Chapter 4

2 0 0
                                    

"Blind item: Señorito sa kanila pero taga buhat ko lang ngayon" I teased while recording him. Humarap naman sa akin si Franco at mayabang pang nag flex ng biceps n'ya.

 "Yabang" I rolled my eyes at him but he just laugh it off.

Sa kanan ay buhat nya ang isang box ng limang bote ng Alfonso ang laman at sa kaliwang kamay naman ay ang isang box din na mga 1.5 coke. Nilagyan nya lang ng butas ang kahon para may mahawakan s'ya sa pag dadala. Ang sabi ko kanina ay tutulungan ko nalang s'ya kahit sa coke lang pero tinanggihan n'ya lang ako kasi sayang naman daw ang pag gy-gym n'ya. 

Kakaiba din talaga ang lalaki na 'to. Akala ko katawan ang lumalaki sa gym pero itong lalaki na 'to parang ulo lang yata ang sa kanya. 

 Saktong dating namin ay tapos na din sina Chad at Wilson sa pagluluto ng specialty ng barkadahan namin na sisig. Ang ibang mga pulutan ay galing na sa staff. Wala na din kaming inaksaya na oras at nag umpisa na sa aming session. 

"Tanginang lasa talaga ng Alfonso" pagmamaoy ni Chad kahit nakaka tatlong bote palang kami ng alak. 

"Bakit p're?" Franco asked.

"Lasang I did everything naman but you still left me" napasapo nalang ako sa noo dahil sa mga lumalabas sa bibig ni Chad.

"Medyo mapait-pait nga yan par" Franco said with sympathy and moved more closer to Chad. He cupped Chad's face but using his goddamn biceps again. Akala ko ay tatahimik na si Chad pero lalo lang lumakas ang iyak nito.

"May halo naman 'yang coke pero bakit lasang still into you padin?" Atungal padin n'ya at ang walang hiyang Franco naman ay may patango-tango pa na nalalaman. 

Napatingin naman ako sa katabi ko'ng si Tati dahil sa pag abot nya sa akin ng shot glass at ang baso ng coke. 

"Katakot naman this person" she whispered while pointing at someone from her left. I looked at the person she's pointing at and saw Wilson drunkenly swaying his head while mumbling words that we can't understand. Para s'yang witch na nag ca-cast ng spell.

"All I can hear is bdishkwkenjsine" Tati said and laughed loudly. Napangiti nalang ako sa kan'ya dahil sobrang nakakadala ang tawa n'ya.

"Sasapakin kita" dinig kong pagbabanta ni Pell na sya'ng nasa harap ko. 

"Isha lang eh" nakangusong pag mamakaawa naman ni Franco habang nakikipag agawan ng plato ng sisig kay Pell. Hanga rin talaga ako sa tao na 'to kasi busy sa pakikipag agawan ang kaliwa n'yang kamay habang ang kanang braso ay mahigpit padin na nakaipit sa buong mukha ni Chad.

"Shana po Rold, b-buhay pa ako...bukas" pag-iyak ni Chad habang pilit na tinatanggal ang braso ni Franco sa mukha n'ya.

"Ikaw nalang halos ang umubos ng lahat ng pulutan!"

"Hindi kaya"

"Anong hindi? Tingnan mo nga 'yang harap mo....may plato pa talaga ng kanin- ano ba?!" at nagulat ako nang bigla nalang hampasin ni Pell nang malakas ang kamay ni Franco dahilan para mailayo n'ya ang plato ng sisig sa lalaki.

"Ang usapan, mag- iinom tayo....putangina ka! Ano to, mukbang?!" 

Nag papadyak naman si Franco at tuluyan nang binitawan si Chad. Agad namang kinuha ni Chad ang baso ng tubig at mabilis na ininom.

"N-nagiging.... ha.... ha.... religious person ako b-bigla" Chad exclaimed exaggeratedly while catching for breath. Napailing nalang ako at pinag salin na ng alak si Pell. Normal days.

Nasa kalahati na ng ika-apat na bote ng alak kami nang mag pass na ako dahil nararamdaman ko na ang tama nito sa katawan ko. Kinuha ko nalang ang cellphone ko at nag reply lang sa mga messages ng pinsan ko. I just ignored my mom's messages because I have already expected what's inside of it. Baka ma-trigger lang din ako at makapag relapse pa dito. I don't want to bother my friends.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 3 days ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Safe Place (Starlit Series #1)Where stories live. Discover now