right. As if naman may nagkakagusto nga naman sa'yo." Sinamaan ko siya ng tingin.
"Tangina mo ba? Ikaw nga may itsura nga, ganyan naman ugali mo! Wala ring magkakagusto sa'yo!" Sabi ko.
Tiningnan niya ako. "You think I'm handsome?"
"Saan banda? Ang sabi ko 'may itsura' hindi gwapo, ulol."
'Kapal talaga ng mukha amputek'
"Still the same for me." Nagkibit balikat siya.
"Aba'y kapal ng mukha mo manong–" napatigil ako sa pagsasalita nang may nagsalita sa likod ko.
YOU ARE READING
𝐅𝐚𝐥𝐬𝐞 𝐉𝐮𝐬𝐭𝐢𝐜𝐞 (Detective Series #1)
Mystery / ThrillerJoin the Détectives Jeunesse Mystérieux (DJM) on a thrilling journey as they unravel mysteries, unmask hidden foes, and piece together clues in a web of intrigue. ~Trquinty~