The Meeting

58 1 0
                                    


@ The Naked Truth Bar

Jey's POV

"Ahmm Dee, wala ka bang kasamang nagpunta dito?" Tanong ni Jey sa kasamang babae, wala si Kay dahil nagpaalam na pupunta muna ng CR.

"Meron. Yung bestfriend ko." sagot naman neto sa akin.

"Eh asan pala siya? Bat iniwan mo?" tanong ko ulit sa kanya.

"Andun sa table namin. KJ kasi yung babaeng yun e. Di sanay sa mga gantong lugar kaya nagmukmok na lang dun. hahaha" natatawang sagot neto sakin.

"Hala tara balikan mo na. Kawawa naman at iniwan mong mag isa." Nag aalalang sabi ko sa kanya.

"Sige, antayin na lang natin si Kay at ng mapakilala ko kayo." Ngiting sagot niya sakin.

Maya maya pa ay dumating na rin si Kay kaya nagpunta na kami kung saan naroon ang bestfriend ni Dee.

Papalapit pa lang kami ay nakita ko na ang isang babaeng nakasimangot ngunit kahit ganun ay di pa rin nabawasan ang kagandahang taglay niya. Maliit lamang ang kanyang mukha at napakaamo, matangos ang ilong, ang kanyang mata ay nakakahalina dahil sa kulay netong forest green, at ang kanyang labing tila nag iimbitang  halikan.

Di ko namalayan at nakalapit na pala kami sa babaeng pinapantasya ko at nagsalita si Dee.

"Bhest sorry natagalan ako sa pagbalik, may mga nakilala kasi ako e. Hihi" sabi ni Dee sa napakagandang babae.

"Ok lang bhest, medyo nababagot na nga lang ako dito kasi alam mo namang wala akong hilig sa ganito" sagot naman ng babaeng maganda at sheettt lang. Ang sarap pakinggan ng boses niya.

"Nga pala bhest, sila yung mga nakilala ko, si Kay at ang kaibigan niyang si Jey" pakilala samin ni Dee.

Agad ngumiti si Kay sa babae at nagpakilala, pero ako ay nanatiling nakatitig lang sa babaeng iyon. Tinapik ako ni Kay sa balikat at tinanong kong Ok lang ako, dun ako bumalik sa katinuan at agad nagpakilala.

"Ah--m hi, I'm Jey, nice meeting you." F*ck bat ako nagstutter? Tsk

Ngumiti naman siya at nagpakilala, "Hi Kay and Jey, I'm Zee by the way"

Grabeng mga ngiti yun, nakakatunaw. At Zee pala ang pangalan niya. Napangiti na lamang din ako. 

"Bhest ok lang ba kung makishare na sila ng table satin?" Singit ni Dee sa usapan. 

"Walang problema bhest" sagot naman neto.

"Ah sige kami na bahala ni Jey sa drinks, diba Jey?" sabi naman netong si Kay. Pabida talaga e. Tsk

"Ah oo. Kami na bahala" sang ayon ko sa kanya.

"Naku, nakakahiya naman sa inyo." Sagot ni Zee.

"Wag kang mag alala, di mauubos kayamanan niyan ni Jey, kahit bilhin pa niya tong bar. Hahaha" sagot ni Kay habang tumatawa.

"Gago." Binatukan ko nga at natawa naman ang mga chics na kasama namin.

"Mapanakit ka talaga pre e noh?" Reklamo naman ni Kay.

Di nagtagal at naging kumportable na ang pag uusap naming apat. Medyo nawala na rin ang hiya ko kay Zee dahil na rin siguro sa epekto ng alak. Kaya medyo lumalandi na din ako. Hihi

"Babe Zee, bat ang ganda mo?" Pacute kong tanong kay Zee habang malagkit na nakatitig sa kanya.

"Eh ikaw Jey bat ang landi mo? Saka babe mo mukha mo." Irap sakin ni Zee at sabay tumawa si Kay at Dee.

"Burn!! hahahahaha, Wala ka pala pre e, di lahat tinatalaban ng Charm mo." Asar pa sakin ni Kay.

Siniko ko nga at nagsalita ulit. "Zee naman, binibiro ka lang e. Ang hard mo masyado" pacute kong sabi kay Zee.

"Sus. Mukha mo Jey. Alam ko yang mga ganyang style. Biro pero pag kumagat ako, itutuloy tuloy mo? Saka tigilan mo yang pagpapacute mo, mukha kang aso." Sagot neto sakin na lalong ikinatawa ni Kay at kung di ko lang sinamaan ng tingin ay di titigil. -.-

"Grabe ka Zee. Saka sa gwapo kong to, mukha akong aso? Tsk tsk" 

"Medyo? Hahaha" Natatawa niyang sagot sa akin. Tsk

"Naku Jey, di tatalab panlalandi mo jan kay Zee dahil immune na yan sa mga playboy na tulad mo." Sabi naman ni Dee sakin.

"Aba sinong nagsabing playboy ako? Di totoo yan." Pagtatanggol ko sa sarili ko.

"Kaya pala ang tawag sayo ay "The Playboy CEO". Di kita namukhaan agad kanina pero nung tinitigan na kita ng mabutu, alam kong ikaw nga ang napakasikat na si "Jey Samaniego". Napakaformal mo kasi sa mga magazine at sa interviews mo e. Di tulad ngayon na medyo childish ka pala." Sagot ulit ni Dee.

"Tsk. Kasalanan ko bang sila lumalapit sakin? Nagiging friendly lang ako sa kanila. Malay ko bang may ibang meaning pala yun sa kanila?" sagot ko naman.

"Naku. Lahat ng playboy ganyan ang linya." Naka smirk na sagot sakin ni Zee.

Wala na akong nagawa kundi magpout na lang. At nagtawanan naman ang mga loko. Tsk

Hinatak ni Dee si Zee sa dance floor upang sumayaw. Nag alangan pa si Zee nung una pero sumama na rin. Niyaya pa nila kami pero tumanggi kami at nagsabing panunuorin na lang sila. Habang pinapanuod namin sila ay di ko maiwasang mamangha. Magaling sumayaw si Dee, pero mas natutok ang atensiyon ko kay Zee. Di siya malaswang sumayaw pero ang hot niya tignan. Sheettt. Ang sarap iuwi. Hahaha

"Pre laway mo tumutulo" pang aasar ni Kay sakin.

"Gago ikaw din kaya. Hahahaha" nagtawanan kaming dalawa at pinagpatuloy ang panunuod sa dalawang babaeng nagsasayaw ngayon sa dance floor.

Pagbalik ng dalawa ay nagpatuloy ang inuman namin at kwentuhan at maya maya pa'y nagkayayaan ng umuwi dahil mag aalas dos na rin.

"Zee hatid na namin kayo" alok ni Kay sa kanila habang nakaalalay kay Dee dahil medyo may tama na.

"Naku di na. Dala ko kotse ko at saka di naman ako uminom. Ako na bahala kay Dee." Tanggi ni Zee kay Kay.

"Sigurado ka Zee? Delikado na rin sa daan e" pagpupumilit ko pa rito. 

"Wag na talaga, kaya na namin to saka di naman to ang unang beses na uuwi kami ng gantong oras e." tanggi niya ulit sa akin.

"Ah sige kung ayaw mo talaga, kunin ko na lang number mo para matext kita at malaman ko kung nakauwi kayo ng maayos."

"Yun nga lang ba talaga?" Biro sakin ni Zee.

"Oo noh" defensive kong sagot na ikinatawa niya.

Kinuha niya ang cellphone ko dun at tinype ang number niya. "Oh ayan na. Baka umiyak ka pa. :P"

"Ah sige ingat kayo ha?" Sabi ko sa kanya. Nasa tapat na kami ng kotse niya at isinakay na ni Kay sa sasakyan si Dee.

"Kayo din. :)" sumakay na rin si Zee sa kotse at binaba pa ang bintana neto saka nagpaalam ulit at nagpasalamat. 

"Pre di ka naka score noh? Hahahaha" biglang sabi ni Kay sakin.

"Tablado nga ko pre e. Parang si ...." Sh*t. Napahinto ako sa pagsasalita ng maalala ko siya bigla.

"Hanggang ngayon ba di ka pa nakamove on sa kanya? Seryosong tanong ni Kay.

Ngumiti na lamang ako ng pilit at alam na ni Kay ang ibig sabihin nun.

"Pre kung nakikita mo lang siya kay Zee, mabuting iwasan mo na yung tao." Sinserong payo sakin ni Kay.

"Gago. Naikumpara ko lang siya ang paranoid mo na agad. Tara na nga't umuwi na." Yaya ko sa kanya.

"Pinapaalalahanan lang kita pre. Nag enjoy ako ngayong gabi. Sana naman di ulit abutin ng dalawang buwan bago maulit to noh? Sabi naman niya sakin.

"Oo na. Hahaha Ge ingat" At sumakay na kami sa mga sasakyan namin.

Habang pauwi ako ay naisip ko ang sinabi ni Kay. Ay naisip ko rin ang magandang mukha ni Zee. Iba siya at ngayon lang ulit ako naging ganto kainteresado sa isang babae.


--

Ngayon lang ulit nakapag UD dahil na BH e. </3 Hahahaha


Be Your EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon