61

11 1 0
                                    

Eloira's POV

"Science fair?! Ayoko...ayokong sumama sa inyo!" Agad na tanggi ko sa kanilang apat. Masyado na akong busy para hayaan lang yung mga classmates ko na mag designs sa tables.

Samu't saring boses ang narinig ko sa loob ng classroom namin. Lubos ang kanilang pananabik nang malaman ang balita na tungkol sa science fair. At dahil STEM yung strand namin, kami pa yung mag asikaso sa lahat ng mga kailangan sa gagawin naming science fair.

Jela pouted at me, "Dali na..... minsan lang ang science fair beh! Wag puro trabaho." Ilang ulit akong hinatak ni Jela palayo sa booth namin.

"Jela.....kailangan kong tumulong..." Ulit ko pa.

Magsasalita pa sana ako nang biglang kinausap ni Jela yung adviser namin. Ang hirap pa naman kausap si Mrs. Dumapac kapag hindi naman valid reason ang sasabihin mo. Napalunok ako sa kaba nang makita ko ang reaction ni ma'am, nag eexpect pa naman ako na hindi niya ako papayagan.

"So you want Eloira to visit the experimental stuff?" I heard Mrs. Dumapac asked Jela, she immediately nodded and slightly smile. "Alright, she's you're tour guide for now, it's nice to see for those HUMSS strand has also interested in this kind of science fair...."

I can't believe it.

Napatalon si shannah sa tuwa, " Yey! Makapag bonding na ta'yo today! Wait, saan ta'yo pupunta?" Alanganin niyang tanong sa aming lahat. Humahalaklak naman si Theo at saka agad na inakbayan si Jela sa kanyang braso.

"Pupunta ta'yo sa lugar kung saan walang nagkakagusto sa isang nilalang na katulad mo!" Pagtawa pa ni Theo upang kaagad siyang binatukan ni Jae sa ulo, para mapahiyaw ito sa sakit.

Shannah crossed her arms, "Sino lang sa atin ang unang nag assume na magustuhan siya pabalik ng bestfriend namin? Di'ba ikaw 'yon?" Pambabara pa niya upang pumalakpak si Jae sa tuwa. Ako naman ay tahimik lang tumatawa.

Nilibot naming lima ang buong campus. Ang daming mga estudyante ang nagsilabasan sa kanilang mga classroom para gumala sa mga nakadisplay. May times pa nga na mapapahinto kami dahil sa angking ganda ng mga ginagawang inventory science fair. When we already reach the  school gymnasium, I saw Jarrell arguing with other students. May nakita pa akong nabasag na bagay sa sahig, nakita rin ito ng mga kasama ko.

"Si Jarrell ba yung nakikipag away sa SSLG president?" Wala sa sariling tanong ni Jela. Here we go again, gumagawa na naman siya ng gulo.

"ANONG SINIRA KO?! KASALANAN KO BA KUNG BAKIT D'YAN NAKADISPLAY ANG MGA GAMIT MO? ITO ANG SASABIHIN KO SA'YO, HINDI PORKET SCIENCE FAIR NGAYON, KUNG SAAN-SAAN NA NALANG PUMUPUNTA, LALAKI." He grinned his teeth while looking to our SSLG president, si Leo, and yes, lalaki po ang kausap ni Jarrell.

Napahilot sa sentido si Leo, "Ba't ikaw pa 'yung galit na galit sa ating dalawa?! Pinagsasabihan na kita nung isang araw na huwag kayong maglaro ng basketball sa gym! Bingi ka ba?" Asik rin ni Leo upang mas nagalit si Jarrell at parang gusto na siyang suntukin sa mukha.

"Ely, puntahan mo na kaya?" Bulong ni Shannah sa aking kaliwang tenga at sinundot pa ang mukha ko. Bakit ako pa ang pupunta sa kanya?

Napabuntong hininga ako at dali-daling lumapit sa direksyon ni Jarrell, "Excuse me, pres. Pagpasensyahan muna itong si Jarrell, wala lang 'yan sa mood." Pumagitna ako sa dalawa upang mapaatras kaagad si Jarrell at masama akong tiningnan.

"Nag so-sorry ka sa lalaking 'yan?!" He shouted.

I looked at him gently, "Kahit tanungin mo pa ang ibang mga estudyante, ikaw at ikaw pa rin ang tuturuin nila. Ba't ba ang hilig mong gumawa ng gulo dito?" Mahina kong sabi para hindi siya makaisip ng kahit ano kapag iniiba ko ang tono ng pananalita ko.

"Self -defense ang tawag do'n, babae."

Self-defense? Sinong niloko niya?

Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at kaagad ko na siyang hinila palabas ng school gymnasium. Nadaan ko pa nga yung mga kaibigan ko na yung mga tingin nila sa'min na may dala pang panunukso na tingin habang naglakad kami palabas.

"BAKIT BA KINAKAMPIHAN MO ANG LALAKING 'YON? JOWA MO BA SIYA?" Panimula niyang sigaw.

"Hindi." Tipid kong sagot. Cousin ko 'yon!

Masama ang tingin niya sa'kin nang lumingon nito, "Kahit pa tingnan natin sa cctv footage, sobrang obvious na sinadya niyang sirain yung standee! Wala ba akong freedom of speech?" He looked away and now I'm starting to be curious.

"Nagawa mo na ba 'yung pinapagawa ko sa'yo?" I changed our topic. Baka ano pa ang gagawin ko dito kapag mas lumalala ang kasungitan niya.

"Hindi pa ako nakapagsimula." Napakamot siya sa kanyang batok at madaling umiwas ng tingin.

"Basic test lang yun, Jarrell."

"Kasalanan ko bang hindi ko agad masagot yung mga tanong sa test paper?" Pilosopo pa niyang sagot kaya wala na akong magawa kung hindi mapabuntong hininga. Napaayos pa siya sa kanyang red cap, kahit may bubong naman.

Napahiyaw siya sa sakit nang kinurot ko ang kanyang tenga, "Next month na yung 2nd quarter examination natin kaya dapat nga pinag-aralan mo yung mga notes na binigay ko sa'yo." Pangsungit ko kaya siya naman itong natahimik at 'di makadiretso ang tingin sa'kin.

"O-Oo na, gagawin ko na talaga yung mga basic test. B-Baka bukas ko pa ibigay sa'yo.." Nauutal niyang pahayag, sakto rin biglang tumunog ang phone ko kaya hindi ko na siya kinausap.

Nagsenyas muna ako sa kanya na sagutin ko muna yung tawag at lumayo ng kaunti. Yung nurse pala ni Nanay ang tumawag sa'kin. Ipinahayag niya sa'kin kung ano na ang kalagayan ni Nanay sa hospital, naging mabuti na raw ito.  Asthma ang laging nilalaban ni Nanay ngayon, gustuhin niyang manatili nalang sa bahay kaso ayaw payagan ng doctor dahil baka mas lumalala ito lalo na medyo squatter yung baryo namin. Kaya ngayon, si Tatay na yung nag asikaso sa school ko at sa pagkain namin.

"Uhmm...magkano po yung babayarin namin, Miss? Sa medications ni Nanay at sa—" Hindi ko na natapos ang akig sasabihin ng bigla siyang nagsalita, na nagbibigay sa'kin ng saya at pagkagulat.

"Zero balance na po lahat, Miss." Aniya pa upang mapatakip ako sa bibig. " Si Mrs. Macasero na po yung nagsabi sa amin na gawing zero ang mga babayarin niyo dito po sa hospital, at tyaka po yung nabayad n'yo ko last month...ibabalik po namin 'yon sa inyo." Dugtong niyang sabi.

"A-Akala ko nagbibiro lang si Mrs. Macasero."

Rinig kong natawa nito, " Maging kami rin po ay hindi makapaniwala sa sinabi ni Doc. Saktong-sakto rin po ay kakilala niya po yung mother n'yo kaya wala nang problema." Napatingin agad ako ni Jarrell na nilalaro ang kanyang sapatos sa mga batong nakakalat sa lupa.

"What? For my grades, my mother provide all of your needs. It doesn't matter what she pays to you...unless my grade performance and my personality will gradually change." Pagsalita ni Jarrell na para bang nababasa niya kung ano ang gusto kong sasabihin sa kanya ngayon.

"Salamat talaga sa mom mo, Jarrell." I starting crying uncontrollably in front of him. " Because of her, hindi na mahihirapan si Tatay sa mga gastusin...makakatulog na siya ng mabuti na walang iniisip na problema." Mabilis niya akong hinawakan sa braso saka dinala sa gilid nang walang katao-tao.

He looked around and put his red cap on my head, "Can you just stop crying? Baka kung ano-ano ang iisipin ng mga tao kapag nakita ka nilang umiiyak sa harap ko." Pabulong niyang bigkas upang mapatingil ako sa pag iyak.

"Popuntahan ko muna si Nanay...." I said while holding my two hands, shaking.

Napahinto siya saglit, "Samahan na kita....baka ano pa ang mangyayari sa'yo sa daan, napakatahimik mo pa naman na tao. Kahit sinusundan ka na ng mga adik na tao, wala ka paring pake sa paligid mo." Asik niya at naunang naglakad palabas ng school campus.

Okay lang ba siya?

BadWhere stories live. Discover now