Forever In Darkness

25 2 1
                                    

Mikha

Iba na talaga ang naririnig at nararamdaman ko ngayon dito sa madilim na lugar na'to, feeling ko may multo!

Panay ang paglingon ko sa likuran dahil may naririnig akong mga yapak na papalapit sa'kin pero hindi ko makita.

Subra na ang lakas ng tibok ng puso ko sa kaba at takot, at ang mga paa ko ay kulang na lang ang hindi tatakbo.

"May tao ba ryan??" Sigaw ko habang lumilingon dahil kanina ko pa nararamdaman na may sumusonod na talaga sa'kin.

Pero walang sumagot sa sigaw kong tanong kaya mas kinabahan ako dahil subra na rin ang dilim dito sa lugar na'to, ang makikita lamang ay ang sinag ng full moon pero hindi parin yon sapat dito sa place na'to.

Binalik ko ang tingin sa dinadaanan, at ganon na lang din ang gulat ko nang may biglang dumakip sa'kin na isang babaeng mahaba ang buhok.

"Ahh!!—" Pasigaw na'ko nang bigla niyang takpan ang bibig ko ng kamay niya.

Feel ko naglaho kami sa lugar na kinakaruonan ko kanina dahil ngayon andito na kami sa loob ng isang malaking puno.

"Shhh..." Doon ko na rin nakita ang buong mukha niya nang masilayan siya ng sinag ng buwan.

Bigla ko siyang nahampas sa braso ng malaman kong si Aiah lang pala ang dumakip sa'kin papuntang puno.

Nagulat din ako nang makita ang itsura niya ngayon, nakablack pa naman siya. But i can't deny, ang hot niya tas plus ng kanyang maputing mukha at mapulang labi.

Ang ganda niya.

Subra pa ang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa kagagawan niya!

"ARAY!" Sabi niya sabay napahawak sa braso niya.

"Ginugulat mo nanaman ako!" Inis kong saad sa kanya.

"Hala, kung hindi kita kinuha sa madilim na lugar na'yon baka makuha kapa!" Pasigaw niyang sagot sa'kin.

Natawa ako dahil hindi ko alam kung ano ang sinasabi niya, eh siya lang naman ang sumunod sakin.

"What? Kala mo matatakot ako sayo? Then stop mo na nga yang panggugulat sa'kin, bwesit!" Sabi ko sa kanya.

"Ayts, may sumusonod sayo." She said.

I don't know, pero bigla akong kinabahan at natakot.

"Ayts, hindi mo'ko matatakot Aiah. Sige na uwi na'ko bye." Saad ko sabay naglakad, pero hinila niya ako pabalik at sinandal doon sa puno.

Muntik pakong matumba dahil subrang lakas ng pagkahila niya sa'kin. Lumuwag ang mata kong napatingin sa kanya.

At nagulat din ako sa mukha niya ngayon, she smirked at unti-unting nilalapit ang mukha sa'kin. Halik ba gusto nito??

I don't know pero hinayaan ko lang siya, ready naman ako magrespond ng kiss eh HAHA

Diretso ang tingin ko sa mga pula niyang labi. Nung pinikit ko na ang mga mata ko ay wala akong naramdaman sa labi ko, pero naramdaman ko ang labi niya sa leeg ko.

Napairap ako nang naramdaman kong parang ngipin na niya ang nararamdaman ko sa leeg ko.

She's kidding me? Akala niya hindi ko siya papatulan?

"Not here Aiah, pwedi naman sa bahay ko." Bulong ko na naging dahilan ng pagkalayo niya sa'kin.

Natawa ako dahil nakikita ko nanaman na ang puti na niya.

"U-umuwi ka na." Sabi niya na lang. Ang mukha niya ay unti-unting naiiba.

"Are you okay?" I asked kasi napansin ko talaga na iba na mukha niya.

Subra na ang puti niya, mukha na talaga siyang multo!

I don't know if paningin ko lang ba pero nakita ko talaga na pati mata niya ay pula na, at ang ngipin niyang mahaba ay unti-unting lumalabas.

God! Anong nanyari dito? Nagalit ko ba siya dahil sa pagpigil ko sa kanya??

"Hey!" Hahawakan ko na sana ang mukha niya pero bigla niyang nilayo ang kamay ko at tinalikuran ako.

"Umuwi kana sabi!" Inis na sabi nito.

"Aia—"

"I said, umalis kana dito!"

Nakakatakot na yung boses niya. Oo alam ko nakakatakot siya minsan pero iba ngayon, pati ako natakot na.

"H-hmp" napalunok na lang ako at tumango.

Dali-dali akong naglakad papalayo sa kanya.

______________________________________

Forever In Darkness (Mikhaiah)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon