XERVANAH POV:
• • •"Mabuti at naisipan mo pang pumasok." Si ma'am Shizcka, temporary adviser namin na ubod ng sungit.
Pinapunta ako kaagad dito sa loob ng faculty nang mabalitaan ng mga classmate ko at ni ma'am na pumasok na ako. Mabilis talagang kumalat.
Wala akong maisagot. Nahihiya ako. Akalain mo, almost 2 months na akong hindi pumapasok pero himalang hindi ako nadrop. Bakit kaya? Hindi kaya special ako? Kakilig naman.
"Anong nginingiti-ngiti mo diyan? Eh, kung bilhan mo nalang ako ng turon doon sa may canteen." Aniya bago dinukot ang pera sa wallet niya. "Dalian mo ha?" Tumango ako.
Dalian daw, siya kaya ang maglakad sa campus. Kay layo kaya ng canteen dito sa building. Siya nga palaging late nagreklamo ba ako?
Pag ako talaga naging prinsipal ng eskawelahang 'to sino talaga siya sa akin. Pati pagtapon ng basura siya ang papagawin ko. Kainis.
"Ano ba?!" Sigaw ko nang biglang may humarang sa aking babae. Hindi ko siya kita dahil sa paglalakad ko ay nakatingin lang ako sa baba.
Rinig ko ang maarte niyang pagtawa. Parang inipit na daga. "Look who's here gyrls."
"Girls yun." Sabi ko nang mapansing hindi niya maayos na nabigkas ang salitang 'Girls'.
"Omhyshyt, I know!"
"Pinaarte mo lang." Bulong ko.
"Anong sabi mo?!" Siya. Tumingin ako sa kaniya. Siya nga, si Clara maldita.
Ewan ko nalang sa mga tao dito sa campus. Kahit sinong makikita nila sa daan, pagtit-ripan nila hanggang sa umiyak ito.
Mga walang puso.
"Ang Sabi ko dadaan ako kaya tumabi ka." Aniko at pinantayan ang titig niya. Hindi naman dahil isa siyang campus beauty ay kaya niya na akong maliitin. Oo, campus beauty siya, I mean campus beauty 'lang' dahil top 2 ako. Eh, siya? Ni hindi nga siya nakapasok sa top 60. Nakakahiya.
Natawa ako nang bumukas ang bibig nito habang nakatingin sa likod ko. Lumingon naman ako don at nakita ko si pres, naniningkit ang mata nito at nakatitig ng masama kay Clara at sa mga alipin nitong nasa likod niya.
"Siguro naman narinig niyo siya diba? Umalis kayo kung ayaw niyong ma-meet si kamatayan."
Walang anu-anong kumaripas ng takbo ang grupo ni Clara maldita kaya palihim akong natawa dahil bago niya ako talikuran ay tinarayan muna niya ako.
Ang ibig niyang sabihin sa 'kamatayan'? Si Ms. Delafuento, guidance counselor namin na kapatid ata ni ma'am Shizcka, ubod din kasi ng sungit.
Lumapit si pres sa akin. "Alam mo, hindi masama kung minsan ay matuto karing lumaban."
Hindi ko siya pinansin at naglakad nalang paalis at hindi niya naman ako sinundan. Hindi pa kami bati dahil inaway ko siya matapos niya akong bisitahin sa bahay na walang pasabi sa akin. Nakakahiya kaya yun.
Natuto na rin ako. Napaka-immature ko noon at naiiintindihan ko kung bakit maraming may ayaw sa akin. Umiiwas na ako sa mga toxic na tao at sa mga taong walang maitutulong sa buhay ko.
BINABASA MO ANG
Chasing Ms. Innocent (Mafia World #01)
RomanceMAFIA WORLD #01 Chasing Ms. Innocent • • • Evelysiah, a girl who craves a peaceful life, finds herself caught in the whirlwind of a dangerous love story. She meets Kaius, a powerful mafia boss, in an abandoned house during a stormy night. Kaius f...