Aliah's pov.
Today is my day off and payday, kaya naman i decided na mag grocery dahil out of stock na din kami ng mga foods.
" Ma ito po 'yung pera para sa kuryente and tubig, then kasama nadin po diyan ang 2weeks allowance ni Aya " sabay abot ng pera kay mama.
" Nako Ali baka wala ng matira sa'yo niyan? " nag-aalala na tanong ni mama.
" Ano kaba Ma, meron pa naman pong natira malaki laki din po ang naipon ko, yung mga tip po ng mga customer inipon ko po 'yun " sambit ko.
" Salamat Ali, hindi ko alam ang gagawin ko kapag wala ka salamat dahil tinutulungan mo ako sa gastusin " pagpapasalamat ni mama sa akin.
" Wala po yon Ma, sino paba ang magtutulungan kundi tayo tayo lang din diba? " kasabay non ang paghawak ko sa kamay ni mama at nginitian ito.
" Nga pala Ali, tumawag sa akin ang dating agency na pinapasukan ko sa pag momodelo noon. Kinukulit pa din nila ako na pilitin ka kaso sabi ko hindi mo kakayanin " pag kwento ni mama.
" Sa susunod po Ma pasabi sakanila na kapag handa na'ko ay saka ako papasok sa pagiging modelo sa ngayon po ay wala sa utak ko ang mag modelo sorry po " paliwang ko kay mama.
" Ano kaba anak hindi mo kailangan humingi ng sorry sa akin, ayos lang just take your time okay? if gusto mo na pumasok bilang modelo nandito ako para suportahan ka sa mga gusto at ayaw mo " sambit ni mama sa akin.
Naalala ko tuloy si Daddy, dahil bago siya mawala ay nagkaroon kami ng masinsinan na pag-uusap.
Ang sabi niya sa akin ay 'nandito ako para suportahan ka sa mga bagay na gusto mo ali, dito lang si daddy at mama mo hindi kita iiwan'
Yung last na nasabi niya ayon ang hindi natupad, dahil iniwan niya kami.
" Ali anak okay ka lang ba? " tinapik naman ni mama ang balikat ko.
Napabalik ako sa pagkatulala dahil kay mama.
" A-ah opo ma, ayos lang ako " sagot ko dito.
Agad naman akong pumasok sa loob ng kwarto ko at kinuha ang alkansya ko sa cabinet.
Yes nagiipon ako para mabawi sa tito ko yung sasakyan ni Daddy. That car means a lot to me, we have so many memories in that car.
Nalungkot ako dahil alam kong matagal tagal pa bago ko mabawi iyon sa tito ko, iilan palang ang naiipon ko.
Habang nag huhulog ng pera sa alkansya ko ay biglang nag ring ang phone ko.
" Hello there, bitch! " bungad sa akin ng aking kaibigan.
" Oh my god! bruha ka, bakit ngayon ka lang tumawag huh?! " pagrereklamo ko sakaniya.
It's almost 5yrs since nung lumipat sila sa London, and 2months niya akong hindi kinontact.
" I'm sorry okay? i was busy si Dad kasi eh sa'kin pinamanage 'yung company here sa London " halatang irita ang boses niya dahil sa dad niya.
" Arghh! i hatee you Kyera! " galit na sambit ko dito.
translation : Arghh! i miss you kyera
" I miss you too, girl " kasabay non ang pagtawa niya.
Alam na alam talaga ng babae na 'to kapag miss ko siya! nagawa niya pa akong asarin ha? pagkatapos niya akong ighost ng 2months.