Slow headed
MIKI POV.
I bowed my head as low as I can when I saw a bunch of teenager not far to the way I'm walking at. I was undecided but I choice to continue when I realize that they will stay there. How I wish that my mother let me go to school too early. She doesn't allow me because she know I will be alone waiting at my professor and classmate to come.
I'm comfortable with that but my mother doesn't want that. She want to see some change at me. The change I cannot start. She want me to socialize but how? I don't know how. No one didn't teach, and they say that I should do that. I'm teenager and not a kid anymore but I couldn't just do something that I'm not used to.
Yes, I do want to have friend, like what my family wants me to have. I do I understand them. I did what I they want. I did it before but it doesn't turn out good.
How could I do the same thing if that thing is the reason why everyone doesn't like me as their friends now?
"Hi, Miki."Ganon na lang ang aking gulat nung may tumawag sa akin. Inangat ko ang aking paningin at ganon na lang ang paglaki ng aking mata nung makita kung sino iyon.
"K-Kenneth,"Kenneth is popular here because of his charm and good service in school.
"Nahihiya ka pa rin ba sakin?"Tanong nito at tila natatawa na naman sa reaksyon ko. Hindi lang naman kasi ito ang unang pag-uusap namin pero hindi ko pa rin maiwasan na magulat. He's my crush, paano ko masasanay na kinakausap nya na ako after a year of being his secret admirer.
"Ano...Hindi lang talaga ako komportable. Pasensya."Pag-amin ko. Hula ko ay namumula na naman ang aking pisnge dahil ramdam ko na ang pag-iinit nito. Hindi rin ako makatingin sa kanya. Naiilang ako pero kinikilig din ako.
Hayz, Kenneth. Ano ang ginagawa mo sa akin?
"Sorry, masyado pala akong malapit. Hindi ko napansin."Saad nya naman at bahagyang lumayo sa akin. Ngumiti at tumango ako. Doon lang ako bahagyanh nakahinga nang maluwag.
"May kailangan ka ba?"Tanong ko na lang. Hindi ko talaga kayang tumingin sa kanya nang deretso.
Nanlaki ang aking mga mata at napaangat ang aking tingin sa kanya nung may inabot sya sa akin na paper bag. Wala sa sarili ko iyon kinuha.
"Pwede bang pakibigay to kay Kristen? Kaklase ka naman nya hindi ba?"
Nakasimangot akong tinitignan yong paper bag habang naglalakad ako patungo sa silid ko. Napakabait nga naman talaga ng tadhana, ako pa ang ginawang daan ng taong nagugustuhan ko para ibigay ang nais nya sa taong nagugustuhan nya.
Masikip man ang aking dibdib pero tinanggap ko iyong pabor ni Kenneth. Ayoko rin naman kasing isipin nya na nasasaktan ako. Una sa lahat ay may karapatan na syang gawin yon. Pangalaw, nito lang kami nagkakilala.
Huminga pa ako nang malalim bago ko pinihit yong doorknob at panay ang aking paglunok habang tinatahak ang daan patungo sa upuan ni Kristen.
"Kristen,"Tawag ko kay Kristen at naiilang man ay kinalabit ko ito. Nakasuot kasi ito nang headphone kaya sa aking palagay ay hindi ako nito narinig.
"What?"Mataray nitong tanong habang magkasalubong ang kanyang mga kilay. Sa reaksyon nya man ay nais ko nang umatras pero alam ko kung ginawa ko yon ay lalo lang sya magagalit sa akin.
"P-pinapabigay lang."Sagot ko at inilahad sa kanya yong paper bag na pinabibigay ni Kenneth. Kinuha nya yon ng iritado.
"Nino?"Tanong nito habang ang tingin nya ay nasa loob ng paper bag.
"Ni...Kenneth."Sagot ko habang nakayuko.
"What the h*ll! Nanadya ka ba?!"Sigaw nito kaya napaangat ang tingin ko sa kanya ngunit ganon na lang ang gulat ko nung ihagis nya sa akin yong paper bag. Bahagya akong napaatras sa takot.
![](https://img.wattpad.com/cover/382851334-288-k866967.jpg)
BINABASA MO ANG
MIKI HELA DELOS REYES
Novela JuvenilMiki hela delos reyes is one of the introvert person in her class. I know, how hard she been through everytime there's a groupings and every vacant time and I know, she thinks she's left out sometimes. We can't blame her. Even how many times we deny...