c h a p t e r t w o

0 0 0
                                    


Nasa canteen kami ngayon nina Jino at Sam. Maliit lang ang circle namin dahil simula high school ay magkakilala na kaming tatlo.

Si Sam Quezon Lopez ay naging kaklase namin ni Jino noong malapit na kaming magtapos ng high school. Lumipat siya dahil na-kickout siya sa dati niyang paaralan matapos niyang saksakin ang kaklase niyang lalaki. Ang kwento, hinarass siya ng kaklase niya kaya tinusok niya ito ng ballpen sa mukha, at dinala ito sa ospital dahil bumaon ito sa pisngi.

Mayaman ang pamilya ni Sam; ang daddy niya ay may-ari ng isang malaking liquor company sa Pilipinas. Kaya noong nalaman ng daddy niya ang nangyari, idinemanda nito ang mga magulang ng kaklase niya. Dahil minor de edad ang lalaki, hindi ito nakulong ayon sa batas.

Boyish si Sam kung kumilos, kaya madalas kapag binubully kami ni Jino, siya agad ang to the rescue. Madalas naming sabihin ni Jino sa kanya, “Ang ganda mo, pero lesbiana ka gumalaw!” Natatawa lang siya at sinasabi, "Ganon talaga ako, kaya nasanay na ako."

Sa tuwing lunch, medyo malayo kami sa mga nagkukumpolang estudyante sa canteen umuupo. Ayaw namin ng maingay at magulo. Lalo na si Sam, mabilis siyang mapikon kapag may naririnig siyang hindi maganda, lalo na mula sa ibang boys.

Hindi nga pala natuloy ang plano naming kumain sa labas dahil marami kaming kailangang tapusin sa mga majors namin. Kaya napagdesisyunan naming dito na lang sa canteen kumain.

“Ba’t hindi mo ginagalaw ang pagkain mo, Dee?” tanong sa akin ni Jino. “Kanina mo pa 'yan tinutusok-tusok.”

Iniangat ko ang ulo ko para tingnan siya, pero agad ring bumaling ulit sa plato ko.
“Wala ata akong ganang kumain,” sagot ko nang matamlay.

Hindi ko alam kung bakit, pero parang nasira ang mood ko kanina. Biglang tinapik ako ni Jino at ngumuso papunta sa kanan.

“Andyan sila Kai at ang mga barkada niya,” bulong niya na nakangiti, samantalang si Sam ay inirapan lang sila sabay sabing, “And, guess what? Kasama niya 'yung babae.”

Agad kong kinuha ang salamin ko at dahan-dahang lumingon sa kanila. Buti na lang maraming estudyante doon kaya hindi halatang tinititigan ko siya. And there he is—sitting like a model. Si Kai, na nakatingin sa babae.

Tahimik ko lang siyang pinanonood. Siguro kung ako ang titigan niya, parang ice cream siguro akong natutunaw.

(Ang hina mo talaga pagdating kay Kai, tsk, tsk, tsk.....)

Pakiramdam ko bumagal ang oras nang biglang dumako ang tingin niya sa akin. At sa sandaling iyon, dumiretso ang tingin niya sa akin—parang ako lang ang nakikita niya. Na para bang kami lang ang tao sa canteen 'yung tipong nag slow motion lahat.

Mabilis lang 'yun, pero pakiramdam ko parang ang tagal niyang tinitigan ang mata ko. Bigla tuloy uminit ang mukha ko.

“Is everything okay with you, Dee?” tanong ni Jino.

“Ah... wala naman...”

“Bakit namumula mukha mo? Masama ba ang pakiramdam mo? May sakit ka ba?” Sunod-sunod na tanong ni Jino habang tumango si Sam, mukhang nag-aalala.

“Naiihi ako, saglit lang!” sabay takbo ko papunta sa cubicle ng mga lalaki. Sakto namang walang tao, kaya diretso ako sa pinakadulo at nilock ang pinto.

‘What the f***?!’

Ano ‘yun? Bakit sa lahat ng nandoon sa akin siya biglang tumingin? Ang lakas ng kabog ng aking dibdib hindi ko alam kung ano ba talaga ito'ng nararamdaman ko sa kanya.

Hindi ko na lang iyon pinansin at umihi na ako pagkaatapos nagpunta na ako sa lababo para maghugas ng kamay. Tinitigan ko muna ang sarili ko sa salamin. Medyo nawala na ang pamumula ng mukha ko, pero ang tainga ko, mapula pa rin kaya naghilamos ako para mawala na ang init. Nang kukuha na sana ako ng tissue, biglang may pumasok.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 17 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Between The Pages Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon