Jarrell's POV
Ang masasabi ko lang sa sarili ko.....tanga.
Ilang araw na akong hindi pinapansin ni Eloira. Minsan nga sa tuwing magkasalubong kami sa hallway, siya yung unang umiwas sa'kin. We still keep in touch during tutoring day, but it not like just before that she's focing me to do the task.
No update, No message, at walang calls na mula kay Eloira. Every night niya 'yan ginagawa, kung may naguguluhan ba ako sa mga major subjects, performance task and sa mga test/quizzes ko. At sa tuwing mag uusap naman kami, lagi niyang iniiba yung topics kapag nag tatanong ako tungkol sa bracelet ng kanyang yumaong Lola.
Para akong nanibago sa mga kilos niya.
"Master? Makailang chats ka na, delivered parin?"
I sighed as I looked again my chats for her in messenger. I felt guilty. Kinausap ko na ang lahat na kakilala ni Eloira, maging sa mga kaibigan niya—pareho-pareho lang ang sinasabing dahilan. Hindi ko man lang naisip na napaka importante pala 'yon sa kanya. Nakaupo kaming apat sa ilalim ng malaking puno ng acasya habang may malalim na iniisip. Sa lahat ng taong pinag tripan ko, dito lang ako kusang tumiklop at nalungkot.
Saturday ngayon. May kailangan kaming ipapirma sa school kaya kami narito. As a grade 12 student, palagi nalang kaming busy. May gagawin pa kaming short film sa DIASS at tyaka creative writing. Maraming gagawin na reports, lalo na malapit na yung clearance day namin.
Umakbay si Charlie sa'kin at nagsalita, "Mas mabuti kung puntahan mo siya sa kanilang classroom. Paniguradong wala silang adviser ngayon dahil sabi ng kakilala ko... maternity leave raw." Sambit naman niya at napakamot sa kanyang ulo.
"Hay naku, master. Si Eloira lang pala ang magpapatino sa'yo!" Agad na biro ni Paulo, pumalakpak din si Justin. Humahalaklak pa ito habang masayang nakatingin sa'kin.
"Wala ka na bang magawa sa buhay mo?"
"Syempre, meron. Mang-aasar sa inyo!" Tawang-tawa na sagot ni Khein, halatang nang-aasar.
Dali-dali akong kinalabit ni Justin, " Si Eloira yun di'ba? Kaibigan rin ba 'yung kausap niya?" Nang dahil sa sinabi nito ay kaagad akong napalingon sa room kung saan nag-uusap ang dalawa sa labas.
Yes, it's her admirer boy, Nix.
"Baka maunahan ka na, Master. Sa pagkakaalam ko, marami na 'yang naging jowa. Sabi nong isang kaibigan niya...." Bulong ni Paulo sa kaliwang tenga para napataas ako sa kilay. "Ano nga ulit ang pangalan niya? Yung short hair na babae tapos morena...." Dugtong niyang tanong sa mga kasamahan ko.
"Si Jela." Tipid na sabi ni Charlie.
Nanlaki ang mata ni Paulo sa narinig, "Siya nga! Siya yung nagsabi sa'kin tungkol kay Nix. Since elementary pa raw 'yan...patay na patay kay Eloira. Kaya daw ang kinuha nga strand ay STEM para mapalapit kay Eloira..." Pag kwento naman ni Justin na dahilan upang mapatayo ako sa aking kinauupan na damo at lumingon sa kanya.
I crossed my arms, "Until now? Ganyan pa rin siya kay Eloira? Nagmumukha lang siyang Tanga sa ginagawa niya. Akala niya siguro....magugustuhan siya pabalik tapos ngayon? may balak na rin siyang maging tutor si Eloira...." May galit na tonong sabi ko sa kanila.
I will not agreeing with that plan. Kung ano ang nasa akin, akin lang 'yon at walang ibang tao na magiging tutor ni Eloira maliban sa'kin. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at pinuntahan ko ang direksyon ng dalawa. Patuloy pa rin silang nag-uusap at para bang hindi nila napansin ang paglapit ko. Kaagad kong hinawi ang braso ni Nix palayo kay Eloira saka pumunta sa pagitan nila.
Humakbang palapit sa'kin si Nix, "Problema mo? Hindi mo ba nakikita na may kinakausap yung tao? Hindi sa lahat ng oras ay magagawa ang mga gusto mo, Jarrell. Labas ka na dito!" Galit na sigaw ni Nix habang nanliit ang mga mata.
YOU ARE READING
Bad
Teen FictionFLAWS & ALL Series #7: Bad [ongoing] From a school with full of dreams, there was a bad boy named Jarrell Aiden Macasero who had notoriously ill-tempered. Every student will afraid of him, especially when he gets mad. But despite his bad personaliti...