Chapter 3

4 0 0
                                    

"Okay ka lang?" Bumalik lang ako sa ulirat nang sikuhin ako ni Wilson.

"O-oo naman...haha...bakit naman hindi?" pag dadahilan ko pero halata sa mukha ng katabi ko na hindi sya naniniwala.

"Duda ako. Kanina ka pang tulala jan tapos parang ang lalim ng iniisip mo"

"O.A ka. Antok lang ako, sira! Tulog muna ako" I said before putting on my headphones. I closed my eyes, lying sideways while the windoyw's half open para makapasok ang sariwang hangin.

Hours have passed until I hear Wilson's voice; waking me up. Nakaparada na ngayon ang sasakyan at kita kong nagtutulakan na si Chad at Pell sa labas habang si Tati naman ay nakikitawa lamang sa kanila. Napalingon ako sa likod at bahagyang napangiwi nang makitang si Franco lang ang naglalabas ng mga gamit namin.

Tatakbo na din sana si Wilson papunta kay Chad at Pell pero agad ding napatigil at napasigaw dahil sa biglaan kong paghatak sa kwelyo ng damit nya dahilan para masakal sya.

"Makikisali pa eh. Tulungan mo si Franco dun"

Wala na itong nagawa at nakanguso nalang na pumunta kay Franco. After nilang ilabas ang mga gamit namin ay may mga staff nang dumating para dalhin na sa loob lahat ng gamit.

"Ganda noh? Welcome sa probinsya namin mga alaga ko" sigaw ni Chad at umakbay pa sa Wilson na kararating lang sa tabi nya.

"Aray putangina mo! Bitaw!" Malakas na tinapik ni Wilson ang braso ni Chad dahil ang inakala naming akbay lang ay nauwi sa headlock.

"Ayos pare ah. Biruin mo, yung lugar nyo paraiso pero ikaw engkanto" pang aasar ni Franco habang seryosong nangunguha ng mga picture sa paligid.

"Manahimik ka kapre!"

"Ay kuya. Pwede nyo po ba kaming picturan?" tanong ni Franco sa dumaang staff ng resort.

Mabilis pa sa alas kwatro kaming tumakbo papunta kay Franco kahit hindi pa naman pumapayag ang staff. No choice tuloy si kuya kundi kuhanin ang cellphone at kinuhanan kami ng mga picture.

"Thank you po"

"Mamaya na ulit yan, tara na" naiinip na reklamo ni Pell at hinigit ang kwelyo ng damit sa likod ni Wilson.

"Mamamatay na yata ako" sino pa? Edi si Wilson "Jusko po! Jusko po! Nakikita ko na ang langit"

"Bubusalan ko na yang bunganga mo"

"Sino pa? Sakalin nyo nang lahat ako—Ay wait mali! Kahit si Tati nalang pala. Wag na si Franco"

"Napaka ingay" reklamo pang muli ni Pell at mas binilisan ang lakad dahilan para mabilis ding mahigit si Wilson.

"Santy, pakisabi kay mama na mahal na mahal ko sya—ugh! Tapos yung mga kapatid ko kayo na ang bahal—ugh"

Hindi ko sya pinansin at nag tuloy lang sa paglakad. Tinakpan ko nalang ang tenga ko dahil naririndi na talaga ako kay Wilson. Sigaw sya nang sigaw ng kung sino-sinong pangalan na pati na rin pangalan ng singer ay nabanggit na n'ya.

Napatigil lang ako sa paglalakad nang makapasok na kami sa napakataas na wooden gate ng resort.

"Wow"

"Wow? Mamamatay na ako, wow?!" ani Wilson at mabilis na tinanggal ang kamay ni Pell sa damit nya.

"Welcome!" buong galak na salubong sa amin nina tito at tita. Parents ni Chad.

"Mama mo Welcome!" halos lahat kami ay napalingon kay Wilson nang bigla nalang n'ya itong isigaw.

"Kupal ka ba? Ay mali! Kupal ka." paghihimutok parin ni Wilson at idinuro pa nito si Pell.

Safe Place (Starlit Series #1)Where stories live. Discover now