Chapter 6

8 1 0
                                    

Flashback  May 7 2020
__________________________

This our last day dito sa Baguio, two days lang kami dito dahil may pasok pa ako ngayong Monday.

Now papunta kaming Baguio Cathedral of our Lady of the Atonement. Kasalukuyang nag dra-drive ako ngayon.

"Ang tahimik mo ata ha" pag basag ko ng katahimikan, lumingon sya sakin sabay ngiti "wala, may iniisip lang" sagot nya.

Di ko ma iwasang mag alala sa kanya, "bakit may problema ka ba?" sumilip ako saglit sa kanya bago itinuon ang atensyon sa daan.

Umiling sya sakin "no, wala naman, iniisip ko lang si franco, may hindi kami napag kaintindihan bago tayo pumunta rito." sumama ang aking loob nung binanggit nya ang pangalan ng gagong yon.

Hindi ko sinabi kay aki ang nasaksihan ko, dahil mas gusto kong sya na mismo ang maka diskobre na may ibang babaeng kasama ang manliligaw nya.

"Let's just focus on our last day here okay?, ako ang kasama mo ngayon wag mo munang isipin sya" sabi ko sakanya "sige ka sa kakaisip mo nyan ma s-stress ka at tatanda ng maaga" pag bibiro ko sabay tawa.

Sinamaan nya ako ng tingin sabay hampas sa braso ko "Aray!, nakakarami ka na ah" pag ka tapos kasi nyang hinampas ang braso koy, kinurot nya naman ang tagiliran ko.

"Buti nga sayo, nakakapikon yang bunganga mo eh" pikon nyang sabi, at tumawa lang ako.

Naka rating kami sa cathedral, nag park muna ako bago kami lumabas at pumasok sa loob ng simbahan. Pero may na aninag akong cute na candy hugis sing² then a plan struck my mind, palihim akong bumili at daling sumunod kay aki.

Pag ka pasok namin ay pumwesto kami sa ikalawang row at lumuhod kaming pareho at nag dasal.

Pag katapos namin ay lumabas na kami, pero nasa tapat pa kami ng simbahan ay pinigilan ko si aki.

"hmm?" tanong nya pag lingon nya sakin.

"Teka lang" sabi ko at may kinuha akong candy na singsing at in-unwrap ito, bago sinuot sa kanya. Palihim kong binili to kanina sa nag titinda malapit sa pinag parkingan ko ng kotse.

"Ngayong nandito tayo sa tapat ng simbahan na to, gusto kong mangako bilang bestfriend mo na hinding hindi kita iiwan, i'll be by your side, through thick and thin, in sickness and in health" mahabang panimula ko at mahinang natawa."Mangako ka rin ang kj mo ha" habol kong sabi sa kanya.

"Nababaliw ka na ata" tumatawa nyang sabi. Pinatong nya ang isa nyang kamay sa kamay ko at sinabing " Pero sige na nga, ako rin ay nangangakong di kita iiwan through sickness and in health, through ups and downs, i'll be by your side Mika as your bestfriend" sabi nya sakin at ngumiti, ako rin ay lumawak ang ngiti sa labi. "Mag picture muna tayo" sabi ko.

May dumaan na tao, at nakisuyo ako para kuhanan kami ng litrato. Pag ka tapos ay nag pa salamat ako kay kuyang dumaan, at sinilip ang mga litratong kinuha nya, napangiti ako sa mga litrato, at pag lingon ko kay aki ay ganon din sya naka ngiti ng malawak.

Kasalukuyang nag drive ako sa next destination namin, which is sa strawberry farm dito sa Baguio.

We got out of the car, i took my camera with me, and nag tanong sa mga tao dito kung pwede ba kaming mag strawberry picking.

Sinuot ko ang aking straw hat at ganon din si aki, someone guided us sa pag pi-pick ng strawberry. I took out my camera and took stolen shots of the place and also i took a stolen picture of aki.

Für EliséWhere stories live. Discover now