PUBLIC SPEAKING: PART 2 NA 'TO

4 1 0
                                    

Akala mo tapos na? Ate, umpisa lang yun!

Dito na mag-uumpisa ang piligro, at ang suntukan namin ni FEAR... *Hehehehe

Syempre, as a student ng Muntinlupa Business Highschool - MAIN

(ahh! ang yabang ni self ah)

Hindi mawawala ang super duper iconic na "BUSINESS PROPOSAL THESIS DEFENSE"
Ang horror sa buhay ng mga gr10 student sa Muntinlupa Business Highschool 

Binigyan kami ng panahon para makapaghanda, sobra-sobra pa nga, parang may extra time pa para mag-bakasyon; makakapag-bora pa kami be!

Grabe, 2months ang binigay sa amin para mag-ready, kasi ang dami naming kailangang i-ready, parang nag-a-assemble kami ng rocketship! CHARING~

Marami kasing kailangan talaga, tulad ng presentation, script, product, mga sagot sa tanong nila, research tungkol sa product, analysis, pati na rin ang susuotin namin, business plan, at marami pang iba.

Sa dalawang buwan na 'yon, nag-practice kami ng bonggang-bongga, at sinikap kong i-prepare sila ng todo. Kasi, 'tong business proposal ang magiging ticket namin sa pag-graduate, at kung di namin 'to natawid, see you next year ulit sa Grade 10!

Eto na 'yung araw ng defense, 'yung araw na nagsusuntukan na kami ng malala ni FEAR at parang gusto ko s'yang kurutin sa singit talaga.

Pero ayun, nag-back out ako, nanalo nanaman si FEARablelable.

Parang sirang plaka lang, puro palusot.

"May sakit 'yung pusa ko."

"Bukas nalang tayo mag present"

"Kinain ng aso ko 'yung laptop ko."

*Hala! Laro ka ate, babagsak talaga be

 
Pero super sad ko ng araw na ito, kasi nanalo nanaman si FEAR.  Andami n'ya bulong, ie. 

"Hindi mo yan kaya."

"Magmumukha ka lang tanga"

"Mas mabuti pang magtago ka na lang." 

Hay naku, ang galing n'ya mag-brainwash, eh.  HAHAHAHAH...
Siguro next time na lang ako mananalo sa laban na 'to.

And then  Ma'am Cueto (yung teacher ko na laging supportive) nakita n'ya na natatakot langako, and napansin n'ya na nagrarason lang ako... So she chatted me.

"Kaya mo 'yan Neng, wag kang matakot"

Tapos binigyan n'ya ako ng isang simple pero powerful na advice:

"Instead of staring at their eyes, look at their foreheads."  Simple but super powerful. 

Kasi, 'di ba, parang nakakatakot kung nakatitig ka sa mata ng mga tao. 

Para kang nakikipag-eye-to-eye battle! Tapos para ka nilang hinuhusgahan!

Pero 'yung sa noo, chill lang, parang nakikipag-usap ka lang sa isang pader.

The day of the defense arrived, and I stood there, at sobra sobra ang kaba, but this time, I held my ground.

Ate, sa noo nalang talaga nakatingin and blur na ang lahat. I start our presentation by greetings. my voice, though still shaky, and si FEAR na hindi matigil

"Tinatawanan ka na nila"

"What if pagbaba mo ng podium nadulas ka? HAHAHAHA!"

But!

I passed. We made it. I did it.

Hindi dito nagtatapos ang journey.  Lagi lang and'yan si Fear, 'yung ultimate party pooper ng buhay ko, ultimate basher ng mga ginagawa ko. 

Parang anino lang s'ya na nagtatago sa mga sulok ng isip ko, bumubulong

"Hindi mo kaya 'yan,"

"Magiging tanga ka lang,"

"Mas mabuti pang magtago ka na lang." 

Pero natuto na akong kilalanin ang mga bulong n'ya, hamunin ang mga duda n'ya, at sabihin sa kanya,

"Hoy! FEAR, wag kang feeling!  Mas malakas ako sayo!" 

Kasi natuto na ako na si Fear, isang boses lang s'ya, isang bulong, isang anino.  At ako?  Ako 'yung bida ng buhay ko, at mas malakas ako kaysa sa anumang anino.

Ba't Ka Takot?Where stories live. Discover now