Third Person's Pov
Suot ang balabal at malaking hood sa ulo ay palihim na tumungo ang butler ng Marquess sa lugar na tinatawag na Deluxe Tavern.
Hindi ito kagaya ng mga pangkaraniwang lugar na makikita mo ang mga taong nag-iinuman. Sa lugar na ito namamalagi o tumatambay ang mga mercenary. Nag-aabang o nag-aantay ng magkapera para pumaslang ng kahit sino.
Ang lahat ay napahinto sa kanya-kanyang ginagawa nang pumasok sa pinto ang butler ng Marquess. Naging alerto ang lahat at matiim na pinukol ng tingin ang estrangherong pumasok.
"May nais akong ipagawa. Magbabayad ako ng malaking halaga," wika nito.
Tumayo ang isa sa mga mercenaries. He's towering the mysterious man when he stepped in fron of him.
"Sino ang ipapapatay mo?" Diretsahang tanong nito sa estranghero.
Sa halip na magsalita ay isang maliit at rectangular na sobre ang iniabot niya rito. Kinuha iyon ng lalaki at binuksan tsaka kinuha ang isang larawan na nilalaman.
Hindi nakaimik ang mersenaryo at ibinaling ang tingin sa nagtatago ng mukha na estranghero.
"Sino ang nag-utos sayo?"
Nagulat ang butler sa naging tanong ng lalaki.
"Wala ka na ro'n. Sabihin mo kung hindi mo kaya ang pinapagawa ko at ibibigay ko iyan sa iba," matapang na turan ng butler.
Umismid ang mersenaryo at pabalang na ibinalik sakanya ang litrato.
"Wala kang mauutusan na kahit sino rito upang ipapaslang ang dalaga na iyan." Saka tumalikod ang mersenaryo at bumalik sakanyang mga kasamahan.
"Sino ang nasa litrato?" Usyoso ng kasama niya.
"Isang prinsesa. Ang prinsesa ng Daikirim," tugon niya rito.
Napangiwi naman ang kasama niya at napailing ng ulo.
"Kahit pa malaki ang halagang ibabayad mo. Hindi namin tatabggapin iyan," sambit naman ng isa nang malaman nito kung sino ang target.
"Bakit naman? Malaking halaga ang makukuha niyo sa oras na maging tagumpay ang misyon," depensa ng butler.
"Walang katumbas na kahit anong halaga ang ibibigay mo kapag kami naman ang naparusahan ng Duke."
"Tsk." Bagsak ang balikat na lumabas ng tavern si Lioco. Sa pag-aakalang wala siyang maibabalitang maganda sa Marquess ay mabibigat ang kanyang paghakbang. Subalit, kaunti na lang ang layo niya sakanyang sinakyang karwahe nang may isang lalaking may peklat sa sintido ang biglang nagpakita sakanya.
"Magkano ang ibabayad mo?" Tanong nito sakanya.
"5 ginto," tugon ni Lioco.
Inilahad ng lalaki ang palad nito. Nagtataka saglit na tinitigan niya ito ngunit napagtanto niya rin na nais nitong makita ang larawan.
"Ang prinsesa ng Daikirim?" Nagtatanong na turan ng lalaki habang nakatitig sa larawan.
"Oo. Nais ng aking pinagsisilbihan na mawala na ang prinsesa. Malaki ang galit niya rito," paliwanag ni Lioco.
"Ganoon ba.. sige ako na ang gagawa. Ibigay mo ngayon sakin ang mga ginto," pagdemand ng lalaki sabay lahat ulit ng palad niya.
"Siguraduhin mo lang na magagawa mo ito at hindi ako niloloko. Dahil babalikan kita kasama ang mga kawal ng pinaglilingkuran ko," nagbabalang winika ni Lioco.
Ngumisi naman ang lalaki tsaka hinablot ang maliit na bag na may lamang ginto.
"Makakaasa ka." Iyon lang ang narinig ni Liocong tugon ng lalaki bago ito mawala sa paningin niya.
BINABASA MO ANG
Nefeli: The Reincarnated Villainess
FantasyRune Nefeli was a former assassin before she died because of someone dear to her. She already accepted her faith, which is to be dead and welcome Satan's abode, but when she opens her eyes she didn't expected to find herself inside a cold and dark p...