Aliah's pov.
" Ma, pasok na po ako " paalam ko sa aking nanay.
" Osya sige, mag iingat ka ali ha. "
bilin naman nito sa akin." Opo, kayo din po ni Aya mag iingat mamaya kapag hinatid niyo ho siya sa eskwelahan niya " sabay ngiti sa aking ina.
" Ah Ali gusto mo bang mag baon ng makakain mo? ipaghahanda kita " alok nito sa akin.
" Ah hindi napo ma, sabi din po kasi nung inenterview ako sa trabaho ko is libre po ang aming pagkain dahil sa resto naman po ang trabaho ko " paliwanag ko sa aking ina.
" Ah ganon ba osya sige lumarga kana at baka malate kapa " paalala ng aking ina.
" Ba-bye ate Ali " paalam ng aking bunso na kapatid na si aya.
" Bye Aya, galingan mo sa school mo ha? kailangan may ipakita ka kay ate na madaming star diyan sa kamay mo okay? " sabay pisil sa pisngi niya at nginitian ko ito. Tumango lamang ito.
Si aya ay Grade 1 student at ako naman ay 3rd yr college lang ang natapos dahil nung nawala si papa ay naubos lahat ng pera namin kaya tumigil muna ako sa pag-aaral para makatulong sa gastusin sa bahay.
May kaya pa kami noon nung nabubuhay pa si Daddy, lahat ng gusto namin ni Aya ay naibibigay. Dating Engineer si Daddy kaya malaki ang kinikita niya kada buwan, pero dahil sa nagkaroon siya ng sakit tumigil siya sa pagttrabaho at dun na nagsimula ang trahedya ng aming pamilya.
Pag kalabas ko ng gate ay naglakad muna ako ng limang minuto para makasakay sa terminal ng jeep.
Unang araw ko sa trabaho ko ngayon sa isang restaurant. Kinakabahan pa ako dahil baka mag kamali ako sa mga gagawin ko dahil hindi ako sanay sa mga ganitong bagay.
Pero kakayanin ko para sa pamilya ko, bawal sumuko fighting Ali!
Nag inhale-exhale muna ako para gumaan ang pakiramdam ko at hindi ako kabahan bago ako pumasok sa glass door ng resto na tinatayuan ko.
—
Naging maayos naman ang aking unang trabaho at mag dadalawang linggo na ako dito.
Pero isa sa aking mga co-workers ay laging galit sa akin, wala naman akong ginagawa sakaniya jusko kahit nung unang araw ko ay ang sama niya makatingin.
Ganon naba ako kaganda sa paningin niya kaya naiinis siya sa'kin dahil kinabugan ko siya?
Simula kasi nung nagtrabaho ako dito ay ako ang may pinaka malaking tip palagi, dati daw kasi ay siya yung bida sabi ng mga co-workers ko pero parang inagawan ko daw siya ng trono na ikinatawa ko naman.
I can't deny the fact that my beauty has something to say, well genes is acting up. Dating modelo ang aking mama, dati din akong sumasali sa mga pageant at may ibang nag aalok sa akin na kung puwede na mag modelo ako sa kompanya nila.
Pero tinanggihan ko kahit gusto ko ang passion na iyon, dahil kailangan talaga namin ng pera sa pang- araw araw at kung papasok ako doon ay mahihirapan ako sa pang araw na gastusin namin.
It depends on the agency din kasi. It will take 30 to 90 days for a model to receive the payment kaya tinanggihan ko muna ito.
" Hoy Ali, 'di ba pabida ka naman dito oh eto itapon mo sa labas " hawak hawak niya ang trashbag na itim at ipinasa sa akin.
Wala naman akong nagawa kasi nasa kamay ko na eh alangan naman iabot ko ulit sakaniya edi parang nag hanap naman ako ng away kung nanlaban pa ako. Tsaka ayoko din masisante kaya sinunod ko nalang yung bruha.