Zee Angela Villanueva

44 2 4
                                    


Zee's POV

Haaayst. Grabe talaga tong babaeng to. Iinom inom e di naman pala kaya litanya ko habang akay akay ko si Dee papasok sa dorm namin. Kararating lang namin ngayon galing ng TNT bar.

Yep, dorm. College students pa lang po kasi kami. Kasalukuyan kaming nag aaral sa Jeanne Exclusive Academy ng kursong Business Management. Magkaklase kami ni Dee simula pa lang ng grade 1 kaya di na talaga kami mapaghiwalay hanggang nag college kami. Nasa huling taon na kami ng kolehiyo ngayon. 

Di naman talaga ako yung tipo ng tao na mahilig magparty. Napilit lang ako ng babaeng to dahil ayaw niyang nagmumokmok ako dahil sa walang hiyang manlolokong ex ko. -_-

(flashback)

Asan na kaya yung lalakeng yun? Sabi susunduin daw ako. Wala naman. Tsk Dahil di ko na maantay, ginamit ko na lang ang kotse ko at nagmaneho na papuntang school. Nauna na si Dee dahil may dadaanan pa raw siya.

Pagdating ng school ay tinext ko na lang si Marco, yung bf ko, na andito na ako. Pero habang naglalakad ako papunta ng building namin ay may nahagip ang mata ko na parang kamukha ni Marco na naglalakad papunta sa Accountancy Building. Dahil curious ako, sinundan ko ang lalaking yun hanggang makarating sa AB. Nakita kong may nilapitan siyang babae at hinalika niya ito. Laking gulat ko ng mapagtanto kong si Marco nga talaga ang lalaking yun. Ang walanghiyang yun, napakababaero talaga. Nagngingitngit na ang kalooban kung saktan silang dalawa ng babaeng yun pero ayaw ko namang mag eskandalo kaya kinalma ko ang sarili ko at nilapitan sila.

"Kaya pala di mo ko nasundo kasi pinuntahan mo ang yaya mo dito." sabi ko kay Marco habang nakatingin sa kanya at sa babae niya na parang nandidiri.

"Ah babe, anong ginagawa mo dito?" kinakabahang tanong sakin ni Marco.

"Babe? Sinong tinatawag mong babe? Tayo ba?" sagot ko sa kanya.

"Pag usapan natin to ng maayos, wag dito." Nagsusumamo niyang sagot sa akin ng biglang sumingit ang higad. 😒

"Hoy ikaw malandi, bat mo sinusundan si Honey ko" malditang sabi sakin ni higad.

"Wag mo kong matawag tawag na malandi dahil ikaw ang maharot dito, di mo ba alam na yang tinatawag mong honey e bf ko? Ay onga pala di na ngayon dahil iyong iyo na siya. Kailangan ko na palang magtapon ng basura." Mataray kong sagot sa kanya sabay smirk.

"Aba't matapang ka ha?" Akmang sasampalin niya ko pero pinigilan siya ni Marco.

"Cheska tumigil ka nga at pumasok ka na dun. Mamaya na tayo mag usap." Pagalit na sabi ni Marco sa kanya at sumunod naman ang higad.

"Babe please magpapaliwanag ako, wala lang yung sa amin ni Cheska" pagmamakaawa sakin ni Marco pagtapos makaalis ni higad.

"You know what? Wala akong time makinig sa mga kasinungalingan mo. Magsama kayo ng higad na yun. Sana talaga naniwala ako sa kaibigan kong lolokohin mo lang ako." sabi ko sa kanya sabay alis.

"Babe saglit lang, makinig ka sakin please" pigil niya sakin at hinawakan ang braso ko.

"Will you please get your filthy hands off me? Wag mo na ko ulit kakausapin. We're over." Di ko na inantay na sumagot pa siya at umalis na ako.

Pumasok ako sa klase ko na parang walang nangyari pero deep inside sobra akong nasaktan dahil minahal ko talaga siya pero ipinangako kong hinding hindi ako iiyak sa kanya.

Natapos ang maghapon at pauwi na kami sa dorm ng punahin ako ni Dee. Alam niyang may problema ako dahil nga magbestfriend kami kaya ayun nagkwento ako sa kanya at ng dahil dun nayaya niya akong sumama sa kanya magbar. :3

(End of flashback)

At yun na nga, nakilala namin sila Jey. Di ko akalaing makakausap namin ang isang tulad niya. Sikat siya sa business world dahil sa pagiging successful niya sa murang edad pero mas sikat siya dahil sa playboy image niya.

Nakakatuwa silang kasama at talagang nakalimutan ko ang problema ko habang kasama sila. Alam ko ring nagpaparamdam si Jey sakin pero binabalewala ko yun dahil kagagaling ko lang sa break up at ayoko na uling mainvolve sa mga playboy. Di naman problema sakin kung bisexual siya, aminado naman akong attracted ako sa kanya. Hihi

Nung papalapit sila sa aming table sa bar ay siya ang una kong napansin. Nakakaakit ang mata niyang kulay abo at nag uumapaw ang kanyang sex appeal. Cute rin siya nung parang nahihiya siyang magpakilala. Di ko akalaing mahiyain pala ang isang "Jey Samaniego". hahahaha

Nung nagkayayaan ng umuwi ay nanghinayang din ako dahil nag enjoy akong kasama sila. Di na kami nagpahatid dahil may sasakyan naman kami. Buti na lamang at kinuha niya ang cp number ko dahil gusto ko pa rin naman siyang makilala. 

Nang maayos ko na ang lahat at handa ma akong matulog ay chineck ko ang phone ko kung nagtext na siya pero laking dismaya ko ng makitang wala. Bat pa ba ako umasa e playboy nga pala siya? Ang tanga ko talaga.tsk Hanggang sa nakatulog na ako. 


--

Andaming pumapasok sa isip ko na scene kaso di ko maencode lahat dahil busy na sa OJT. Sorry po guys. Hehe ✌





Be Your EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon