Chapter 2

0 0 0
                                    

SIMULA PAG GISING HANGGANG NGAYON TANGHALI nakatutok siya sa laptop na pinahiram sakanya ng kaibigan, naghahanap lang siya mapapasukan na trabaho. Pero kada pindot niya sa mga qulipikado ay puro kailangan may experience lamang ang tinatanggap.

"Girl I need to work!" Sigaw ni szane "nag iwan ako ng money sa tabi mo, buy every you can or you want" habol niyo at  nagmamadaling umalis

Hindi niya pinansin ang kaibigan pero narinig niya ito, sumipsip siya sa katabi niyang juice at tinapunan ng tingin ang perang iniwan. Tatlong libo lang iyo pero hindi na siya nagreklamo

Ilang oras ulit ginugol niya sa paghahanap ng trabaho ngunit wala talaga siyang mahanap. Bumuntong hinihinga siya saka pinatay ang laptop. Tumingin siya sa orasan, alas sais na ng gabi ngunit hindi pa rin siya nakakaramdam ng gutom.

Pumunta siya sa pantry para maghanap ng chichirya at soft drinks ngunit konti na lamang iyon ang iba ay bukas na o tira-tira na lamang. Tumingin siya sa paligid, ngayon lang niya napansin na parang walang laman ang apartment. Mukhang matagal na ang last grocery ng kasama.

Hindi na siya nag-ayos at kumuha nalang ng susuotin na jacket at tatlong libong iniwan ng kaibigan, hinanap niya rin ang susi ng kotse nito sa mga drawer.

Saka nalang niya ipag-bibigay alam na ginamit niya ang kotse nito pagkauwi.

Lumabas na siya ng apartment saka hinanap ang kotse ng kaibigan, binuksan niya iyon at binuhay ang makina. Mag-grocery siya.

KONTI LANG ANG TAO DAHIL mag gagabi na rin, nasa supermarket siya ngayon at namimili, tinitipid at binu-budget ang tatlong libo.

Hinati niya ang pera, ang kalahati ay sa pagkain at ang kalahati naman ay sa daily needs.

Habang namimili siya ay hawak niya ang kanyang cellphone, ginagamit niya bilang calculator. Kinukwenta niya lahat ng mga presyo nito para makasiguradong magkakasya.

Pagkatapos mamili ay agad siya pumunta ng cashier, maikli lang ang pila dahil na rin sa konti lang ang tao. Sumakto naman ang budget na meron siya at nagka sukli pa. Nagpasalamat siya sa kahera saka dumeretso sa food court, nakaramdam siya bigla ng gutom.

Konti nalang ang sukli, kasya lang pambili ng siomai at gulaman. Pagkatapos niya bumili ay dinala niya ang pagkain sa mesa niya. Pagkaupo at nakayuko lang siya habang tinitignan ang pagkain.

Dati ay kaya niya bilhin lahat, ngayon ay nagtitipid na lamang siya, ang bilis talaga magbago ng panahon.

Bumuntong hinihinga saka inangat ang ulo, sakto naman tumama ang mata niya sa estatwa ng babae na may kausap na bulto ng lalaki, hindi niya makita ang mukha dahil nakatalikod ang lalaki sakanya.

"Szane?" Tinitigan niya ng maigi ang babae "gaga ka, mag work daw pero nakikipag landian! Sa supermarket pa" Sambit niya sa sarili

Mabilis niya kinuha ang mga dalang gamit, dahil malamang sa malamang ang kaibigan ay uuwi na ito kahit anong oras, kaya naman uunahan na niya ito.

"GIRL I'M BACK WITH GOOD NEWS!" Sigaw ng kaibigan habang tinatanggal ang sapatos habang siya nagluluto ng hapunan "What's that smell?" Nararamdaman niya ang yabag nito na papalapit sakanya

"Omg you can cook, vien?" Tanong nito na nanlalaki ang mata na hindi makapaniwala

"Oa mo, adobo lang alam ko" sambit niya, saka pinatay ang kalan at nilagay sa mangkok ang adobo para ihain. Kumuha na rin siya ng kanin para ilagay sa mesa.

"Pwede na maging wife material!"

Humarap siya sa kaibigan at tinaasan ng kilay "wife material? Baka ikaw to maging unang wife saating dalawa"

Ginantihan din siya nito, nagtaas din ng kilay at nakapamewang pa " how did you say so?"

"Nakita kita sa supermarket with a man" pinanliitan niya ito ng mata " date sa food court?"

Umawang ang bibig nito at tinapunan siya ng nakakalitong tingin "what?"

Wife for hireWhere stories live. Discover now