PROLOGUE
Alin ang mas masakit?
Ang iwan ka ng taong mahal mo dahil may mahal na syang iba?
O ang taong mahal nyo ang isa't isa pero kailangan nyong maghiwalay?
Hindi ko alam kung alin ang mas masakit.
Parang pareho lang naman diba?
Pareho ka nilang iiwan.
Iiwanan ka nilang magisa.
May mga pangarap kayong nabuo.
May mga pangako sa isa't isa.
Yung mahal mo na nagsabing:
"Hinding hindi kita iiwan kahit anong mangyari."
Ngayon iniwan ka na.
At yung taong nagsabi ng:
"Ipaglalaban kita."
Ngayon sumuko na.
Tama sila. Promises are meant to be broken.
Pero sa istorya kong ito, I will never break my promise to the one I love,
Even if he's THE ONE THAT GOT AWAY.
(Author's Note: It's my first time to write a story. ^^, Sana tulungan nyo ko maimprove ang writing skills ko. I just tried it. There's no harm in trying naman diba? Anyway, I was inspired by SGwannaB. I really love her story She's Dating The Gangster so I decided to have my own. I hope you'll like the Prologue. ^^,)