Kabanata 1

0 0 0
                                    

Kabanata 1

Pag-uwi ko ng bahay ay naaninaw ko na roon yung mama ko sa sofa na abala sa pagnguya ng popcorn.

"Oh, ang aga mo namang umuwi. Nagcutting ka na naman!" Aniya sa 'kin habang nakatingin sa telebisyon.

She's watching a comedy-drama, hindi man inaalis ang kanyang tingin doon. Hindi ko nga alam kung bakit siya ang pinili ni dad. Parang pera lang naman ang habol niya sa daddy ko.

Umirap na lamang ako sa kanyang sinabi.

"Celestia! I am talking to you. You probably rolled your eyes on me." Paglingon ko ay lumingon rin siya sa 'kin.

"Stop talking to me. Learn not to cross the boundary."

"Wala ka talagang modo."

"Yep, just like you." Pinilig ko na ang aking ulo.

"Isusumbong talaga kita sa daddy mo."

"Do what you want to do! Iyan naman ang palaging ginagawa." Hindi ko na rin siya nilingon pa at nagpatuloy na lamang maglakad hanggang sa nakarating ng silid.

I really hate her. Sa tuwing naiimagine at nakikita ko ang mukha niya para talagang kumukulo yung dugo na dumadaloy sa buong sistema ko.

Nagbihis na muna ako. It is fit long sleeves that wrap around with my top body at Isa namang shorts na khaki na bagay lamang sa aking sout na damit ang aking pinili. I tie straight long hair in a ponytail. Kinuha ko naman yung cap ko na nasa small table saka sinout ito. Hindi naman mahirap, pinadaan ko lang naman yung ponytail ko sa butas ng sumbrero.

Pagkababa ko ay wala na doon yung mama ko. Buti na lang, sana lumayas na yun ng tuluyan. Mas maging masaya talaga itong buhay ko.

Nakangiti pa akong naglalakad na para bang bata na binigyan ng one hundred pesos pambili ng laruan at lollipop.

"Oh, saan ka na naman pupunta? Gagala ka na naman." Nawala agad yung ngiti ko.

Epal, akala ko nabagok yung ulo niya at naisipang umalis.

"Just let me do my thing and I'll let you do yours. Okay po?" I said in a nice tone saka lumabas na agad.

Kinuha ko ang aking bisekleta sa parking lot namin saka lumabas na ako sa gate.

Subdivision itong sa amin. May mga kahoy rin naman kaya hindi masyadong mainit. Nakakatulong ito sa ekonomiya upang hindi masyadong tumaas yung heat index. Pansin niyo kapag walang mga puno sumusobra yung init na maramdaman natin. Ganoon rin kasakit na makita siyang nasa piling na ng iba.

HAHAHA CHARIZ! biro lang!

Gusto ko talagang mapag-isa. Gusto ko sana mag apartment na lang at maghanapbuhay mag-isa habang nag-aaral pero hindi pumapayag si Daddy dahil kaya niya raw akong buhayin at pinapahirapan ko lang ang sarili ko.

But the fact is, I wanna live on my own dahil gusto ko rin ng mapayapa na buhay. Not like this.

Ninamnam ko na lang yung sarap ng hangin habang nagbibisekleta. Ito talaga yung paborito kong eksena sa buhay.

Nakarating na ako sa Isang basketball court. Dito naglalaro iyong mga taga subdivision, lalo na kapag may dayo at pustahan ng pera.

Matapos kong malagpasan ang court ay sa kalagitnaan ng aking pagbibisekleta naaninaw ko iyong pamilyar na lalaki. Parang siya yata yung tumulong sa akin kanina ah.

Dahil sa nakatutok ako sa kanya ay nawalan ako ng balanse.

May bato! Takte!

"Aw.." Napadaing ako ng mahina dahil sa sakit ng pagkadapa ko. The fuck, nagkaroon pa ako ng sugar sa tuhod at palad.

Ayan kasi tingin ng tingin!

Nilapitan ako nung lalaki. Kahiya talaga, naging lampa pa.

"Are you okay?" He said in a gentle way.
Tinulungan niya pa akong makatayo.

"Don't touch me." Ani ko saka dinistansiya niya na lang ang kanyang kamay upang hindi makalapat sa akin. Para bang handa siyang sumalo sa akin sakaling mawalan ulit ng balanse. Pinagpagan ko naman yung sarili ko.

"We'll treat your wounds." Napatingin ako sa kanya habang dinahandahang pagpagin ang sarili.

"Ayos lang, malayo lang naman to sa bituka." Tinayo ko naman ang aking bike.

"You're the one I met lately right?" He asked.

"Oo." Medyo nahihiya ko pang sabi. "Ngayon ko lang alam na taga dito ka rin pala. Bago kayo dito?"

"Uh, yeah. I just transferred school. I guess we are on the same school."

Teka, bakit ba ako nakikipag-usap sa Isang 'to? Hindi naman ako friendly. Sa room nga hindi ako nakikipag-usap sa mga lalaki dahil mga weirdo, mga walang respeto.

Siguro dahil kakaiba ang Isang 'to. Masyadong mabait at magalang.

"Are you sure you didn't want to treat your wounds?" Tanong niya ulit.

Pinasadahan ko naman ng tingin ang bahay nila.

Parang gusto kong pumasok ah.

Iba yung desinyo ng bahay nila kesa sa amin.

Sa huli ay pumayag ako na gamutin niya ang sugat ko sa tuhod at palad. Hinugasan ko pa nga itong sugat ko bago maupo sa kanilang sofa.

"Where's your parents?" Tanong ko sa kanya habang tumingin sa paligid ng bahay nila.

Naaninaw ko kasi yung mga frames na nakasabit.

"They are in hospital." Dumapo naman ang aking tingin sa mga libro, nakalagay malapit sa telebisyon. They are in hospital 'cause their profession is.. "Doctors. My parents are both doctors."

Hindi na ako magtataka dahil sa maraming libro na nakita ko.

"Your parents look familiar." Ani ko.

"Really?" Kinuha niya naman yung bulak at alcohol.

"Parang I've seen them somewhere." Parang nakita ko na talaga hindi ko na masyadong naalala. "Aw, what the fuck..." Mura ko nang malapat na sa sugat ko na nasa tuhod ang alcohol. Tumigil naman siya. "Sorry, it's just hurt."

"I understand, I'll be gentle." Pinahiran niya ito ulit ngunit ngayon ay hinipan niya na.

As if we were close friends. Feeling ko naman prinsesa ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 18 hours ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sleeping Beauty Where stories live. Discover now