Chapter 5 - Bestfriends moment

72 2 0
                                    

Natasha's POV

Lunch break and dismissal si Martin pa din kasama ko. Ewan ko ba, masarap siya kasama eh.

Hindi boring kumbaga.

Pero naisip ko baka nagtatampo na bestfriends ko kasi nawawalan na yata ako ng time sakanila..

Hmm..

Ano kaya pwede gawin?

Ah! Alam ko na..

Since Saturday naman bukas, babawi ako! Lilibre ko nalang sila. 

**KINABUKASAN**

10am hinanda ko na kotse ko. Sinabi ko nalang kina mommy kung saan ako pupunta, at alam din pala nilang nililigawan ako ni Martin. Business partner naman ni dad ang daddy niya eh, kaya okay lang.

Kumatok muna ako sa bahay nina Sammy. Binuksan naman ng yaya since kilala namana ko dun.

Ano pa nga ba, tulog pa ang SAMANTHA.

"Sammyyyy!! Gising naaa!!! Aalis tayo bebe" Sabi ko sakanya with matching palo pa ng pillow.

"Uhhh. Aray.. Ano ba.. natutulog pa ko"

"Naman eh! Nag effort pa ko gumising ng maaga dahil sainyo ah! Tara na kasi."

Dahan dahan naman siyang nagbuklat ng mata at bumangon, naghikab muna

"Oh kaw pala yan Tasha. San ba tayo pupunta at kailangan ganto kaaga ha?"

"Uhmm mamamasyal. Ya know, these past few days di na ko masyado nakakasama sainyo kaya this time,I'll make sure na babawi ako. " Masaya kong sabi

"Ahh ganun ba. Kaw talaga. San naman exact place?"

"Hmmm anywhere! As long as we're together."

"Ahh sige.. Maliligo muna ko. Oh kung gusto mo ng pagkain or what kumuha ka lang jan. Sanay ka namana dito eh."

See? Ganyan kami. Bahay ng isang bestfriend namin, bahay na din namin. Haha

" Uhm, sige lang. Maya maya sunduin ko na din si Maxine. Teka nga, nadaanan ko si Jasmine ah, bakit namamaga mata? Inaway mo ba kapatid mo?" 

"Baliw. Di no. Nag away kasi si mommy at daddy kagabi, as usual alam niyo na. Tapos muntikan na nga mag hiwalay yung dalawa eh. Dito nga natulog si mommy kagabi."

"Ahh ganun ba.. Asan na sila ngayon?"

"Si daddy nasa work, si mommy naman bumisita kina lola. Sige, mamaya na satsatan. Prepare muna ko."

"Uhm sammy, balikan nalang kita dito. Puntahan ko muna si Maxine para hindi na matagalan sa oras. Sige ha balik nalang ako. "

"Ohh sabagay. Sige sige ingat."

***

May family problem nanaman pala to si Sammy. Pero parang di big deal sakanya eh. I know naman na nagpapakalakas nalang siya. Pero she can do it. 

So yeah.. Pinuntahan ko naman si Maxine.

Pinapasok naman ako agad ng mom niya.

"Hi tita *beso* Gising na po ba si Maxine? Eh balak ko pa sana kasi silang itreat eh. Kung okay lang po?" sabi ko

"Ay oo naman. Sige hija pasok ka. Gising na siya, nakikipaglaro sa mga kuya niya."

Tatlo nga pala kuya niyan ni Maxine, bunso siya. So bantay sarado pero nag kaboyfriend :)) Kilala naman ng family niya si Jaden eh.

Pagkapasok ko, naabutan ko namang naglalaro ng Wii si Maxine kasama yung dalawa niyang kuya. Yung dance ba. Yung pangalawang kuya niya naman, nanonood lang habang tuma tawa tawa pa. Saya lang nila.

*cough* charot. May pa ubo ubo pa kong nalalaman. Wala lang. Para mapansin nila presence ko. Hahaha

"oh maxine yerr here pala! Hiiii!" Tapos hinug niya ako.

"Kuya alis. Uupo bisita ko" Sabi niya sa kuya niya.

"Haha ano ka ba. Okay lang. Napunta ko dito para bumawi sainyo ni Sammy. Eh kasi nga diba these past few days di na ko masyado nakakasama sainyo kaya eto, mamasyal tayo. "

"Ah talaga? Wow sweet mo naman! Sige sure. Bibihis lang ako ah. San nga pala tayo pupunta?"

"Kahit saan."

"Wow. Sama ako!" Sabi nung isang kuya ni Maxine

"Tse. Di ikaw! Ako kinakausap. " Sabi ni maxine. Haha ankyot lang ng samahan nila.

"Sige bihis muna ko, naligo namana ko eh. Wait ka lang here."

"Sige."

Tapos habang naghihintay kay Maxine, niyaya naman ako ng mga kuya ni Maxine na mag wii. Sa una nahiya ako, pinilit ako eh kaya napabigay na din. Hahaha

After magbihis ni Maxine, pinuntahan naman namin si Sammy. Buti nalang ready na.

"Tagal niyo ha. Ano girls? Lezzgo?" 

"Tara." Sabay sabi namin ni Maxine

**

Unang pinuntahan namin mall, nag early lunch muna then naisipan namin manood ng sine. Pinanood namin yung Final Destination. Take note, treat ko lahat to ah. Dami kasi pinadalang pera ni daddy sa atm ko eh. Haha

After that we decided to go to Tagaytay. May resthouse kasi kami dun. Bago pa lang naman kaya pinasyal ko sila dun.

"Wow Tasha. Ganda naman dito. Pollution-free." 

"Oo nga eh. Sarap tumambay. Buti nalang dinala mo kami dito. Hehe" Sabi ni Sammy

"Haha wala yun. Sabi ko naman sainyo, babawi ako eh."

"Haha salamat bestfriend!" Then nag group hug kami

Ngayon napagtanto kong, kahit magkaron ka man ng lovelife, dapat hindi mo pa din kinakalimutan ang friends mo. Dahil sila ang dahilan kung bakit ka masaya at dinadamayan ka through thick and thin. 

6:30 na din nun nung nakauwi kami. Hinatid ko sa bahay nila silang dalawa. Nagpasalamat naman sila saakin, at hinug ako. Ang saya ng araw na to! Sucha productive day.

Magkatext lang kami ni Martin kanina kaso madali lang dahil nga sa sabi kong bumabawi ako. Naintindihan niya naman yun kaya yun. Nagskype nalang kami pagkauwi ko.

Odiba sweet. Parang mag on lang eh. Hahaha. 

-------------------------------------

Glamourchicc's note:

Mahaba habang UD din to. Please vote and be a fan. Continue on supporting!

To God be the Glory :) Have a blessed Holy Friday guysh! :3 

ONE IN A BILLION (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon