KIDNAPPER.
"Saan nyo ako dadalhin!? S-sino kayo? Pakawalan nyo ako hindi ko kayo kilala?" malakas na sigaw ko habang nasa van ako nagpupumiglas.
Hindi ko alam kung bakit bigla nalang may tumigil na itim na van at lumabas ang tatlong lalaki na puro naka itim at mabilis na tinakpan ang bibig ko at ilang segundo lang ay naipasok ako sa van, bago ako nilagyan ng tape sa mga bibig at piring sa mata.
Sa ilang saglit lang ay may naaamoy ako at hanggang doon nalang ang aking ala-ala at paggising ko ay nasa isang silid na ako. Mabilis ako na bumangon at tinakbo ang pinto pero pagpihit ko ay sarado.
"Open the door!" malakas na sigaw ko habang buong lakas na kinakalampag ang pinto.
"S-sino kayo!? Bakit nyo ako ikinulong dito!?" Isang malakas na sigaw ko pa.
Pero walang bakas na naririnig nila ako. Naiiyak na ako sa kaba at takot.
Who are these people?
Hindi ko rin namukhaan ang mga humaklit sa akin sa daan dahil naka bonnet silang lahat.
"Lord, nagalit po ba kayo sa akin dahil umalis ako sa pagmamadre? Akala ko kase ay ayos na sa inyo. Akala ko ba ay payag na kayo?"
Instant karma yata ito pero kung mananatili ako sa kumbento ay para ko nalang din niloko ang sarili ko.
Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng silid. Naghahanap ako ng maaaring matakasan kahit siwang manlang pero wala akong makita. Meron glass window na kita dito ang malalakas na alon na humahampas sa batuhan at may malalaking puno. Kung babasagin ko itong bintana ay sigurado naman ako na hindi ako bubuhayin ng mga dambuhalang alon. Hindi ako ganoon ka-galing sa paglangoy para ilagay ko ang buhay ko dyan.
Dumako ang mga mata ko sa cabinet. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog o ilang araw na. Ang alam ko lang ay kumakalam ang aking sikmura.
Binuksan ko ang Cabinet at puro damit ang nandito. Lahat ay pambabae. Maaaring silid ito ng babae pero ang mga damit na naka hanger ay may mga tag pa. Obviouly, mga bago pa.
Ang luggage ko?
Umikot ang aking mga mata at namataan ko ang aking luggage at shoulder bag sa may isa pang pinto. Maaaring bathroom ito at tama nga ako sa aking pagbukas.
Sumalampak ako sa sahig at binuksan ang bag ko dahil andon ang aking phone. Kailangan ko makatawag kay daddy at kay mommy. Hindi ko rin alam kung nasaan ako pero ma-trace naman nila iyon kung sakali na ma-contact ko sila.
"Where's my phone? Nawawala ang phone ko" mangiyak-ngiyak na sabi ko sa aking sarili habang itinataob ang aking bag at nagbabakasakali na mahulog.
Pero wala.
I'm sure they took my phone. Pero bakit ako andito sa lugar na ito? Dahil sa pagkakaalam ko ay never ako nagkaroon ng kaaway sa buong buhay ko at ngayon ay nakidnap pa ako?
Ano 'to? For ransom?
Kilala nila ang daddy ko at ipapatubos ako? Magaling pumili ng bihag ang nga kidnapper dahil alam nila na tutubusin talaga ako ni daddy oras na makipag negotation sila.
Oh god! I think, karma talaga ito sa akin. Paano kung pagmakalaya ako dito ay babalik ako sa kumbento para ipagpatuloy ang nasimulan ko.
Sana hindi nalang talaga ako umalis, hindi ko sana sinapit ito ngayon.
Sa may bed side table. Tumayo ako at hinila iyon at thanks god! May phone. Dinial ko kaagad ang number ni Asya dahil number nya lang ang kabisado ko.
Halos ayaw kong huminga habang nagriring ang phone nya.
YOU ARE READING
TEARS OF LEAF
RomanceWelcome to my fictional world, pure lovers, where pure love exists.