Nyckolette POV
Nakauwi na ako sa bahay. Si Fern na ang naghatid sakin dahil si Jarren ay nagbabantay sa kapatid nya na tulog. Gusto nya sana na sila ni Chase ang maghahatid pero nakatulog na ang bata.
Pagkarating ko ay may sasakyan sa labas ng bahay kaya nagulat ako.
Dali-dali akong pumasok sa bahay at nadatnan ko sina Mama at Papa kasama si Klent na may kausap na magandang babae na may nakatayong dalawang bodyguard sa likod nila.
Napatingin sila sa akin habang ako naman ay nasa pinto.
“Ma, anong meron?” tanong ko sa kaniya at umupo sa tabi nya.
Galit ang mukha ni Mama at ganun din Papa. Si Klent naman ay nakatitig ng masama sa babaeng kaharap nya.
“Is that Nyckolette? Oh she's grown already,” nakangiting sabi nito at akmang lalapit pero pinigilan sya ni Papa.
“Umuwi kana, Nimfa. Wala nang dapat pag-usapan,” galit na sabi ni Papa.
Tumayo ang babaeng Nimfa ang pangalan at ngumiti sakin tapos tumigin sa magulang ko.
“You cannot hide everything because in time, truth will be revealed, ” naglakad na ito at sumama naman ang kaniyang mga bodyguards.
Tumigin ako sa magulang ko na parang galit.
“Ma. Pa. Ano yun? Sino yun? ” tanong ko sa kanila pero walang sumagot.
Bumuntong-hinga nalang ako at tumayo.
“Magbibihis muna ako. Kakapagod.” I don't want to upset them kaya hindi na ako nagtanong dahil parang wala naman silang balak magsalita.
Nagbihis lang ako at lumabas na para magluto pero andon na si Mama sa kusina kaya tumulong nalang ako.
***
Mabilis natapos ang pagluluto namin kaya kumain na kami.
“Okay lang kayo? ”pambabasag ko ng katahimikan.
“Wala ito anak. Kumain lang kayo. Pagod lang sa trabaho, ” sagot ni Papa kaya tumango nalang ako.
Natapos kaming kumain kaya pumasok na ako sa kwarto ko para magpahinga.
Wala namang pasok bukas kaya pinili ko munang mag aliw sa Instagram ko.
***
Nagising ako ng maaga dahil maglalaba ako ng damit ko. Mamayang 1PM pa naman yung celebration ni Chase kaya maglalaba muna ako at gagawa ng dapat kong gawin.
Mga bandang 10AM ay sinundo ako ni Fern para daw bumili ng regalo kay Chase kaya sumama nako.
Hindi muna kami nagbihis dahil matagal pa naman yung oras baka ma stress pa kami.
Nang makarating kami ay pumili na ako ng bibilhin. Isang terno na damit ang napili ko at laruan at pinabalot ko na rin ito.
Mga 12 na kaming nakarating kaya naligo na ako at nagbihis nh simpleng dress.
Baka mamaya ay maraming tao, hindi ko naman gusto na hindi kami presentable sa mukha namin.
Habang nakasakay kami ay nag-uusap kami ni Fern. Sinundo nya ako at pinagpaalam kay Mama kaya napapayag naman.
“Gwapo kaya kuya ni Jarren? Gwapo si Jarren eh, feel ko pogi din kuya nya,” sabi ni Fern sa akin.
“Maglalandi ka naman tapos sa kuya pa ni Jarren. Patay ka dun, ” sagot ko naman at tumawa naman sya.
“Gaga ang judgemental naman. Gusto ko lang malaman kung pareho ba silang pogi no, ” sagot naman sakin.
“Mama mo, sinong niloloko mo Fernando? ” sarkastikong tanong ko.

YOU ARE READING
THE RED STRING THEORY ( BOOK 1)
RomansaIf you have to choose between love and career, what would you choose and why? Sobrang lawak ng mundo pero naniniwala ako na kapag para sayo, mawala man ito ay babalik at babalik pa ito sayo. I was once believed that when it is for you, hindi iyon ma...