“Saaaab! – Hi Kuys!” Sino pa nga ba yan kundi si Aris.
Oo nga pla. Sabi nya kanina pupuntahan nalang nya ko dito. Sigurado namang makikitsismis lang to e. Hahaha!
“Oh Pabling! Kain ka na.” Kuya Yael. Kaclose din nina kuya si Aris at dahil Pabs ang tawagan naming magkakapatid, ganun na din sa kanya, Pabling nga lang. Hahahaha! Matagal ko na rin kaseng bestfriend yang si Aris. Sa sobrang tagal, parte na rin sya ng pamilya. So, sya ang pang’anim kong kuya.
“Ano ba yan. Ba’t sya Pabs niyayaya nyong kumain tapos ako hindi?! Favoritism!!!” Walangya. Kanina pa ako dito pero hindi man lang nila ako pinagsisilbihan. Hindi ako niyaya man lang! Mga lapastangan! Graduation ko pa naman ngayon tapos... ><
“Sus! Ikaw pa Pabs? Kakain ka naman kahit hindi ka namin niyayaya e. Hahaha!” Kuya Jugs. Bwiset. Alam ko naman yon pero... “-.- Kahit sana ngayon lang prinsesa naman ako ples.
“Heh bwiset! Tara kain na tayo mga Pabling.”
“Sab, mamaya nalang tayo kumain. Ipapakita ko muna yung regalo ko sayo.” May regalo sakin si Aris?? Shet. Shet!!!! Naexcite ako. :)))))
“Oyyy Pabling. Anong klaseng regalo yan ha? Baka naman... Hahahahaha! Wag mo munang bubuntisin yan ulol!” Gagong Kuya Migs. Kung ano anong iniisip!! Nakakahiya shet.
“Oy ka rin Kuys. Baka ako pa nga mabuntis nito e. Hahahaha!” Aba! Talaga namang!!!!
“Oy mga Pablito! Tigilan nyo nga ako. Tara na Aristotle!!!”
Lumabas na kami ng bahay. Dala pala ni Aris ang motor nya kaya ayun ang sinakyan namin papunta kung saan man.
“Aris san tayo pupunta?” Curious ako kung saan nya ako dadalhin. Hihihi! Excited na ako sa regalo nya! ♥
“Secret no clue. :P” Kainis to. May pasuspense pang nalalaman.
Hanggang sa nakarating kami sa lugar na parang studio. Ay teka, studio talaga sya. *.* Sheeeeet! Pangarap ko to eeeeeeh! Yung makaperform sa isang studio. Shet it is. Shet lang talaga.
Nauna ng pumasok si Aris habang ako ay amazed parin dahil alam ko kung anong gagawin namin dun. Mahal ko na talaga si Aris!!!! Hahaha
“Sab pasok ka na dito!”
At pumasok na nga ako. Pagpasok ko, merong parang mini stage tapos merong acoustic guitar, may bass, merong keyboards, drums, at beatbox. Gustong gusto ko talagang naggguitar so yung acoustic ang kinuha ko. Sya naman sa beatbox.
Nagkatinginan kami tapos... CONCERT NA ITUUUUUUU!
Aris:
Dati rati sabay pa nating pinangarap ang lahat
Umaawit pa sa hangin at amoy araw ang balat
Naaalala ko pa non, nag-aagawan ng nintendo
Kay sarap namang mabalikan ang ating kwento
Ako:
Lagi-lagi ka sa amin dumidiretso pag-uwi
Maglalaro ng tao-taong piso-pisong nabili
Umaawit ng theme song na sabay kinabisa
Kay sarap namang mabalikan ang ala-ala
Ikaw ang kasama buhat noon
Aris:
Ikaw ang pangarap hanggang ngayon
Duet with feelingsssss (Yung may open-close parenthesis, yun yung kay Sab. Instead of “Ikaw”, “Ako” yung kakantahin nya. Gets?) :
Diba’t ikaw (ako) nga yung reyna at ako (ikaw) ang iyong (aking) hari
Ikaw (ako) yung prinsesang sagip ko (mo) palagi
Ngunit ngayo’y marami ng nabago’t nangyari
Ngunit di ang pagtingin na kagaya parin ng..
Dararatda dati
Dararatda dati
Feel na feel namin ang pagkanta ni Aris. Hahaha! Favorite song kasi namin yan pareho. Grabeeee to! Sobrang saya ko na habang kumakanta e sagad yung smile ko hanggang tenga. Nakakatawa pa nga kami lalo na dun sa part na “Diba’t ikaaaaaaaaaw~” Hahahaha! Talagang iniwan namin yung mga instruments at nag-acapella nalang kami. Tapos arms wide open pa kami tsaka sayaw ng sayaw. Hahahaha! Grabe to. Perpekto na ang araw na to. :)))))
Tapos biglang... O.O may mga pumalakpak. Sino ang mga to?! Tae nakakahiya yung ginawa namin tapos may nanonood pala??? Bakit di ko sila nakita? Huhubels.
“Nice one Aris. Pwede nga yang kaibigan mo. Sakto, acoustic ang forte nya. Pero pwede rin sya sa vocals. Maganda ang boses. Saktong sakto sa hinahanap namin.” Guy1. What the?! Anong ibig sabihin nito??
“Aris anong meron????”
“Meron kase silang banda kaso kulang sila ng miyembro e. Saktong sakto naman na ang kailangan nila ay guitarist kaya naisip ko na isali ka. Diba pangarap mo yan? Yan talaga ang surprise ko sayo.” Wait. What?? Buffering.... Error! Shet. Di maprocess ng utak ko yung narinig ko. Totoo ba to?? Isasali ba talaga nila ako sa banda nila??
“Seryoso?!” Hindi talaga ako makapaniwala.
“Yes seryoso to. I’m offering you to be our official guitarist and one of the vocalists. By the way, I’m Jap. Drums.” Sabay pakita nya sa drumsticks. So, sya pala yung drummer.
“Sana iaccept mo yung offer kase para talaga sayo yung position. My name is Rain. Bass. :)” Hahahaha! Shet natatawa ako kay Rain. Ang cute nya kase. Ginaya nya si Rain kung pano yung sa commercial. :D
“Sakto para makasali tayo sa battle of the bands. Masaya to promise! Ako pala si Ken. Keyboards.”
“Oo nga. Mag-eenjoy ka dito. I’m Evans. Pinsan ni Aris. Lead Vocals.” Shemaaaaaaay. Makakatanggi pa ba ako?? E ang cool ng mga to. Bakit hindi sinabi agad ni Aris na may pinsan pala syang nagbabanda!! Edi sana agad akong nakapagmove on kay Eli. Hahahaha! Ngayon ko lang kasi nakilala si Evans e.
“Syempre sasali ako! Dream come true to no!” At ayun, napa’Yes sila. Kung alam lang nila kung gaano ako kasaya. Hinanap ko si Aris at syempre hinug ko sya super tiiiiiiiight!
“Thank you Bestfriend. Sobrang napasaya mo ko! The best ka talagaaaa!!”
“Syempre basta ikaw. Lakas mo yata sakin. :)” May mas sasaya pa ba sa araw na to? Napakaperfect kase e. :)) One of the best days so far. :")
