Dedicated to one of my admired authors. :))
“Sige mauna ka na.”
Tutal, si Eli nalang din ang nagsabi na mauna na akong magsalita, edi okaaaaaaaay.
“Bakit... uhm, bakit ka pala bumalik?”
Sobrang curious ako sa dahilan nya. Kasi naman diba, sa tinagal tagal na ng panahon, ngayon pa nya naisipang bumalik. Teka, baka naman hiwalay na sila ng babaeng nabuntis nya?! Sabi na nga ba e!!!! Wala talagang nagtatagal pag ganun ang nangyayari.
“Sorry Tel. Alam kong nasaktan ka dahil sa mga nalaman mo. Alam kong nasaktan kita. I’m so sorry.”
“Hindi yun yung tinatanong ko. Tinatanong ko kung bakit ka pa bumalik.”
Alam kong ang pangit ng approach ko sa pagkakatanong. E kaso, hindi ko na mapigilan e. Naiinis ako na ewan.
“Bumalik ako para sayo. Para balikan ka at ibalik ang mga nawala.” Seryoso nyang sabi.
Tumawa ako. Ano to, lokohan? Hahahaha! Hindi na ako magpapauto ngayon.
“Hoy Eli, wag ka nga mag-joke. Ang corny. Di ako natawa.”
“Seryoso ako sa sinabi ko Tel. I’ll do everything to win you back.”
What the heck?! Nababaliw na ba to?! Anong drama nya ngayon na win back win back!!!! Sarap sapakin!!!!!
“Tigilan mo nga ako. That’s impossible! Hahaha! After what you did? Isa pa, may anak ka na! Maawa ka nga sa anak mo.”
“Hindi ko sya anak. Wala akong an—“
“Jusmiyo! Pati anak mo dinedeny mo. Mangilabot ka nga! Ginawa mo yan tapos ngayon tinatalikuran mo? I can’t believe you!! Akala ko pa naman responsable kang tao.”
Sheeez. Nahighblood ako sa kanya. Ideny ba naman daw ang anak nya? Nababaliw na nga sya!!
“Hindi mo ko naiintindihan Tel. Hindi ako ang nakabuntis sa kanya. Si kuya talaga ang ama nung bata, kaso dahil tinaguan ni kuya, sa akin ipinaako yung bata. Hindi ako gagawa ng bagay na ganun. Sayo ko lang yun gagawin kapag kinasal na tayo. I’m sorry. Alam kong nasaktan ka. Wala kasi akong nagawa. Isa pa, diba may sakit si mama, kaya naubos yung savings ni papa. Isinanla namin lahat ng pwede naming maisanla. Pati phone ko, kaya hindi na ako nakapagtext man lang sayo.”
Nagulat ako sa mga sinabi nya. Totoo kayang hindi talaga sya ang nakabuntis??? E sira ulo pala to e! Hindi naman pala sya yung nakabuntis e bat nya inako yung bata! Kainisssss!!!
Ano yun?! Parang nabalewala lahat ng sakit na naramdaman ko. O baka naman nagdadahilan lang sya? Pero mukha namang hindi e. “-.-
“Ugh. Kumain na nga lang muna tayo. Nawindang ako sa mga sinabi mo.”
At ngumiti sya. My weakness. Huhuhu ;( This is so unfair. Bakit sa isang ngiti nya lang... nawawala lahat ng inis ko.
At ayun nga, pagkatapos naming kumain, naglibot-libot muna kami. Pumunta kaming Quantum at niyaya syang mag’Dance Craze.
Parang bumalik lahat sa dati. Yung mga ginagawa namin nung bago pa sya umalis. Namiss ko sya sobra. Kahit ba nagulat ako sa mga nalaman ko ngayon, parang okay lang. Agad ko namang natanggap.
Dahil na rin siguro mahal ko pa sya. Hindi ko naman maitatanggi yun. Pero hindi naman ibig sabihin nun na kami na ulit no.
Parang napakagandang graduation gift naman nito sa akin. Ang taong dahilan kung bakit ako nagtagal sa highschool, kasama ko ngayon.
Masaya kami kahit hindi kami gaanong nagsasalita. Masaya ako, aminado naman ako, dahil sa tinagal-tagal ng panahon, ngayon ko lang sya nakita ulit.
Gabi na nung naisipan naming umuwi. Hinatid nya ako sa amin. Pagdating sa bahay...
“Kanina ka pa namin hinihintay. Bat ngayon ka lang?” Si Kuya Kean yan. Pinaka’close ko sa mga kapatid ko.
“Sino sya?” Si Kuya Migs naman. Pinakamatanda samin.
“San kayo galing?” “At bakit kayo magkasama?” Sina Kuya Jugs at Yael naman yang mga yan. Ano ba yan, nagroll call ako. Anong trip ng mga kapatid ko at kanya kanyang dialog sila?
“Wow ha. Pinagpraktisan? Ikaw Kuya Ted, wala ka bang itatanong?” sarkastiko na sabi ko.
“Wala na. Naitanong na nila lahat e. Hahaha!”
Baliw talaga. Sila nga pala ang mga kapatid ko. Well, ako ang bunso kaya prinsesa ako. Kahit na rebelde ako, di sila natinag sa pagiging strict saken. Sila ang tumatayong tatay ko kaya ayan, ang dami kong tatay na sumalubong sa akin.
“Mga itay, tayo na’t magsipasok at mamaya nalang kayo magtanong.” Sabay akay sa kanila papasok.
Si Eli naman, tinignan nina Kuya sign na pinapaalis na sya. Grabe talaga tong mga to. Isa pang dahilan to kung bakit di ako nakapagboyfriend nung umalis si Eli e.
Pagpasok namin sa bahay, may mga nakahandang pagkain. Aww. :”) Pinaghanda nila ako. Akala ko kasi hindi ako maghahanda e. Teaaaars. TT Hahaha!
“Pabs, sino yung kasama mo kanina? Manliligaw mo ba?” Kuya Ted.
Ugh. I forgot to inform you guys na my kuyas and I are calling each other “Pabs”. You know. Some kind of endearment. :D Hindi naman kasi magkakalayo ang mga edad namin. At isa pa, I’m one of the boys.
“Kaibigan ko lang Pabs. Wag assuming.”
Nakakatawa talaga mga kuya ko. Kung kita nyo lang mga reaction nila, nako. Laughtrip. Hahaha!
“Talaga? Siguraduhin mo lang.” Kuya Migs. Tss. May mas kukulit pa ba sa mga to?
“Oo nga—“
“Saaaab! – Hi Kuys!” Guess who?