CHAPTER 6

0 0 0
                                    

Soldier

Nakayuko ako habang naglalakad papasok kahit nasa gate palang ako at kahit kaunti palang ang taong narito...

"Sya yong magnanakaw."

Araw-araw simula nung nangyari iyon wala silang pinalagpas na oras na hindi nasasabi iyon sa tuwing nakakasalubong ako.

"Tago nyo na bag nyo, nakawan pa kayo nyan."

Wala man sila sa pangyayari pero dahil sa issue na iyon ay para bang naging kriminal ako. Kahit alam ko sa sarili ko na hindi ko ginawa ang sinasabi nila. Hindi ko pinaglaban ang sarili ko, hinayaan ko sila dahil iyon ang tingin kong tama, at saka wala akong ebidensya para mapatunayan ang sarili ko.

"Bakit pa ba yan narito?"

Sa totoo lang, wala rin naman silang makatao na nagawa sa akin.

Mula pa noon.

Pinapahiya ako sa tuwing nagsasalita sa harapan. Pinagtatawanan at inaasar kahit kita namang hirap lang ako magsalita sa harap ng mga tao. Tinatawag na 'mahina', 'b*bo' 't*nga' dahil hindi ko lang mailabas ang aking nalalaman sa takot na mahusgahan.

Sa tuwing kumakain na mag-isa imbes na tabihan at samahan, tinatawanan pa at tinatawag na 'lonely'. Ganon pa man, mas masaya naman talaga akong mag-isa. Kung tahimik lamang ang aking paligid at walang mga mapanghusga na tao.

"Sya yon?"Iyon ang bumangad sa akin pagkapasok ko sa aking silid.

Dahil sa kuryusidad ay palihim kong sinilip ang cellphone ng kaklase ko. Nanlaki ang aking mga mata nung makita ang laman non.

Yong video...

Mabilis akong umupo sa upuan ko. Hindi ko na nalapag ng maayos ang aking bag sa pagmamadali na mabuksan ang aking cellphone.

Nanlalaki ang mga mata at napaawang ang aking bibig. Tila ba ay tumigil ang mundo ko nung makita ko ang laman ng gc naming magkakaklase.

Kung noon ay patungkol sa akin iyon, ngayon ay iba na.

"Si Annalid yong naglagay ng funds ng dispenser sa bag ni Miki?"

Yes. It's was Annalid all this time. I don't know why but I'm sure she have valid reason.

Tila ba naglambot ang mga kamay ko kaya kusa iyong bumagsak sa hita ko.

Paanong kumalat ang video na iyon? Ganong nasa akin ang video na iyon.

"Guys, wala si Prof pero may pinapagawa sya."

Tila tumigil ang oras. Namalagi ang nakakabinging katahimikan habang ang tingin ng lahat ay nasa taong nasa harapan.

Na kay Annalid.

Nalilito ang kanyang mukha habang hawak nya ang isang libro dahil sa naging reaksyon namin.

"Ano meron?"Tanong nya puno nang pagkalito ang kanyang boses.

Hindi nya pa alam.

"Stop acting like innocent, Annalid. We all know your play now."Nilingon ko ang nagsalita at nagulat ako nang makitang si Kristen iyon.

"What do you mean?"Tanong ni Annalid. Tinabingi lamang ni Kristen ang kanyang ulo at pinakita ang kanyang cellphone. Nakasarado iyon pero ganon pa man ay tila nakuha na ni Annalid ang ibig nyang sabihin. Kaagad n kinuha ni Annalid ang kanyang cellphone.

In that video, makikita ang pagkuha at paglagay nya nang envelope sa bag ko na nakalapag lang sa sahig. Doon ko kasi nilalagay madalas ang bag ko dahil masisikipan ako sa upuan ko. Ang video na iyon ay kuha mula sa likuran ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 09 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MIKI HELA DELOS REYESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon