Flashback April 3 2020
____________________Nandito kami ni aki sa isang beach resort kami nalang kami dumating dito. Gwen suggested this place and dito ko dinala si aki para mag unwind saglit. Maganda rito the place is like paradise di ako nag kamali na pinag ka tiwalaan salamat kay Gwen.
"So kamusta na ang panliligaw ni Franco sayo?, wala ka bang balak na sagutin sya? Isang taon na rin syang nanliligaw sayo" tanong ko kay aki.
"Well he's great guy, he's been so patient at may balak na akong sagotin sya pag balik natin mula sa trip na to" she smiled while her eyes is fixed ahead.
Biglang kumirot ang dibdib ko nang marinig ang sagot nya sa tanong ko, i like aki simula pa noong bata pa kami.
Aki is my childhood bestfriend, simula pa noong mga bata pa kami ay malapit na kami sa isa't isa dahil business partners ang aking papa at ama ni aki.
Parati nya akong pinag tatangol sa mga bully noon nung bata pa kami. Mataba kasi ako noon at parati nalang binu-bully, hindi ko naman ma sumbong kila mama noon dahil busy silang pareho ni papa sa trabaho.
Aki bumped my shoulder and said " ang lalim naman ng ini-isip mo ano ba yan?" she asked while giggling.
"Wala may na alala lang" sabi ko tsaka pinisil ang kanyang ilong.
"Hmmp! yan kananaman sa pag pisil nang ilong ko" galit na sabi nya, ako namay natawa sakanyang ekspresyon.
"Ang tangos kasi ng ilong mo, nag mumukha kang si mama mary" sabi ko, she glared at me.
Nag kukulitan kami habang nag lalakad sa dalampasigan nang maka kita kami ng ice cream truck, aki squealed in excitement.
" Miks bili mo ko ice cream please" sabi nya sabay nag puppy eyes.
"Panget mo, tigilan mo yan, tara" pag bibiro ko sa kanya at inaya na sya, "ang sama mo, maganda kaya ako hmmp!." rebat nya sa biro ko, kaya natawa nalang ako.
Totoo namang maganda ang isang to maamo ang mukha, mestiza, at matangos ang ilong. Kaya maraming nag hahabol sa kanya mapa lalake man o babae.
Naka lapit na kami sa ice cream truck "kuya pa bili ng dalawang vanilla ice cream with oreo crumbs" sabi ni aki sa nag may edaran na lalaki.
"Parang bata talaga" mahinang sabi ko, pero narinig nya at siniko ako, kaya natawa ako.
We enjoyed the rest of the day, nag kulitan, kwentohan at dumadalo ng iba't-ibang store sa beach na to.
Gabi na at dinala ko s'ya sa restaurant na pina reserba ko dito lang sa resort na to. Maganda ang resto clam ang vibes dito at maganda ang lights.
We took a seat and the waiter gave us the menu "I want roast rack of lamb and...aki what's yours?" the waiter listed my order, while i asked aki her order.
"I would like the classic trout amandine" sabi nya na dinugtungan ko "And also we would like a pure red wine" sabi ko sa waiter.
"Ok sige po ma'am, please wait lang kayo ng 30 minutes thanks" sabi nung waiter.
Aki roamed her eyes around the place and said "Ang ganda dito, madalas ka bang pumunta sa resort na ito Miks?" tanong nya sakin.
"Nope, ngayon lang nag pa suggest kasi ako ni gwen kung asan ang magandang resort na kinuwento nya samin ni Grey nung nag bakasyon sya" mahabang paliwanag ko kay aki, tumango tango naman sya.
YOU ARE READING
Für Elisé
RomanceThis is a gxg horror romance story this is my first time writing and also ang storya na to ay kathang-isip lamang. Ang storya na ito ay patungkol kay Mika Dreyia Jermaño na namatayan nang matalik na kaibigan sa si Akira Queen Samendes, pero matalik...