Chapter 1

17 1 0
                                    

"Can you please promise me that no matter what happens, we will always be together?"

I smiled, feeling the warmth of his words wash over me. I love him with all my heart. He’s my best friend, my partner, my family. Siya lang ang meron ako. Sa kanya ko nararamdaman ang tunay na saya, ang ligaya na sa kanya ko lang natagpuan.

"I will always be with you, Mond," I said softly, letting every word linger in the space between us.

"Alyna, I can’t wait to marry you," he whispered, his voice full of the dreams we both held in our hearts.

I laughed gently. "No rush, because I will always say 'I do' to you, every single day of my life."

He smiled, that perfect smile that could melt all my fears, doubts, and insecurities. A smile that told me he was my home, my forever. Slowly, he leaned in, and I closed my eyes, anticipating the familiar warmth of his kiss.

But before our lips could touch, I felt the coldness creeping in. And then—nagising ako.

Nagising sa katotohanang hanggang alaala nalang ang lahat ng ito. Na hanggang sa panaginip ko lang siya makakasama. Sa panaginip ko lang mahahagkan ang kanyang mga bisig, maririnig ang kanyang mga pangako. Sa panaginip ko lang ulit maririnig na ako ang babaeng mahal niya, ang babaeng para sa kanya. Na ako ang babaeng pakakasalan niya.

Reality hit like a cruel wave, flooding my mind with the truth I kept burying. Nakakatawa, pero masakit. Bakit nga ba ako nagkakaganito? Ang tagal-tagal na noon. Ang dami nang nagbago sa buhay ko at sa paligid ko, pero bakit hanggang ngayon hindi pa rin siya nawawala sa puso ko?

Iniisip ko kung bakit hindi ako makatakas. Bakit kahit ilang taon na ang lumipas, nandito pa rin ako, umaasa pa rin sa wala. Nangungulila sa mga pangakong kailanman ay hindi naman natupad.

Ang daming beses na sinubukan kong kalimutan siya. Tinitiis ko ang sakit at pinipilit kong itaboy ang alaala niya. Pinapalitan ko ng iba ang mga oras na naiisip ko siya, pero bumabalik pa rin siya sa tuwing nag-iisa ako. Minsan nga, kahit kasama ko ang ibang tao, nararamdaman ko pa rin ang kakulangan. Kasi hindi sila siya. Wala silang ngiti niya, ang kanyang mga mata na may kasamang pangako.

And here I am, holding onto fragments of a love that once felt like the air I breathed. Mahal ko siya, pero alam kong kailanman, hindi niya magagawang mahalin ako sa paraang gusto ko. O baka mahal niya ako, pero hindi sapat para magtagal.

Hanggang kailan? Hanggang kailan ako maghihintay sa isang bagay na wala namang kasiguraduhan? Hanggang kailan ko dadalhin ang mga alaala ng isang taong hindi na muling babalik? At hanggang kailan ko iaasa ang kaligayahan ko sa panaginip na hindi na magiging totoo?

Maraming "bakit." Maraming "paano kung." Pero alam ko, sa bawat tanong, ang sagot ay pareho lang. Hanggang panaginip lang kami. Hanggang alaala nalang siya sa akin. Ang masakit lang, sa bawat pag-gising ko, nawawala siya. At sa bawat pag-gising, bumabalik ang sakit, parang sugat na di nagagaling, paulit-ulit na nananariwa.

Mahal ko siya, pero kailangan ko ring mahalin ang sarili ko. Kailangan kong bumangon mula sa mga panaginip na nagiging bangungot. Kailangan kong bitawan si Mond, ang taong minsang nagpuno ng buhay ko ng mga pangako at ngiti.

Pumasok ako sa trabaho na parang wala lang. Ayokong maging malungkot, ayoko nang umiyak, ayoko nang magkulong sa kwarto habang hinahabol ng mga alaala. I want to live my life to the fullest. I want to be happy, even if he is no longer with me. Gusto kong maging malaya mula sa mga alaala ni Mond, mula sa sakit at panghihinayang.

Alam ko naman na hindi lang si Mond ang mundo ko. Alam kong hindi lang siya ang nandito. Maraming tao ang nagmamahal sa akin—mga kaibigan, pamilya, kahit nga sina Ella at iba pang mga katrabaho ko. Pero siya ang ginawa kong mundo noon. Sa kanya umiikot ang lahat. Binigay ko ang bawat bahagi ng sarili ko sakanya. And in the end, we ended up hurting each other. Nasaktan ako, at alam kong nasaktan din siya.

Beyond the What-IfsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon