I wiped my tears as I tried to sleep again. Ang sakit nang ulo ko. Pakiramdam ko, hindi na talaga matatapos ang sakit na 'to. It's been two weeks since our last encounter. Dalawang linggo na ang lumipas pero parang kahapon lang nangyari. At sa two weeks na nagdaan ay wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak. Paulit-ulit. Walang tigil. Parang sirang plaka ang puso ko, paulit-ulit na binabalikan ang alaala niya, ang alaala naming dalawa.
I don't understand at all. Siguro ganito talaga pag nagmamahal. Kahit alam mo na ang sagot sa tanong, kumakapit ka parin. Kahit sobrang sakit na, kahit ramdam mo na parang unti-unti kang nawawasak, ayaw mo pa rin bumitaw. I know I need to let go of him. I need to let go of my feelings. He's married. He is off limits. Alam ko naman 'yon. Alam ko naman ang tama at mali. Pero bakit ganito? Bakit parang hindi ko pa rin magawang tumigil?
May parte sa akin ang hindi naniwala noon na kasal na siya. Ayokong maniwala. I tried so hard to gaslight myself, na sinabi lang ng mama niya sa akin 'yun para mag-move on ako. Pinilit kong paniwalain ang sarili ko na isang malaking kasinungalingan lang ang lahat. Pero hindi. But it's real. It’s so real. He confirmed it two weeks ago. He is really married. At doon na parang bumagsak ang langit sa akin. Wala nang kawala.
"Tangina. Tama na, Alyna, please lang," pagmamakaawa ko sa sarili ko, pero kahit ang sarili ko, hindi ko makumbinse.
It's pointless. It's pointless to continue loving him. Pero bakit parang kahit anong gawin ko, hindi ko siya matanggal sa sistema ko? Hindi ko na alam. Ngayon na hindi ko siya kasama, desidido ako na kalimutan siya. Sinasabi ko sa sarili ko, “Kaya mo 'to. Hindi mo siya kailangan. Hindi mo siya dapat mahalin.” Pero pag kasama ko naman siya, pag nakikita ko ang ngiti niya, nag-iiba ang gusto ko. Parang nawawala lahat ng desisyon, lahat ng pangako ko sa sarili. Pag nakikita ko ang mata niya, ang bawat ngiti niya, parang lahat ng “hindi dapat” ay nagiging “pwede naman.”
At hindi dapat ganon. It’s wrong. Mali. Alam ko naman ang mali. Pero bakit hindi ko magawang sundin ang tama?
Matagal na kaming tapos. Ilang taon na rin. Dapat wala na. Dapat matagal nang tapos ang kwento naming dalawa. Pero bakit hanggang ngayon, andito pa rin? Bakit hanggang ngayon, parang hindi ko pa rin magawang bitawan siya? Paulit-ulit ko nang tinanong sa sarili ko. Nakakapagod na. Sobrang nakakapagod na. Pero bakit hindi pa rin sumusuko ang puso ko? Kasi palaging may what if.
What if pwede pa?
What if kaya pa?
What if mapipilit pa?
What if pwede naman talaga?Alam ko naman ang sagot. Hindi na pwede. Hindi na kaya. Hindi na pwede ipilit. Hindi na talaga. Pero bakit? Bakit ganito?
Masyado ba akong tanga kung hirap na hirap akong kalimutan siya? Masyado ba akong gaga kung hanggang ngayon, mahal ko pa rin siya? Ang bobo ko ba kung hanggang ngayon, hindi ko pa rin kaya na kalimutan siya?
Parang nakulong na ako sa mga tanong na wala namang sagot. Ang dami kong gustong intindihin pero ang hirap. Siguro nga, tanga ako. Siguro nga, wala na talaga akong pag-asa. Pero anong magagawa ko kung hanggang ngayon, siya pa rin ang pintig ng puso ko?
I sighed. Malalim. Mabigat. Ang bigat na parang hindi ko na kayang dalhin. Wala nang natira sa akin kundi sakit at panghihinayang.
What if hindi ako sumuko? What if hindi ako bumitaw? What if hindi ko siya iniwan? What if hindi ako natakot? What if hindi ako nasakal? What if nilaban ko pa? What if hindi ako nakinig sa sinasabi ng iba?
Malungkot akong natawa, ramdam ko ang bigat sa dibdib ko. What’s the point of what-ifs? Kahit balik-balikan ko ang mga tanong na ‘to, alam kong wala naman itong mababago. Hindi nito kayang baliktarin ang mga desisyong nagawa ko na. Hindi nito kayang ibalik ang mga panahong nasayang. At higit sa lahat, hindi nito kayang baguhin ang katotohanang wala na siya sa buhay ko.
BINABASA MO ANG
Beyond the What-Ifs
RomanceWhat if pinili kita? What if pinahalagahan kita? What if hindi tayo sumuko? What if mahal pa kita? What if tayo naman talaga? Pero....what if, pwede palang sumaya sa iba?