CHAPTER 3

2 1 0
                                    

TEMPTATION.

"Matigas rin pala ang ulo mo no?"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya kaya nilingon ko sya ulit, tinapunan ng matalim na tingin na kung patalim lang ay ikakangisay nya.

Anong gusto nyang ma-feel ko gayong kinidnap nya ako? Hindi porke gwapo sya ay may karapatan na syang dukutin ako at teka nga...

Tumayo ako at hinarap sya. Matangkad sya sa akin kahit 5'9 ang height ko ay hindi ito sapat para pumantay kaming dalawa.

"Ano ang atraso ko sayo? Hindi kita kilala kaya please lang, pakawalan mo na ako." pakiusap ko sa kanya.

Nakatitig lang sya sa mukha ko habang nagsasalita ako.

"Kailangan mo ba ng pera kaya andito ako sa poder mo?" tiningnan ko sya mula ulo hanggang paa. "Mukhang hindi ka naman mahirap at mas lalong desente ka tingnan tapos ito ka ngayon at tamang dukot lang sa akin tapos pagkakaperahan ako?"

Gwapo din kase talaga sya at may specs na syang mas bagay at nakapagpadagdag ng pagiging desente nya lalo.

"Nagluto ako ng tinola baka gusto mo ng kumain"  bahagya akong nasamid.

Ang layo ng sinasabi nya sa sinabi ko. Ang pino-punto ko ay bakit nya ako kinidnap pero ito at tungkol sa pagkain ang sagot. Alam ko naman na umiiwas sya sa tanong ko pero bakit naman?

"Huwag mo sanang iwasan ang tanong ko, please?" sabi ko.

Tumingin sya sa karagatan bago pasimpleng tiningnan ako. "Hindi ako ang tamang tao para sumagot sa tanong mo" aniya.

Tumawa ako ng mahina. "Pero ikaw ang prime suspect sa pagdukot sa akin bakit ipapasa mo sa iba ang accountability na dapat sa iyo?"

"Be cautious of making broad declarations" sabi nya pa.

Bumuntong hininga ako. Gusto kong pagtawanan sya pero sinarili ko iyon.

"Ano ang gusto mong isipin ko if you're all involved? Accomplishment? You may not be in the actual scenario but your voice is being listened to? Then you will say that my reaction should not be comprehensive? Nagtatanong ako sayo kung bakit but you are taking me away from the real subject and creating your own narrative"

"Like I said I'm not the right person to answer that-"

"Ako rin," putol ko sa sinasabi nya. "I'm also not the right person for you to kidnap?"

Inimphasize ko ang 'you' dahil ayaw nya na nandadamay ako ng iba kaya ibunton ko sa kanya ang lahat.

"Kung may kunsensya ka, sagutin ang mga tanong ko kung bakit nagawa mo ito sa akin at baka maintindihan kita. Baka kaya kitang unawain sa ginawa mong ito sa akin. Kung hindi mo kayang ipaliwanag ang lahat ng ito? Pakawalan mo nalang ako at iisipin ko na panaginip lang ang pangyayaring ito...na magkaharap tayo ngayon. Kaya ba nilipat mo ako ng lugar dahil natunugan na kayo ng pamilya ko? Hindi mayaman ang parents ko at kung ang paglaya ko ay pera ang kapalit ay gugustuhin ko na manatili sa poder mo kesa magsayang ng pera ang mga magulang ko at ibigay sayo"

Pagkasabi ko no'n ay tinalikuran ko na sya at nagpatiuna na pumasok sa loob ng bahay nya. Dumiritso ako sa kwarto na kung saan ako nagising kanina.

Gusto ko pa sanang tumagal doon sa parola kaya lang ay nilapitan ako ng kidnapper ko at bwisitin lang. Gayong andito kami sa isolated na lugar na 'to ay ano ang gagawin namin dito?

Magbahay bahayan?

Maganda ang lugar at gusto ko sanang makita ito ng mas maliwanag dahil nasisiguro na maganda ang paligid ng bahay.

TEARS OF LEAFWhere stories live. Discover now