38

7 1 0
                                        

Eloira's POV

Makulimlim ang kalangitan nang marating ko ang 7 eleven store. Suot ko pa rin ang school uniform nung ako ay nakapasok na sa loob. Uwian na sa school kaya dumiretso na ako dito para sa night shift, wala pa nga akong sapat na tulog sapangkat nag take ako nang exam kaninang umaga. Dahil sa malakas na ulan ay tiyam na nabasa ang buong katawan ko, pati rin ang aking dala na backpack, basa na rin.

"Oh? Ang aga mo yatang pumunta sa store? Wala ba kayong school works ngayon?" Bungad na tanong ni Julius habang nag mo-mop sa sahig.

"Wala. May activity lang kaming gagawin bukas." Sagot ko naman at nilagay ko ang aking payong sa gilid kung saan ilalagay yung mga payong.

Napatigil siya sa kanyang ginagawa, "Ilang araw ka nang walang sapat na tulog ely.... pwede ka namang mag leave, maintindihan naman 'yon ni sir." Suhesyon ni Julius na seryosong nakatingin sa'kin. Muli na itong nagpatuloy sa pag mop.

"Mahalaga pa ba ang magpahinga? Kahit pagod at masakit na yung katawan ko, kumayod pa rin ako para may pangbayad si mama sa hospital. Kinaya ko ang lahat, kahit maraming babayarin sa school, nagpatuloy pa rin ako." Mahinahon na sabi ko.

Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at pumasok nalang sa employee's room upang magbihis nang damit sa work. I felt defrustrated when someone trying to stop my decisions. This is what I wanted to do, it's for my personal needs.

Na para bang pinapakialam na nila yung buhay ko, I understand why they're acting like that. Concern lang sila sa'kin, but seriously i like to challenge myself. 6 pm palang, pana'y punch na ako sa mga binibili nilang pagkain.

Kagaya nang dati, maraming costumers ang dumadayo sa 7 eleven store kahit hindi pa sumapit ang gabi. Ilan sa kanila ay mga estudyante sa school na pinuntahan ko. Tanging ngiti lang ang ibinigay ko sa kanila sa tuwing nagpapasalamat. Hindi ako sanay na magsalita sa mga taong hindi ko gaanong ka-close. Lalo na sa school, yung mga kaibigan ko lang ang nakakausap ko tuwing break time.

"Ely! Sama ka sa'min kumain! Dali!" Nanlaki ang mata ko nang makita ko sina Jela, Jae, Theo at Shannah na kakapasok palang sa store namin.

Kumaway agad si Shannah sa'kin, "Birthday raw ni Theo ngayon kaya may malaking libre ang inihanda niya para sa ating apat!" Pagtawa pa nilang lahat upang mapailing-iling nalang si Theo.

"Anong birthday?! Next year pa 'yon!" Usal nito.

Palihim akong natawa, "Libre ba talaga ang pumupunta niyo rito or may iba pa kayong gustong sabihin sa'kin?" Tanong ko agad upang unti-unting nawala ang ngiti nila sa kanilang labi.

"Ganito kasi 'yan...." Panimula ni Theo ngunit nang mapansin niya ang tingin ni Jela ay agad siyang napahinto. "Ikaw na ang magsabi sa kanya..."

"Aba! Ikaw yung nag volunteer kanina! Tapos ngayon, hindi mo na masabi?" Reklamo ni Jela.

"Nakalimutan ko kasi! Ano nga ba 'yon?" Napamot nalang ang tatlo sa kanilang mga ulo nang marinig nila ang sagot ni Theo.

Distracted lang ata sa ganda ni Jela.

Pabalik-balik ang tingin ko sa kanila habang pina punch yung mga pagkain na binili ng mga costumers. Pumunta muna sila sa gilid para bigyan nang space yung pumila upang magbayad. Dinig na dinig ko pa rin ang pagbabangayan ng dalawa kahit pa mahina lang ito.

Mukhang may importante silang sasabihin, ngunit nahirapan lang sila na ikwento sa'kin. I got a 20 costumers who fall in line, mas binilisan ko pa ang pagkilos ko para hindi mainip ang mga tao. When I looked again with my friends, I think of a while. May kinalaman na naman ito sa trabaho ko.

"You've been distracted, Miss." Pangsungit ng lalaking naka gray ang hoodie sa harap ko.

I glared at him, "My apologize, Sir. I was just looking at my friends out there..." Pahiyang sagot ko, inaasahan ko pang pagsasalitaan ako ng masama ngunit hindi. Lumabas na siya ng store na walang pasabi, nakalimutan pa niyang kunin yung sukli at hindi ko inaasahan na makita ang kanyang card na nahulog sa sahig.

Nang wala nang costumers ay agad ko itong kinuha at tiningnan ang nakasulat. I raised my eyebrows when I read the name of Jarrell. Are he going to left his things  to get his attention?

"Huy! Kaninong card ba 'yan?" Jae asked me.

Binigay ko sa kanya iyon, "Isauli mo 'yan kay Jarrell. Kahit ano pa ang gagawin niya sa'kin, hinding hindi ko na siya kakausapin." Inaayos ko ang aking buhok gamit ang aking brown clip.

"Baka nagbigay siya ng tulong sa'yo?" He added.

Lumingon ako sa kanya, "Tulong? Sa'kin? Nagbibiro ka ba? Eh, hindi nga 'yon nagsosorry sa'kin, nagbigay siya ng cake na allergy ako...tapos sumakit pa yung tiyan ko pagkatapos."

"Actually.....kami ang inuutosan niya na ibigay sa'yo ito...ely...." Nauutal na sambit ni Shannah.

"Bakit? Sino ba siya para magbigay ng pera sa'kin? Kaya ko naman mag ipon ng pera."

Mabagal na hinawakan ni Jela ang kamay ko, "Ely...hindi si Jarrell ang nagbigay ng cake....it was his friends....gusto lang naman nila magpasalamat sa'yo noong araw na late sila sa klase...pero hindi mo nilista ang names nila."  Si Theo na ang nagsasalita. " Gano'n na nga, hindi nila alam na may allergies ka pala sa cheese..."

"It's fine. Kaunti lang naman ang nakain ko." Pag-
sasabi ko pa nang totoo para hindi na sila mag-aalala. May kaunting rashes pa rin yung buong katawan ko pero dahil sa ibinigay ni Jae na cream ay unti-unti na itong nawawala. " And please....pakisabi kay Jarrell na hindi ko kailangan ang pera niya...." Umupo ako sa upuan.

"Pero kailangan mo 'yan, Eloira." Usal ni Jela.

Sumunod naman ang apat na umupo sa harap ko. Nakatingin sila sa'kin na para bang may nagawa akong malaking kasalanan sa taong bayan.  Tatlong minuto na akong tahimik habang nakatingin sa labas ng glass wall. I was thinking kung totoo ba talaga na binigyan ako ng pagkain bilang pasasalamat? Hindi ako makapaniwala.

I looked at them, "Don't ever mentioned that demonic name again. I hate it and I don't want to accept that ATM card, that's his money, not mine." Panghuling sabi ko sa kanilang apat at muli na akong bumalik sa cashier area nang meron na namang costumers ang pumila.

BadWhere stories live. Discover now