Chapter 11 - Medyo Awkward

74 3 1
                                    

Mig's POV

Lunch time na. Inalis ko na muna tong infinity ring na suot ko. Nahiya na kasi ako. Nailang tuloy ako. Tapos baka kantsawan pa kami lalo. 

Kasama ko mga barkada ko ngayon. Pito kami sa grupo, dalawa ang taken. Pero si Jaden sumama muna samin. Si Miko yung isa pang taken, kasama gf niya kaya anim lang kami ngayon.

Sa canteen muna kami nag lunch. Naglalakad palang kami nakita ko na ang tatlong magagandang babae. Sina Tasha, Maxine at Sam. Dun din pala sila naglunch.

Sabi ni Jaden lapitan na daw namin sila. Para dun na kami sakanila makitable. Sakto naman seryosong nag uusap ang tatlo. Hmmm

Pagdating namin dun, nakatalikod si Sam pero may narinig kaming sinabi niya..

Ang katagang...

...

..

"kasi mahal ko siya"

Nagulat ako. Parang ewan, ang weird sa feeling. 

Di ko alam kung sino tinutukoy niya sa sinabi niyang yun. Asa naman akong ako yung tinutukoy niya diba. Masasaktan ba ako kasi may iba siyang mahal o ikakatuwa ko dahil sa wakas baka magkakaroon na ng lovelife ang bestfriend ko. Hay

Bigla namang nagsalita si Tasha

"Ohh. Guys anjan pala kayo. Narinig niyo usapan namin?!? :O" Gulat na sabi 

Halata din sa mukha ni Sam ang pagkagulat. As in sobrang nagulat siya. Haha pero cute pa din

"Hindi naman. Narinig lang namin yung sabi ni Sam na may mahal na siya. Hmmm sino yun ha? Uyy ang bestfriend ko lumalovelife na! Yiee" Sabi ko. Kunwari nalang din di ako nasasaktan

"Sus..If I know pare selos ka naman. Haha joke lang" Sabi ni Jaden

"Ha? Praning ka na ba? Syempre di noh! Bestfriends lang kami nito." Sabay akbay ko kay Sam.

Nagsmile naman si sam. ewan ko ba kung pilit o ano.

"Okaay that's enough. Ano pinunta niyo dito?" Sabi ni Maxine samin

"Nandito kami Maxine para maglaba. Canteen to eh. Kaya maglalaba kami. Ulol malamang sa alamang maglalunch! Makikitable sana sainyo." - Jared

ONE IN A BILLION (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon