The Naked Truth

67 2 0
                                    

Jey's POV

Shit. Past 7 na pero andito pa rin ako sa office. Bat kasi biglang nagkaproblema sa isang client e. Psh Buti na lang magaling si Sam at naayos na niya. Haayys

Pagtingin ko sa table ko andami pa ring paperworks. Badtrip naman oh. Bukas na nga lang yan. Baka magtatalak na naman yun si Kay pag nalate na naman ako. 

Tumayo na ako at lumabas na sa office. Nadaanan ko si Sam na busy pa rin. Kahit kelan talaga tong babaeng to napaka workaholic. Psh

"Sam tara na uwi na tayo, bukas na yan." Sabi ko kay Sam pagtapat ko sa table niya.

Nag angat naman siya ng tingin at bahagyang inayos ang reading glasses niya. Shet. Ang hot talaga niya pag ginagawa niya yun. Witwew. Hehe

"Boss mauna ka na saka please pakipunasan yang laway mo, masyado kang obvious na patay na patay ka sakin e." Sabi niya sabay smirk sakin. Agad ko namang kinapa ang bibig ko kung meron at nang mapansin kong wala naman ay sinamaan ko siya ng tingin. Pinagtritripan lang pala ako. Tsk

"Grabe ka boss. Nakakatawa ka. Hahahaha" aba pinagtawanan pa ko. Pasalamat to maganda siya e. Tsk

"Ganyan ka naman e. Natutuwa ka pag napagtritripan mo ko." sabi ko sabay pout.

"Wag kang gumanyan sakin boss di tatalab yan saka ang pangit mo. :P" nang asar pa talaga e. 

"Lam mo ikaw lang nagsasabing pangit ako, ang dami kayang patay na patay sakin dito. Mapalalaki man o babae, lahat nahuhumaling." Pagyayabang ko sa kanya.

"Masyado ng mahangin dito boss kaya umuwi ka na nga"

"Tara na kasi, masyado kang workaholic jan. Di ko naman dadagdagan sweldo mo kahit magpakasipag ka jan e." Biro ko sa kanya. 

Inirapan niya ko pero tumayo na rin at nag ayos ng mga gamit niya. Alam ko namang di ako matatanggihan neto e. Ako pa ba? Hahaha

"Hatid na kita Sam" sabi ko sa kanya habang naglalakad kami papuntang elevator.

"Kaya tayo pinag iisipan ng iba ng mga empleyado dito e" ngiti niya sakin.

"Alam naman natin ang totoo e saka pakialam ba natin sa kanila?" sabay akbay ko pa sa kanya.

"Ikaw talaga boss. Tara na nga libreng pamasahe din yan." Sabi niya sakin sabay hawak sa braso ko. 

"Akala ko mag iinarte ka pa e. Haha Saka anong sinabi ko sayo na itatawag mo sakin pag tayong dalawa na lang magkasama?"

"Ang arte mo talaga Jey. Tsk" sabi niya sakin.

"At ang ganda mo naman S." Sabi ko sabay kindat at dumeretso na sa kotse ko. Nakita kong di gumagalaw sa kinatatayuan niya si Sam kaya binusinahan ko. Nagulat naman siya at sumakay na rin sa kotse ko. 

"Bwiset ka talaga Jey e noh?" Sabi niya sakin pagsakay niya ng kotse. 

"Tulala ka kasi e. Hahaha"

"Magdrive ka na nga jan at bilisan mo, gusto ko na magpahinga"

"Oo na po ma'am" sagot ko sa kanya. utusera lang e. Hmp

--

Paglipas ng 30 minuto ay nakarating na kami sa tinutuluyan niya. Isang apartment sa may Quezon City at mag isa lang siyang nakatira dito.

"Salamat sa paghatid Jey, di na kita aaluking pumasok. Alam ko namang may lakad ka e." Sabi ni Sam sakin at bumaba na. Lokong yun, di man lang ako inantay makasagot. 

Umalis na rin ako at dumeretso na sa tinutuluyan ko. Alas 8 na rin kasi at yari na naman ako kay Kay. Tss

@JS Tower

Be Your EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon