CHAPTER 4

3 0 0
                                    

TALONG.

Pero kahit na pinagpawisan na ako ay hindi ako tumigil dahil marami pa akong hahakutin. Marami pa ang nagkalat at uubusin ko lahat ang mga iyon na mailagay sa likod ng bahay.

"Stop na, Miss."

Pero hindi ko sya pinakinggan. Bahala sya basta nag eenjoy ako sa ginagawa ko ngayon. Wala nito sa amin kaya lubos lubusin ko na for experience lang.

"Diba ikaw ang magluluto for our lunch?"

Natigil ako sa ginagawa ko at binalingan sya, napunta ang mga mata ko sa relo na nasa bisig nya at pati sya ay napatingin rin sa kanyang bisig.

"Maaga pa yata for lunch" sabi ko dahil alam ko na alibi nya lang para patigilin ako.

"Kahit na, hindi ka dapat magpakapagod at ang init ng panahon ngayon, ako na ang bahala dyan, hindi ka nandirito para magtrabaho"

Ayuko nga.

Nagbingi-bingihan talaga ako sa kanya kaya sya ang tumigl sa kakasibak ng kahoy at pinulot ang ibang mga nasibak nya at nilagay doon sa lagayan.

Hindi ako na nandirito para magtrabaho dahil baka mahirapn ako para mas malaki ang makukuha nya na pera sa parents ko. Bakit hindi na nya ako ipinatubos ngayon?

Gusto ko ng umuwi at siguro ay babalik ako ulit sa kumbento para ipagpatuloy ang nasimulan ko. Karma yata ito sa akin ngayon dahil lumihis ako ng hangarin.

"Nag stop ka na?"

Nanghihinayang na tanong ko dahil gusto ko ay ipagpatuloy nya pa dahil marami pa namang kahoy na sisibakin at masyadong maaga pa para magluto ng lunch.

"Yeah, para matigil ka na rin" nakasimangot na sagot nya.

Iwan ko ba pero nangiti ako kaya tumalikod kaagad ako sa kanya at baka mahuli nya naman ang reaction ko.

Pinulot namin ang mga natitirang nasibak at inayos doon sa lagayan, siguro for emergency ang mga ito pag walang power ang solar nila like may bagyo o matagalang pag-ulan.

"Pupunta tayo sa taniman ng mga gulay." Tumango ako sa kanya. "Papasok muna ako"

Sabi nya at iniwan ako sa labas, pagbalik nya ay nakabihis na sya ng bagong t-shirt na red, may dala rin syang basket siguro lagayan namin ng mga gulay na makukuha at sa kabilang kamay nya ay isang itim na payong.

"Tara." Sabi nya sabay ibinuklat ang payong at ibinigay sa akin.

"Ayaw ko magpayong at ayos lang sa akin" pagtanggi ko.

Hinagod nya ang aking kabuuan at tumigil ang mga mata nya sa mga kamay ko dahil iyon lang ang maaring makita nya.

"Kailangan mo magpayong, manipis ang balat mo at mukhang hindi ka sanay na nakabilad sa araw"

Hindi ako sumagot at hindi ko rin tinanggap ang payong nya kaya sya ang lumapit sa akin at isinilong ako.

"Tara, ako na ang magpapayong sayo." Lihim akong napasinghap pero humakbang na rin dahil humahakbang na rin sya.

Napapasunod nya ako sa maayos na paraan.

Paglabas namin sa gate ng bahay ay mainit nga talaga at ramdam ko ang alinsangan kahit nasa ilalim ako ng payong. Naka sentro talaga sa part ko ang sikat ng araw, hindi sapat ang laki ng payong para ma-occupy kaming dalawa. Pasimple kong iniusog ang sarili ko sa aking kidnapper habang piping nagdarasal na sana hindi masagi ng braso ko ang bisig nya na nakataas dahil sa hawak ang payong.

"See? Mainit diba?"

Napangiwi ako dahil nahalata nya pala ang ginawa ko.

"Mauna ka, dito kita papayungan sa likod para matabunan ka ng shadow ko" sabi nya at pinauna ako sa paglalakad.

TEARS OF LEAFWhere stories live. Discover now